9-Long Hair

8.4K 239 12
                                    



Paglabas namin ng kwarto ay nakita ko agad siya na nakatalikod sa may bintana. Napakapit ako sa dalawa kong kaibigan at nagkatinginan kaming tatlo bago ko siya tinawag.

"Good Morning Warren."

"There you are. I've been. . ."

Napatigil si Warren nang umikot siya at makita ako. Tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Maiksi yata masyado ang shorts ko dahil nagtagal ang tingin niya sa legs ko. Napalunok pa siya bago ulit magsalita.

"I've been trying to call your phone but it's out of coverage area."

"It's in my bag. Sorry. These are my friends, Sandra Wright and Karen Santiago."

Lumapit siya sa amin at kinapitan ang aking bewang at hinila ako papalapit sa kaniya. Grabe! Ang haba ng buhok ko.

"Warren Ellison. Denisse's fiancé."

Iba pala ang dating kapag si Warren ang nagsabi. Kilig factor one hundred times.

Kinamayan niya ang nakanganga kong mga kaibigan.

"Nice to finally meet you."

Nagchorus pa ang dalawa at parang nasa lala land kung tumingin sa man of my dreams ko.

"Huy! Akin to. Umayos nga kayo." Binulungan ko ang dalawa bago kami umalis. Parang napangiti si Warren kahit hindi naman niya naintindihan ang sinabi ko.

"Thank you ladies for taking good care of my girl. Let's go?"

Kung kagabi ay galit na galit sila sa desisyon ko at kulang na lang ay isumpa nila ang lalaking ito. Ngayon naman para silang mga uod na binudburan ng asin sa sobrang kilig.

"Good luck girl! Take care!"

Hindi na ako nagsalita dahil nadistract na ako nang kinuha ni Warren ang aking kamay at inakay ako palabas ng bahay papasok ng kotse.

"Hey. Are you alright?

"Yes. Why do you ask?"

"You're so hot. I mean, you look hot. I mean, you're face is all red."

Matapos mo akong pakiligin ng todo, itatanong mo pa kung bakit ako namumula. Kainis! Nawawala ang poise and decorum ko bilang Dalagang Pilipina dahil sa mokong na ito. Buti na lang at hindi lang pala ako ang affected. Kasi namumula rin siya.

"I'm fine. You look kinda red too."

Itinodo niya ang aircon sa likod ng sasakyan, feeling naman niya hindi ko alam na nagbablush siya dahil sa "Hot" statement nya. Minsan lang ito enjoyin ko na.

"You look good by the way."

Emeged. Puso, kumalma ka.

"Thanks. You don't look bad yourself."

Not bad ka diyan Denisse e kulang na lang hubaran mo ang tao sa sobrang pagkaguwapo mo sa suot niyang puting polo shirt at faded jeans. Hindi naman pala puro black suit lang ang laman ng wardrobe nito.

"Where are we going?"

"We are going shopping for your things before I show you the house. By the way, your previous office already sent your things to my place. Your last pay was also deposited to your account this morning."

"How did you do that?"

Silence. Akala ko nga ay hindi na siya sasagot.

"I know the owner of that company."

Marami pa talaga akong kailangan malaman tungkol sa mapapangasawa ko. Wow ah feeling ko talaga totohanan na ito.

"Sir nandito na po tayo."

"Thank you Atong."

"I thought you don't understand Tagalog?"

Parang nag-alinlangan na naman siyang sumagot.

"My mom is Filipino but I don't really understand and speak the language. But Atong always say those words whenever we reach a place, that's why I know what it means."

"Ah."

Iyon lang ang naisagot ko dahil fascinated talaga ako sa galaw ng bibig niya tuwing nagsasalita siya. Para siyang anghel na bumaba sa lupa para halukayin ang tiyan ko sa kilig at kaba.

Nauna siyang bumaba. Bababa na sana ako ng kusa pero umikot siya at binuksan ang pintuan ko. Siguro para makaboso, este para makapogi points. Napaiksi kasi talaga ata itong shorts ko, at parati siyang napapatingin sa legs ko. Noong highschool pa kasi itong mga damit ko kina Karen. Tumangkad ako ng konti sa dati kong height, ngayon ay 5'5" na ako. Pwede rin namang umurong na ang tela kakalaba.

Habang naglalakad, napansin kong terno pala kami ng suot. White shirt , faded jeans at white sneakers. Shorts nga lang ang sa akin at ang sapatos ko hindi na kasing puti na suot niya. Compatible rin pala kami kahit na mukha kaming Dance Troupe na nakacostume.

Huminto kami sa may bukana ng shopping district.

"Denisse, I have a friend who will accompany you shopping."

Napansin yata niyang nalungkot ang mukha ko dahil kinuha niya ang kamay ko at inilapit ito sa kanya.

"I have a short breakfast meeting with an investor but I will join you later for lunch. Make sure to change your outfit once I leave. I don't want anyone else. . . I mean, I don't want anyone feasting their eyes on your legs. . . I mean you."

Puntos ka na naman Denisse. Confirmed! Type nga niya ang legs mo. Napangiti ako dahil nagstutter na naman siya at napapadalas ata ang pangangamatis ng kaniyang mukha.

Bahagya niya akong inilayo sa kanya at binitiwan ang aking kamay. Baka naalala niya na fake lang pala ito. Pero hindi ba't nasa public place naman kami kaya ayos lang na mag-PDA. Haay Warren.

"Don't worry, I am not comfortable wearing this anyway. I just don't have any other thing to wear earlier. You know with the fire and all." Naalala ko na naman ang sunog na iyon.

At iyon na nga, humaba ulit ang buhok ko na nagretreat na kanina, nang hinila niya ako ulit papalapit sa kanya at bahagyang niyakap. Siguro nahihiya pa siya sa akin dahil half-hug lang ang ginawa niya kaya itinodo ko na at ipinulupot ko na rin ang isa kong braso sa likod niya. This must be heaven. Ang bango niya sobra.

Okay na sana ang first moment namin together kung hindi lang sa nakita kong papalapit ang ang mala-artistang babaeng iyon. Ang tangkad parang mga 6 footer at perfect na kurbada ng katawan. Napaka-ganda parang model turned actress. Maputi at makinis ang balat, mahaba ang buhok na nakapusod parang chignon. Napakasopistikada niya at mala-diyosa sa suot niyang Red dress na figure hugging. Ito ba ang makakaribal ko? Tadhana naman, bakit ang lupit mo? Ano ba ang panama ng p*kpek shorts ko sa slit ng damit niya na hanggang baywang. Please huwag naman sana ito ang friend ng Warren ko.

"Warren. Sorry I'm late."






***

A/N: Oh no! May karibal rin kaya si Denisse kay Warren? Dito na ba ang wakas ng hindi pa nagsisimulang love story ng WarDen? 

Thank you for your votes and comments! 


The Billionaire's BondDonde viven las historias. Descúbrelo ahora