2 - Don't Talk To Strangers

22.8K 369 7
                                    







"Denisse!"

"Denisse! Huy ano ba nagiimagine ka na naman diyan!"

"Denisse! Kung bakit naman kasi katanghaliang tapat nagiimagine ka. Ang dami daming gagawin pa sa Thesis mo. Sa assignment ko sa Geo di mo pa 'ko tinutor."

"Bakit ba! May iniisip lang ako." At umirap nalang ako sa sobrang pagkainis ko.

Naramdaman ko na lang na may tumapik sa aking balikat. Si Karen, ang isa sa  dalawang kaibigan ko na mas maingay pa sa sirena ng ambulansya.

"If I know, you're thinking about that hunk again. The one you saw in the limo."

Intrimitida talaga itong si Sandra, ang pasosyal ko'ng kaibigan.

"Of course not. 'Ni hindi ko nga alam kung ano ang pangalan n'ya."

"Don't worry darling. What are friends for? I will look him up for you."

"Huwag na nga Sands, hindi naman talaga s'ya ang iniisip ko."

"Fine, if you say so. Karen and I need to go. We still have classes."

"Sige ingat kayong dalawa. Papasok na rin ako after ng report ko."

"You better finish that girl, or else you won't graduate with honors."

"Gaga! Sa sobrang dalas n'yan dito ni Denisse sa library, baka nga akala ng mga tao sya ang librarian dito. Imposibleng hindi mag Cum Laude yan."

"Shhhhh"

"O s'ya aalis na nga kami nagagalit na naman si Ma'am librarian."

"GTG girl! Don't think about him too much!" Pangaasar pa ni Sandra.

"Hindi talaga!"

At umalis na nga silang dalawa.

Ang totoo, hindi ko makalimutan ang image na iyon ni Guy in a black suit.

Isang napakatipunong lalaki. Sobrang gwapo niya. Mukhang foreigner, maputi siya pero masculine pa rin ang dating with his dark brown hair and blue eyes.

Nakita ko blue talaga.

Ewan ko ba e ordinaryong black suit lang naman ang suot niya pero para akong binalibag sa puso ng isang sakong bigas sa lakas ng kabog sa dibdib ko noong makita ko siya.

His stare was what made me stop and look. He was looking at me with a hawkish gaze. Para bang hinuhubaran niya ako sa mga tingin niya. O baka naman naimagine ko lang at sa totoo e naaalibadbaran naman pala siya sa pagmumukha ko at sa kulay hot pink kong damit. O baka naman nasilaw sya sa gintong sandals na suot ko noong gabing iyon.

But nevertheless, iba pa rin ang connection naming dalawa. I felt the air sizzle with electricity. Pero baka naman dahil lang sa nasa tapat ako ng poste ng ilaw at nagreflect lang ang sapatos kong kumikinang.

Sino nga kaya siya? Paano ko siya makikilala? I closed my eyes and made a wish na sana magkita kami ulit. Sana makita ko pa siya.  

"Please please please po magkita po sana kami ulit."

"Miss. Can I have a word with you?"

Ang ganda ng boses. Ang lamig. Sino naman kaya ito. Siyempre naisip ko muna 'yan bago ko binuksan ang mga mata ko.  Napatayo ako at napasigaw sa sobrang gulat.

"Hey Miss. Shhh. Be quiet, I am not here to hurt you."

All my senses goes haywire at that moment dahil sa paglapit niya sakin at pagtakip sa aking bibig. I smelled his cool and masculine scent. Parang bagong ligo sa bango.

I looked up and I saw the man I have been imagining just a few minutes ago. Napakabilis naman napagbigyan ang aking hiling. Kailangan ko mag offer ng maraming itlog kay Santa Clara mamaya bago umuwi.

"Miss. You can let go of me now."

Nakakahiya! Hindi ko namalayan napayakap na pala ako sa kanya at inaamoy amoy ko ang leeg niya. Sana nilamon na lang ako ng lupa sa kinatatayuan ko.  Naitulak ko siya bahagya at nakita kong napasimangot siya.

"Can we start over?"

"Sige. I mean yes."

"I don't think we've met but I searched for you when I saw you a few nights ago. Do you remember?"

Siyempre naman oo. Pero hindi ko aaminin.

"Oh. I don't remember you. Sorry."

I saw him smirk pero inignore ko na lang. Feeling naman nito ang gwapo nya.

"I see. Even so, you made an impression on me and I am here to make an offer."

"I don't talk to strangers. Will you please introduce yourself to me first?"

"Warren. Warren Ellison." And he outstretched his hand and offered me a handshake.

"Ang lambot."

"Pardon? My Tegelowg is rusty."

"I mean, nice to meet you. I'm Denisse Abucay."

I wanted to hold on to his hand pero bumitaw na siya. KJ naman nito.

"Enough with pleasantries. Can I invite you for a coffee so we can talk about my offer?"

"Sure. Oh shoot! I still have to attend one more class. I'll be off in an hour."

"My time will be wasted if I wait an hour. Just drop your class. You won't need that anyways."

Kahit pabulong niya sinabi yun last part, narinig ko pa rin.

"Hey, Mister Ellison, your time may be important but I value my education more than anything. This is my future and nobody decides what I do with it."

He seemed irritated. Pero bakit ba nakakairita rin kaya siya.

"Geez, just one class and you had to give me that monologue. Here's my card. Be at my office tomorrow morning at 8 am sharp."

"It's Saturday tomorrow. I have work."

"I know. Quit your job and go to my office."

Without another word or glance, he left.

Sayang talaga siya. Ang gwapo pa naman pero nakakabuwisit pala. Akala naman niya pupuntahan ko siya bukas. Manigas siya! Uugatin siya at magiging kulubot na ang balat niya kakahintay pero hindi ako darating.

Sino siya para sabihan ako ng mga dapat kong gawin! Nakakainis!

'Di ko naiwasang ihampas hampas ang folder na hawak ko dahil sa sobrang inis.

"Miss. Please. This is a library."

"Sorry po Ma'am."

After a few minutes, umalis na rin ako at nagtungo na aking huling klase. Being a graduating student vying for honors and a degree in Business Management keeps me busy. My thesis is nearly complete. I just need some references from a high profile business and then everything will be finished.

Konting paghihirap nalang Denisse. Iyan ang lagi kong sinasabi sa aking sarili. Being alone in life made me optimistic. I have no one to rely on but myself. Kaya laban lang ng laban sa buhay.

After class, umuwi na ako. Pero wala na pala akong uuwian dahil bumungad sa akin ang isang nakakalunos na tagpo.

The Billionaire's BondWhere stories live. Discover now