12-First Date

8.6K 222 15
                                    



Sumakay kami ng kotse at nagpunta sa isang Theme Park sa Laguna. Buti na lamang at nakatulog ako sa sasakyan dahil siguradong maiinip ako sa Saturday traffic ng kamaynilaan. Nagising ako na nakahilig sa balikat niya at inaalalayan pa niya ang aking ulo para hindi siguro gumalaw. Gaano katagal niya kaya ginawa iyon? Hindi kaya siya nangawit? 

Pa-hapon na rin nang dumating kami doon kaya't hindi na kainitan. Thankful rin ako at isang sleeveless royal blue blouse at light pink slacks at blue flat sandals ang ipinasuot sa akin ni Marie kanina dahil akma sa pinuntahan naming lugar ni Warren. At ang importante doon hindi  na kami mukhang sasayaw sa dance troupe.

"Here we are! Think of this as our first date."

Paasa pa more Warren! Sige for now, sasakyan ko ang trip mo. Sayang rin ang araw na ito. First time ko makapunta dito. Isa nga ito sa mga gusto kong puntahan na lugar noong nabubuhay pa ang parents ko.

"Sure."

"Come on!" Parang bata si Warren na hinila ako papunta ng ticket booth at papasok ng Entrance.

"Where do you want to ride first?" Genuinely excited talaga siya. At lalo siyang gumagwapo dahil napaka-aliwalas ng mukha niya habang nakatingin sa akin.

Sumangguni pa ako sa Map ng parke bago ko napili ang mga rides na gusto ko sakyan.

"I want the extreme rides, all that involves speed and height."

"Really?! Cool! Come on. I know which one to start with."

At ayun na nga. Dahil mga extreme rides ang inuna namin, halos nawalan na ako ng boses kakasigaw. Weird thing is si Warren tawa lang ng tawa. God! Ang tawa niya is addictive. Parang drugs. The more na naririnig ko, mas lalo ko pang hinahanap. Sana ay nirecord ko pala para puwede ko ipaulit ulit pakinggan. Baka puwede ko pa nga gawing ringtone.

Hindi man lang kinakabahan si Warren sa mga rides kahit ako ay kulang na lang mapunit ang lalamunan kakasigaw. Ayoko naman isipin na masaya lang siya kasi napapayakap at napapakapit ako sa kamay niya tuwing matatakot ako. Siguradong hohopia na naman ako. Masakit na kaya bumulusok pababa ng langit.

"Here. Drink this."

"Thanks."

Ganiyan siya tuwing matatapos kaming sumakay ng rides. Pinapainom ako ng tubig alam niya kasing nakakauhaw magsisigaw habang siya pinagtatawanan lang ako. Pagkainom ko ay siya naman ang iinom. Feeling ko tuloy indirect kiss kami each time iinom ng tubig na ikinakahaba naman ng mahabang mahaba ko ng buhok.

"Aren't you tired yet?"

"Believe it or not, I am having fun. It's a good feeling to just shout your heart out."

Totoo naman. I am having the best time. Hindi lang dahil kasama ko siya pero dahil na rin sa freedom na pakiramdam habang isinisigaw at inilalabas ang nararamdamang excitement at takot. Exhilarating is the exact word.

"Yeah. I'm just worried you won't be able to talk to me anymore if we continue these rides. Your throat may be getting sore by screaming."

For emphasis, hinawakan pa niya ang leeg ko. Juice colored naman Warren tama na please hulog na hulog na ako.

"Come on. We'll ride another one then just walk around the park."

Hinila ko na lang ang kamay niya para hindi niya mahalata ang epekto niya sa akin.

Ganito kami buong araw. Magkahawak kamay, nagtatawanan. Pati mga tao sa paligid namin nakuha naming pagtawanan. Their expressions sa mga rides ang common na pinagtatawanan namin. Kung may makakita sa amin aakalain na real-life couple kami. Ako nga napaniwala diba, sila pa kaya?

"I need to go to the restroom."

"I'll go with you."

"No. Just stay here and wait for me. I won't be long."

