6 - White Lies

10.8K 283 3
                                    




Sa sobrang pagkabalisa ko na parang may hindi siya sinasabi sa akin, hindi ko na alam kung tama ba ang kotseng pinasukan ko.

Sabi naman ng mama na nagbukas ng pinto, "Ma'am Denisse dito po." So tama naman siguro at hindi ako nakidnap.

"Ah kuya sa may Makati po."

"Alam ko na po ang address ma'am. Magrelax lang po kayo diyan."

"Salamat ho. Kuya ano nga ho pala name n'yo?"

"Atong po ma'am."

"Salamat ho Kuya Atong."

Siyempre mabagal pa rin ang daloy ng trapiko kaya't mag aalas onse na nang dumating ako kina Karen. Nasa Pilipinas kasi ako kaya't normal na ito. Naitext ko na kay Karen na paparating na ako at inabangan niya ako sa may gate nila.

"Ang tagal naman ng meeting mo Denisse. Kumain na kami ni Sandra, may food doon sa kitchen kung gutom ka."

"Salamat friend pero busog na busog ako. Tulog na si Sands?"

"May ginagawa sa laptop nya."

Sinundan ko na si Karen sa kwarto niya. Modern style bungalow type ang kanilang bahay, may apat na kwarto na sakto lamang para sa kanilang tatlong magkakapatid at sa parents niya. Malaki ito at maluwag, puno ng magagandang muwebles at mamahaling kasangkapan. Interior designer kasi ang kaniyang ina. Madalas ako rito simula nang maging magkaibigan kami noong highschool at nakita ko kung paano magturingan ang isang masayang pamilya.

"Nagmomoment ka na naman ba?" Napahinto kasi ako sa may hallway ng kanilang bahay na patungo sa mga silid kaya nilingon ako ni Karen.

"Hindi. Tara na."

Pagbukas ng pinto ay nakita ko si Sandrang busyng busy sa ginagawa niya.

"Oh. You're here. Come and see this! I made a research of that man you just went on a meeting with."

English talaga magsalita si Sandra. Kaya nahasa rin akong mabuti sa pagsalita at pagintindi ng Ingles dahil na rin sa simula magkakilala kami noong elementarya ganoon na siya magsalita. Nakakaintindi siya ng Tagalog ngunit hindi niya kaya magsalita nito. Marahil dahil halos tuwing bakasyon ay nasa Amerika siya para makasama ang parents niya na doon ang negosyo. Parehas kaming only child kaya naiintindihan ko na minsan ay malungkot siya sa kanilang bahay at lagi din siya nakikitulog dito kina Karen.

"Ano naman natuklasan mo?" Kinakabahan ako at the same time naeexcite sa mga malalaman ko. Maasahan talaga itong kaibigan ko bago ko pa iresearch ay nagawa na niya.

"Here. Listen. Warren Louise Ellison is one of the youngest CEO and Billionaire in Asia. He graduated in MIT on top of his class with a degree and masters in Information Technology. His own company, the WLER Inc. is the most sought after Computer Hardware and Software Development Company in the world. His company is based in Japan with offices all over Asia including the Philippines.

He is 26 years old, half Filipino with English royal blood and was rumored to be an heir of a Duke in Europe. He was seen on dates with different models and celebrities."

"Bigatin pala Denisse."

"But wait, there's more! At present, he is on the verge of losing his office in Macau and Hongkong because of an issue with a Chinese tycoon's daughter who was also rumored to be his former fiancée."

"Reliable ba 'yan Sandra?"

"I think so. Almost all of the five articles about him contain the same thing. Though of course, we don't know the whole story."

Ang bigat pala ng gagampanan kong role. Pero mas mabigat kung paano ko sasabihin sa kanila na doon na ako titira sa bahay ni Warren. Mahabang paliwanagan ito.

"Denisse? Bakit ka namumutla?"

I have to pull this off kung hindi ay magdududa sila sa akin at pag nagduda sila sa akin, hindi rin maniniwala ang ibang tao sa pagpapanggap ko.

"It was love at first sight." True for me but I don't think na true for him.

"Ha?! Huh?!"

"Both Warren and I, we fell in love with each other at first sight. Kaya kami nag meet tonight. That was his proposal dinner." 1 2 3 4 5 6 7 seconds

"Ano!? What!?" Sabay pa silang napatayo at lumapit sa akin.

"Warren and I are engaged. And I will be living in with him starting tomorrow." 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 seconds

"Nababaliw ka na ba?! Kakakilala mo pa lang sa taong iyon Engaged na agad?! Live in na agad! Ni wala ka pa ngang first date, first kiss, first everything tapos ito na agad?!"

"Are you sure about this Denisse? You've just met this guy and now this!? Are you crazy!"

Ang dami pa nilang sinasabi pero nag tune out muna ako sandali kasi nahilo rin ako sa dami ng information about Warren na nagpaprocess pa sa isip ko. Humiga ako sa kama at pumikit. Makalipas ang ilang minuto, natahimik rin silang dalawa at tumabi sa akin. Pinagitnaan nila ako para siguro wala akong kawala.

"Denisse, please tell us the truth. Are you sure about this?" The lesser information I give, the better para hindi madagdagan ang kasalanan ko sa kanila.

"Yes, I am sure."

"Baka naman pinilit ka lang? Alam ko guwapo at mayaman siya pero friend naman, sobrang maganda ka at matalino. Halos lahat ng lalaki sa campus napapalingon kapag dumadaan ka. At sa sobrang talino mo nga libre ang tuition mo sa College diba. Running for honors ka pa. Pero naman friend, first boyfriend mo dapat yan tapos engaged agad? Di ba pwedeng fling fling muna itry mo muna iyon bago ka magseryoso ng ganiyan."

"If you really love this guy, get to know him first. He didn't even court you properly. How do you know he really is in love with you? You've met just today!"

"I know. But I am willing to take the risk. This is my chance to be happy. Baka ito talaga ang destiny ko. I will get to know him before we get married, don't worry about me I can handle myself. I have been doing that for the past four years remember?" Naiiyak na ako ayoko nang ganito. Never pa akong naglihim sa kanilang dalawa. Kaya masakit rin sa akin itong ginagawa ko.

"We know about all your hardships. We've been with you every step of the way. Pero paano ka namin tutulungan kung hindi mo sasabihin ang totoo. Alam ko Denisse, what you are saying is true but not the complete truth. May story pa iyan behind. You're withholding information from us."

Si Karen talaga ang inaalala ko. Malakas kasi ang pakiramdam nito. Alam na niya agad na may itinatago ako sa kanila.

"In time, you'll know everything. Hinihiling ko lang sa inyong dalawa ngayon, please trust me that I know what I am doing. Please? Please trust me at huwag na kayo magtanong? Promise I'll take care of myself at hindi ako masasaktan. Kung masaktan man ako, choice ko na iyon. This is a leap of faith for me. Wala naman akong ibang pamilya kung hindi kayo lang."

Matagal na katahimikan bago muling nagsalita si Karen at Sandra.

"You know we will always be here for you Denisse. Kung kailangan mo kami, we are just here for you."

"We are just one call away."

"Alam ko. Kaya nga thankful ako kayo ang naging kaibigan ko."

"Awww. Group hug naman!"

Sila lang talaga ang mga kaibigian at pamilya ko at masuwerte ako at sila ang kasama ko. Sana lang maging masuwerte rin ako sa landas na tatahakin ko sa mga susunod na buwan. 

The Billionaire's BondWhere stories live. Discover now