38-Acceptance

7.4K 175 14
                                    










Habang ibinababa ang ataul sa malalim na hukay, kasabay ng mga bulaklak at mga ala-ala ng mga naulila at naiwan, mga luhang walang tigil sa pagpatak, nagsambit ako ng huling pasasalamat at pamamaalam. Hinding hindi ko siya makakalimutan dahil naging bahagi siya ng buhay ko maging noong hindi ko pa man siya kilala.

Hindi pa rin ako makapaniwala na wala na siya. Napakabuti pa naman niya sa akin. Sana lang ay maging maligaya at matahimik siya sa kinaroroonan niya ngayon.

"Denisse. Let's go."

"Hindi ko pa din matanggap na ganun lang ang buhay ng tao. Kahit kailan ay maaring bawiin."

"That's how life is. That's why we have to cherish every moment of our lives. So we don't have to regret anything when the time comes that we have to say goodbye to this world."

"Come on. They are waiting for us."

I said my final goodbyes.

"Mahal na mahal kita Warren. I love you so much."








"My Princess, I love you more. Come on Love. We really have to go. Mang Atong's family is expecting us to go back with them."

Sayang si Mang Atong. Mabait siya at isang responsableng ama at asawa. Isang linggo pagkatapos namin bumalik ni Warren ng Maynila ay inatake ito sa puso na naging dahilan ng kaniyang pagkamatay.

Doon ko napatunayan na napakabuting tao talaga ng mahal ko. Siya pala ang nagpapaaral sa mga anak ni Mang Atong at binigyan pa niya ng maliit na tindahan ang misis nito. Kaya pala ganoon na lang ang pag-aalaga at loyalty nilang lahat kay Warren.  Kahit mukhang masungit itong boss ay suportado naman niya lahat pati ang pamilya ng mga malalapit na taong nagtatrabaho sa kaniya.

Habambuhay kong ipagpapasalamat na isang masamang bangungot lang ang pagkamatay niya. Kapag naaalala ko ang nangyari ay magkahalong takot at tuwa ang nararamdaman ko. Takot dahil totoong totoo para sa akin ang nangyari, siguro dahil masyado akong pabebe ay pinarusahan ako ng kapraningan ng araw na iyon. Dahil doon natutunan kong tanggapin na hindi lahat ng bagay ay naayon sa ating kagustuhan. Maiksi ang buhay kaya't dapat hindi nag-aaksaya ng kahit isang segundo sa hiram na buhay.


"No! That's not true! Warren is not dead! He told me to wait for him. . .  Sabi niya papunta na siya. . . One hour lang. . . Malapit lang. . .Hindi ako iiwan ni Warren. . .  Hindi siya papayag na umiyak ako. . .Warren! Please naman. . . wag naman ganito. . . Hindi ko kakayanin 'to. . . Aaaahhhhhh!"

"Waaaaarreeeeen!!!"

"Love! Denisse. My princess. I'm here. Shhh. That's just a bad dream. I won't leave you ever. I promised I'll be here didn't I? There was just some air traffic we weren't able to land at the tarmac on time.  . .Its me. . . I'm real. . .I went here as soon as I can, but found you screaming my name like I was dead or something."

Kulang na lang ay lamutakin ko ang mukha niya para lamang masiguro na totoo siya. It turned out na sa sobrang praning ko na mawala siya, binangungot tuloy ako.

"You're here! Akala ko nawala ka na sa'kin. I'm so sorry baby. Sorry for being so stubborn. I missed you! I love you so much. . .I love you. . .I love you. . .I love you. . .I love you. . .I love. . . mmmm"

Pinaghahalikan ko ang mukha niya habang sinasabing mahal ko siya. Hindi na siya nakapagpigil at itinulak niya ako pahiga sa kama at hinalikan. His kiss was desperate and filled with longing. One month of pent up desire for each other increased the intensity of the kiss. It was like my whole being was attuned to his lips and roaming hands. We may have kissed and made out until the wee hours of the night.

Ang mahigit isang buwan naming hindi pagkikita ay isa na lamang madilim na kahapon na hinding hindi na namin muling babalikan.





"Love, why are you smiling like that? And don't look at me while biting your lips, we might end up going home instead."

Naalala ko kasi ang gabing iyon. Kung hindi kumatok si Mama sa kwarto ay baka naglakad na ako sa altar na walang belo. Sabi kasi nila virgin lang raw dapat ang naglalakad na nakatakip ng belo kapag kinakasal. At sobrang pagkamiss namin sa isa't isa muntikan na niyang makalimutan ang goal niya sa buhay na iclaim ako sa wedding night. Pauso kasi siya. Wala naman akong sinabing gusto ko ng ganoon.

"Love. . . your lips. . . We may not even make it at home if you keep on doing that. . ." Kinabig niya ako papalapit sa kaniya at hinalikan sa may puno ng tenga papunta sa leeg at pagkuwa'y sa mga labi. Masarap sanang enjoyin ang moment kung hindi lang sa mga puting nitso at krus na nasa paligid.

"Mahal na mahal na mahal kita kahit maharot ka.  Sinasamantala mo na marupok ako sa mga halik mo."

"I love you too. You really sound sexy when you speak Tagalog."

"Kung ganoon pala, tagalog na lang ako palagi makikipag usap sayo, di pala ko sexy kapag English eh."

"Of course that's not what I meant."

I kissed his nose dahil sobrang cute niya kapag inaasar ko siya.

"Ready ka na ba? Mamayang gabi hindi ka daw pwede sa bahay matulog ha. Pamahiin daw."

"No. I'll just stay in the guest room so it's farther from your room. Or, we can start the honeymoon tonight to break any jinx. . . Hmm. . ."

Kung palandian lang naman talaga winner na winner ang fiance ko. Minsan nga feeling ko nahahawa na rin ako. Para na rin akong linta at ahas na laging nakadikit at nakapulupot sa kaniya.

"Stop it. . .nakikiliti ako. . . naman Warren. . ."

"Love, I can't wait to marry you tomorrow. Can we just elope now so I don't have to sleep away from you tonight?"

"Baby, it will just be a few more hours. Nakapaghintay ka nga ng ilang taon, ilang oras pa hindi mo matiis? At kung sa guest room ka ilang metro lang ang layo sa kwarto ko. . ."

"I just want to make sure you'll be mine forever."

"Wala nga diba na forever? Meron lang eternity."

"Isn't that the same thing?"

"Warren. Hindi pa nga tayo kasal kinokontra mo na ako."

"Nah. Just joking. Whatever you say. You're the boss."

"I don't want to be your boss. I want to be your wife and partner in life. I love you."

"I love you too."

"Tigilan na natin itong pagtatamisan natin at kanina pa tayo hinihintay ng mga tao."

We went to Mang Atong's memorial Lunch then went home to rest and prepare for our Big Day tomorrow. The day when we will finally tie the knot.





***

A/N: Ayan po hindi ko na pinatay si Warren. Thank you for your votes and comments!

The Billionaire's BondWhere stories live. Discover now