"Are you sure?"

"Yeeesss!"

Sana ang yes na iyon sagot ko na lang sa Will you marry me. Pero hindi eh.

"Alright, I'll wait for you here."

Pagdating sa restroom, naghilamos ako at nag-ayos. Sobrang gulo na pala ng buhok ko. At pulang pula na rin ang pisngi ko siguro dahil sa init at sobrang excitement. Para akong naka blush on. Pati ang labi ko mapula rin pero parang tuyo kaya naglagay ako ng lipbalm. Favorite scent ko ang lipbalm na mint para kasing ang fresh niya, nakakawala ng stress at pagod.

"Nakita mo ba ang gwapo ng lalaki nasa labas? Parang foreigner. Napakswerte naman ng girlfriend niya."

"Oo nga. Sobrang guwapo. Eeeeeee! Parang artista! Hindi kaya artista nga iyon?"

"Baka hindi naman kasi hindi naman nagpapa-autograph mga tao. Haaay. Sana magkaroon rin ako ng boylet na ganun."

"Gaga. Asa ka pa. E hindi naman tayo kagandahan. Nakita mo ba ang girl na kasama? Maganda diba? Bagay na bagay nga sila. Ang sweet nila. Parang loveteam sa Teleserye."

Napangiti ako. Sino kaya ang pinag-uusapan nila. Hindi naman siguro si Warren ko dahil sabi ko sa kaniya hintayin niya ako sa bench. Haay. Speaking of, kailangan ko na palang bumalik.

Pag labas ko ng CR, nandoon siya naghihintay habang nag-iiscroll sa kaniyang cellphone. At ang daming babaeng nakatingin sa kaniya. Mga hitad na ito! Kung hindi lang ako pademure paghihilahin ko ang mga plik-mata nila para hindi na makatingin.

"Warren. Let's go."

Pagtingala niya ay binigyan ako ulit ng isang mala-anghel na ngiti. Paano ba ako hindi mahuhulog sa iyo kung kada ngingitian mo ako gustong tumalon ng puso ko palabas ng dibdib ko?

Lumapit siya sa akin at nabigla ako ng hinalikan niya ako.

Sa noo. Sa noo ang first kiss ko! Oo mababaw na kung mababaw pero para akong lumutang sa ere.

"Come on. Let's go have a snack. You might be starving!"

"Su. . . sure."

HHWW ulit ang peg namin. Kumain kami sa Subway. Napansin ko na puro healthy food lang ang kinakain niya. Strict siguro ang diet para ma-maintain niya ang perfect body niya. As if naman nakita ko na 'diba.

"Here. Try this."

Pinakagat niya ako sa sandwich na kinakain niya. May sauce na nag drip sa aking baba kaya't pinunasan niya ito ng kaniyang daliri. Wala na talaga. Hindi na ako makakaahon sa lunod na pagkagusto ko sa lalaking ito.

"Thanks."

"Did I tell you that you look very pretty today?"

"Ah. . . Thanks?"

Parang nabigla rin siya sa nasabi niya dahil bigla siyang napatahimik.

Ilang minuto rin na katahimikan ang lumipas. Nakayuko lang ako at iniiwasan kong tumingin sa kaniya. Para kasing tuwing titingnan ko siya ay gusto ko siyang sunggaban at yakapin. Paano na lang ang pagka-Dalagang Pilipina ko hindi ba.

"Denisse. . ."

"Hmm?"

"Are you ready? Are you ready to go?"

Akala ko naman kung anong ready. Sasagot sana ako ng I was born ready!

"Yes. Come on. It's getting late."

"I want to show you the fireworks. I heard they have one tonight."

"Oh. Okay."

"Do you want to walk around some more? Take some pictures and shop?"

"Yeah. Sure. Let's go."

HHWW. Minsan may pa-akbay pa. Si Warren na ata ang papalit sa head ng PA-ASA. Ay PAG-ASA pala iyon.






***PLease vote comment and follow me here in Wattpad. Thank you for your support!

The Billionaire's BondDove le storie prendono vita. Scoprilo ora