14-Guardian Angel

6.4K 197 11
                                    



Pagkatapos ng fireworks, nag-aya nang umalis si Warren. Gusto pa sana niya kaming magdinner pero antok na antok na ako. Napagod ako ng sobra sa pinakamasayang araw ng buhay ko. Oo, baduy na kung baduy. Pero masayang masaya para sa akin ang araw na ito.

Nakatulog akong muli sa biyahe at naramdaman ko ang matitigas niyang bisig na yumakap at umalalay sa akin. kaya't mas naging mahimbing ang aking pagtulog.

Malambot na kama. Mabango at makinis na unan at kumot. Malamig na kwarto. Teka hindi naman ganito ang higaan ko. Napabalikwas ako at dagliang dumilat. Nasaan na nga ba ako? May amnesia lang ang peg.

Naalala ko na, malamang ay bahay na ito ni Warren. Hindi na kasi ako nagising kagabi. Kung ganun ay binuhat niya ako papunta dito? Waaah. . . talaga ba? Sana bridal style. Sayang naman at totoong tulog ako at hindi ko man lang naramdaman.

Suot ko pa rin ang damit na suot ko kagabi. Bakit kaya hindi niya ako binihisan? Hala! Ano ba itong mga naiisip ko. Malamang sobrang gutom lang ito. Nang tumingin ako sa orasan sa gilid ng kama, alas nuwebe na pala ng umaga. Nakakahiya. Tanghali na ay natutulog pa ako.

Bago ako bumangon, pinagmasdan ko muna ang buong silid. Malaki ito, isang white four poster bed na may lace trimmings na light pink. Paano kaya niya nalaman na pink at white ang favorite colors ko? Baka naman nagkataon lang. Mayroon ding malaking dresser na puno ng mga pabango at kung anu-anong gamit pambabae. Dati na kaya itong nandito o para sa akin lahat ng ito?

Tumayo na ako at naglibot sa kwarto. Parang isang malaking bahay ang silid ko. May sariling banyo na may bathtub na maraming aparato. Parang jacuzzi pa yata ito. Malaki rin ang glass enclosed shower area at kumikinang ang mga tiles sa sobrang kaputian. May pabulaklak pa sa may sink malapit sa toilet na kulay light pink rin.

Kung tutuusin, kasing laki ng banyong iyon ang tinirhan ko dati. Naglibot pa ako at nakita ang isang silid. Namangha ako sa walk in closet. Hili-hilerang damit at mga sapatos. Para akong pumasok sa isang shop na puno ng mamahaling brands at gamit. Pag-higit ko sa isang drawer, puno ito ng mga alahas at accessories. Nakita ko rin ang mga lagayan ng bag at purse pati na rin ang mga pambahay na damit na masinop na nakatiklop at nakasalansan. Ang isang cabinet naman puro swimsuits ang laman at mga underwears. Ang iba ay napaka revealing at iniisip ko pa lang ay parang ayaw ko nang isuot.

Nanghina ako sa sobrang dami ng mga gamit. Kung para ito lahat sa akin, hindi ko alam kung guardian angel ba ang nakilala ko o demonyo. Isinanla ko ba ang kaluluwa ko? Bakit parang sobra sobra naman yata ito? Trabaho lang ba ito o kapalit ba nito ay ang buong pagkatao ko?

I was never a lavish person, siguro dahil wala naman talaga akong pera. Pero I don't feel comfortable with all these luxuries. Akala ko kasi ang mga damit lang na ipinakita ni Marie ang gamit ko. Mas marami pa pala.

"Denisse? Is there anything wrong?"

Nagitla ako sa pagpasok ni Warren. Hindi ko namalayan na pumasok pala siya.

"I knocked but you didn't answer. I was just checking if you're awake. Breakfast is waiting."

Kailangan ko na itong sabihin. Hindi ko alam bakit pakiramdam ko isinasanla ko ang sarili ko. Parang may mali. Parang may hindi siya sinasabi sa akin.

"Warren, can I be honest with you? I wish you to be honest with me as well."

"What?"

"What is your true motive for bringing me here? What is the true motive of that contract we signed?"

