Kahon ni Mang Kanor

56 2 0
                                    

NAKAKAPASO ang init ng araw. Tila sinusunog nito hindi lang ang balat ko, kun'di pati na rin ang buo kong kalamnan. Napabuntong-hininga ako habang ipinapahid ang likod ng palad ko sa mga pawis na kanina pa lumalandas sa'king noo.

"Pambihira! Ganito ba talaga maglihi ang mga buntis?" tanong ko sa sarili. "Ngayon pa talaga niya naisipang magpabili ng manggang hilaw. Lang'ya! ang init. Patay na yata ang hangin."

"Sinong patay?!"

Napatalon ako sa biglang nagsalita. Nilingon ko kung sino 'yon. Bumuntong-hininga ako. Nakita ko si Mang Kanor, nakaupo sa paborito niyang pwesto. "Mang Kanor naman. Kakagulat ka, e."

Sa kakahanap ko ng mailap na manggang hilaw, 'di ko namalayang napadpad na pala ako rito sa tapat ng bahay ng matanda.

"Ha? Ano 'yon, Hijo? Sinong patay?" sunod-sunod na tanong ng matanda.

Napakamot ako sa kabingihan niya kahit wala namang kuto sa ulo ko. "Ah, wala ho. Ang sabi ko, Mang Kanor, ang init! Parang walang hangin! Parang patay!" pasigaw na saad ko para siguradong marinig niya.

Tumango-tango siya. "'Di na humihinga?" Nalito ako sa tanong niya. "Matumal na naman ang benta ng mga kabaong ko."

Biglang nanindig ang mga balahibo ko sa binanggit niya. Kabaong. Tama, nagtitinda siya ng kabaong. Sa patay sila nabubuhay. Sa dinami-rami ng negosyo, bakit 'yan pa?

"Ah, e, matumal? Baka naman ho kasi..." pinagbigyan ko muna ang daliri kong kumamot sa ulo ko bago magpatuloy, "iba na 'yung lifestyle ng mga tao. Gusto na yata nilang mabuhay nang mas matagal kaya 'di pa nila kailangan 'yun sa ngayon. Pero, hintay-hintay lang ho. Siguradong may bibili rin sa inyo." Kinilabutan ako sa pinagsasabi ko.

"Ano 'yon, Hijo? 'Di ko narinig."

Hinilamos ko ang palad sa mukha ko. "W-wala ho. Sige, ho, alis na muna ako. Kailangan ko pang bilhan 'yong misis ko ng manggang hilaw."

"Teka, Hijo, bibili ka ba ng kabaong ko?"

Tila binuhusan ako ng malamig na tubig. Bigla akong nanlamig. 'Di ko alam kung bakit. Siguro, dahil tila inaanyayahan niya kong bumili ng isang bagay na kailanman 'di ko gugustuhing bilhin.

"Manggang hilaw ho ang bibilhin ko." Mahirap talagang makipag-usap sa mga may mahinang pandinig.

Tatalikod na 'ko nang may boses-babaeng sumingit sa'min. "'Pa, andito ka na naman pala. Tayo na sa loob."

Tiningnan ko ang nagsalita. Si Andrea, ang nag-iisang anak ni Mang Kanor. Blangko ang ekspresyon nito habang tinutungo ang pwesto ng ama. Tumingin ito sa'kin. Walang emosyon. Parang bolang kinulayan ng purong itim ang bilugan nitong mga mata. Hinatid ko na lang ng tingin ang dalawa nang papalayo na ang distansiya sa pagitan namin.

NANGINGINIG kong tinahak ang eskinitang magdadala sa'kin sa bahay. 'Di ko alam kung anong problema ng kalangitan ngayon. Kanina, sobrang init. Ngayon naman, nakakapanindig-balahibo sa lamig dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan mula sa masungit na kalangitan. May buwanang bisita yata ang langit ngayon o baka buntis tulad ng asawa ko.

Napabuntong-hininga ako nang maisip ang asawa ko. Kailangan kong mag-adjust sa paiba-ibang pakikitungo niya sa'kin ngayon. Hindi raw kasi madaling magbuntis. Minsan nga nang umuwi ako ng bahay, bigla-bigla na lamang niya 'kong sinabihang taksil dahil lang nabasa niya ang palitan namin ng mensahe ng matandang babaeng pinagtatrabahuan ko. Ako, magtataksil? Siya, ipagpapalit ko sa matandang iyon? Siya ang mahal ko. Sa kanya tumitibok ang puso ko. Siya ang dream girl ko na akala ko 'di ko kayang abutin. Siya ang buhay ko.

Kumatok ako sa pinto ng bahay nang makarating ako. Nakailang katok na 'ko pero 'di pa rin niya ako pinagbubuksan.

Medyo madilim na. Nangangatog na ang mga tuhod ko dahil sa lamig. Para akong basang sisiw na walang masisilungan.

Iba na ito. Parang may mali. Ayaw kong pangunahan ang nangyayari pero nilalamon na ng negatibong pag-iisip ang nararamdaman ko.

Isinigaw ko ang pangalan ng asawa ko pero tila 'di ko ito narinig, nabibingi ako sa lakas ng pagtibok ng puso ko.

Tinungo ko ang bintana namin. Jalousie ito kaya bahagya kong nasilip ang loob ng bahay. Nabato ako sa kinatatayuan nang makita ang senaryo sa loob. Mas dumoble ang lamig na gumagapang sa'king kalamnan. Nanlaki ang mga mata ko. Ngayon, 'di lang langit ang lumuluha, maging ako rin.

Kumuha ako ng katamtamang bato para mabasag ang bintana. Nakapasok ako sa loob. Kitang-kita 'ko ang nakahandusay na katawan ni Leah habang lumalangoy sa sarili niyang dugo at may saksak sa dibdib.

Hindi ito magagawa ni Leah sa sarili. Hindi niya kayang idamay ang anak namin. Hindi niya kayang iwan ako.

"Magbabayad ang gumawa sa'yo nito, Leah..."

Agad akong humingi ng tulong sa kapitbahay. Nagtungo ako sa pinakamalapit na Police station.

Habang papunta ako roon, nadaanan ko ang bahay ni Mang Kanor.

"Bibili ka na ba ngayon ng kabaong ko, Hijo."

Napapitlag ako. Aalis na sana ako dahil wala akong balak makipagkuwentuhan sa matanda nang makita ko si Andrea, nagmamadaling pumasok ng bahay, basang-basa at nababalutan ang kamay ng pulang likido.

Contest EntriesWhere stories live. Discover now