19-Secrets

8.2K 190 13
                                    










Lumipas ang ilang araw at naging mailap sa akin si Warren. Kahit na sandamakmak ang pasalubong niya sa akin tuwing lalabas siya, hindi pa rin ako masaya.

Hindi na rin niya ako pinalabas ng bahay. Inilipat niya ang mga gamit ko mula sa opisina sa Study niya sa Mansyon. Sabi niya ay para raw hindi na ako mahirapan magbiyahe. Pero sa dami ng security na idinagdag niya sa bahay, hindi ko maiwasang isipin na ikinukulong niya ako para hindi makalapit sa akin si Kristoff.

Feeling ko ako si Rapunzel na nakulong sa isang mataas na tore. Ang pakakaiba lang, ang toreng iyon ay ang lalaking mahal ko. Isang tore na kahit nasa loob na ako ay hindi ko pa rin maabot.

Maghapon lang naman ako nasa loob ng either Study or sa Library. At doon nga ako inabutan ni Warren.  Sa library habang nagbabasa ng Romance Novel na iniimagine kong ako ang bida.

"Denisse, I will be gone for a week or two. I can't stay during the weekend.  But I will be back next week for our monthly weekend getaway that you said you'd plan. I just have to go to England for some important family matters."

"Sure."

"I would have wanted for you to come with me but your travel documents did not push through as planned. I am still fixing it."

Hindi ko nga alam na inaayos pala niya ang passport ko at mga Visa. Paano niya kaya nagagawa lahat ng ito na hindi man lang ako kinakausap? I am starting to feel repressed.

"Fine."

"Hey. Don't frown like that. It doesn't suit your gorgeous face." Lumapit siya at tinangka akong yakapin na mabilis ko namang iniwasan.  Bumalik na naman si Mr. Pa-Asa. Ilang araw din niya akong hindi kinausap tapos ngayon feeling close naman. Tumalikod na lamang ako at tumango.

"Im fine. Just go and do whatever it is you have to do."

"Denisse. . . I. . ."

Oo sige magmonologue ka nalang. Bumulong ka na lang sa hangin kagaya ng lagi mong ginagawa.

I didn't care if I seemed rude dahil iniwanan ko siya. Siya naman ang mag-isip kung bakit ako cold sa kaniya. The way I see it, I am just a play thing. A trophy perhaps. Baka naman pinagpupustahan lang pala ako kagaya ng mga napapanood sa TV at nababasa sa pocketbooks? Pero kung pustahan ito, sana bigyan nila ako ng balato dahil ako naman ang pinakamasasaktan. ROI man lang sana sa lahat ng emotional investments ko.

"Ma'am Denisse, pinapabigay po ni Sir ito bago siya umalis."

"Salamat ho Manang." Inabot ko ang chocolate at flowers na ibinigay ng mayordoma. Binasa ko ang card na nakakabit dito.

I may not be the best man for you now, but I promise to be your last. Please Denisse. I will fix everything. Just hold on and wait for me.

Loving you, Warren

Kakaibang kaba ang naramdaman ko pagkabasa ng sulat. Ngayon lang siya nagsabi ng ganito sa akin. Pero hindi kilig ang nararamdaman ko. Takot. Takot sa kung anong bagay ang inaayos niya para sa akin.

"Ma'am, may nagpapabigay po. Hindi po nagpakilala. Nakita ko lang po naghihintay sa labas."

"Salamat. Bakit hindi mo ibinigay sa mga security? Hindi ba't iyon ang instruction sa inyo?"

"Ay ma'am wala po kasing tao kanina sa labas. Mineeting po yata sila ni Sir bago po umalis."

"Sige salamat Maring."

Isang brown envelope na may pangalan ko pero bakit iba?

Para akong isang bida sa horror film. May background music na nakakakaba. Bakit iba ang pakiramdam ko dito?

To: Denisse Lauren Ellison

Sa pagkakaalala ko hindi pa kami kasal ni Warren at walang Lauren ang pangalan ko sa birth certificate.

Pumanhik ako sa kwarto na alam kong walang CCTV camera na pwedeng makakita sa akin. Tinago ko sa loob ng damit ko ang sobre dahil baka makasalubong ko ang mga guwardiya. Noong nakaraang araw kasi, nahuli ko silang hinaharang lahat ng regalong pinapadala sa akin ni Kristoff. Mga bulaklak, damit at tsokolate pati na rin mga sulat.

Pagdating ko sa kwarto ay naupo ako sa duvet. Mga dokumento ang laman ng envelope.

Adoption papers ko. Denisse Abucay. Pictures namin ng mga kinilala kong mga magulang. May mga iba pang dokumento. Birth certificate ng isang Denisse Lauren Ellison. May litrato ko pa nang sanggol pa lamang ako na nakadamit na puti, parang ang mga damit na napapanood kong suot ng mga anak ng maharlika.

Ang pangalan ng mga magulang ay. . .

Tuluyan ko nang nabitiwan ang mga dokumento. Sumabog itong lahat sa sahig. Marami pa akong nakitang mga litrato na lalo kong ipinanghina.  All this time niloloko pala niya ako. Ito pala ang tunay na dahilan kaya ako nandito.

Maya maya pa at may narinig na akong katok sa aking pintuan.

"Denisse? Please open the door."

Si Warren. Akala ko ay nakaalis na siya. Nanginginig ang buong katawan ko sa galit. Hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa kanya pag hinarap ko siya.

"No! I don't want to see you! Go away!"

Sinubukan kong maging matapang ngunit gulong gulo na ako. Nag-uunahan ang mga luha ko. Ano ba ang totoo?

Sa loob ng envelope ay may isa pang papel. Marriage Certificate. Mga dokumentong nagpapatunay na kasal na kami ni Warren. Iba din ang pangalang nakalagay dito. Denisse Lauren Ellison ang sa babae. Ang sa lalaki naman ay Warren Louise Ellison Riviera.

Pero paano nangyaring may pirma ko ito? At saka lang bumalik lahat sa akin ang eksena sa restaurant. Ang makakapal na dokumentong pinapirmahan nila sa akin.

Napasalampak na ako sa sahig hindi alintana ang pagkakagulo ng mga tao sa labas. Pilit nilang sinususian ang pinto. Wala na akong lakas upang lumaban pa. Parang hinuhugot ng bawat luhang pumapatak sa aking mukha ang aking enerhiya.

Daig ko pa ang namatayan. Dahil sa pagkakataong ito. Hindi ibang tao ang namatay kundi ang sarili ko. Ang Denisse na kinilala ko ng dalawampu't isang taon ay hindi pala totoo.

"Warren. Bakit mo nagawa ito?" Tuluyan nang nanlabo ang aking paningin. Hindi ko na nasaksihan ang pagpasok niya sa pintuan at pagtakbo para saluhin ang pagbagsak ko.








***

A/N: The next chapter will be Warren's POV. I made it private for a change. This is my first time to try this feature. :)

To view the chapter, please follow me then add again this story to your library. If it doesn't work. Log back in sa Wattpad.


Thanks for reading! Your comments and votes are very much appreciated! :)

The Billionaire's BondWhere stories live. Discover now