Nag-iimagine lang ba ako o parang namutla siya. Ngunit ang sagot niya ay walang bahid na kaba o pag-aalinlangan.

"I already told you what this is about. No need to repeat that again. Why do you ask anyway? I thought everything is clear."

"I am just confused. I am not used to this life. I am not used to these things." Itinuro ko pa ang mga gamit for emphasis.

"Warren, this is too much. You should have followed what was stipulated in the contract. My payment for this agreement does not involve luxury such as these." Binuksan ko pa ang drawer ng mga alahas.

"Look Denisse. I don't understand what the problem is. Other girls would have gushed over these branded things. I thought you will appreciate the thought. These things doesn't change anythng that we have agreed upon. I just want you to feel welcome and comfortable as I thought you would."

Medyo naguilty ako sa sinabi niya. Para nga naman akong inggrata. Binigyan na nga nagrereklamo pa.

"I'm not other girls, I'm not like them. I am contented with simple things. Don't think that I don't appreciate the efforts. Believe me, I do. I just don't understand WHY."

"You're overthinking things. I just want you to feel comfortable. This will be your home now. All of mine will be yours. . ."

Kung funny ako funnywalain, malamang nayakap ko na siya at napaghahalikan sa sobrang tuwa. Pero ngayong araw, narealize ko kung gaano kalayo ang agwat namin sa isat-isa. Ang estado sa buhay. Mapa-ibig ko man siya, hindi ko yata kaya panindigan ang buhay na mayroon siya.

"I mean all of mine will be yours, until the contract expires."

Sabi ko nga. Contract agreement lang ito. Kahit ilang beses ko pang isipin na totoo, alam ko namang hindi.

"Go down to the Dining Area when you're ready. I don't want to hear about his again."

Nag-iba ang timpla ni Warren. Baka nairita siya sa kaartehan ko. Sa bagay, kahit ako naiirita sa kaartehan ko.

Napabuntung-hininga na lamang ako. Nagshower ako ng mabilis at nagpalit ng pambahay. Pati mga damit pambahay ay mamahalin rin, puro mga sundress, halter blouses at shorts. Sumilip ako sa labas at nakita ang swimming pool. Naisipan kong magswimming after breakfast since wala naman siguro kaming gagawin. Kaya naglagay ako ng swimsuit as underwear at nagsuot ng sundress. Para hindi na ako babalik ng kwarto mamamaya matapos kumain.

Grand spiral staircase ang binabaan kong hagdanan. Sa pakiwari ko ay mansyon ang bahay na ito. Napakarami nitong kwarto. Ganito pala kalaki ang bahay ng isang Bilyonaryo. Ayoko nang magmasid pa at lalo lamang akong manliliit kaya't hinanap ko na lamang ang Dining Area.

Warren is typing something on his laptop while he sips his coffee. Kung ganito ang makikita ko araw araw paggising ko, masaya na ako. Sobrang swerte ng taong mamahalin ng taong ito. Sana ako na lang. Bipolar na yata ako. Kanina ayaw,ngayon naman gusto na ulit.

"Hi Warren. Good morning. Sorry for the way I acted earlier."

"Sit and have breakfast. I already ate. I have a meeting at eleven. Do you mind if I leave you. . .ah. here for a while?"

Napatigil siya nang bahagya nang makita ako. Hindi kasi agad siya tumingin sa akin pagdating ko.

Naupo na ako sa tabi niya nang makita kong parang gusto pa niyang tumayo at ipaghila ako ng upuan. Ayoko na magpabebe. Quota na ako sa kaartehan ko kanina.

"Yes. I'll just take a dip in the pool later if you don't mind?"

Muntik na niyang maibuga ang kape na iniinom niya pagkarinig ng sinabi ko. Bakit kaya? OA naman nito magsuswimming lang naman ako.

"Ahm. Eherm. Yes. Sure. You can use me, I mean everything here. Whatever you want. Excuse me. I have to go."

Ano naman kayang topak ni Warren bigla na lang umalis. Haay, sana man lang ay nag-goodbye kiss ka sa fiancee mo. 





***

A/N: I had to set the next few chapters into Private to protect my copyright.

You can read the full story if you follow me. Thank you!

The next chapter is set to private.

The Billionaire's BondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon