CHAPTER 22. THE QUEEN

Start from the beginning
                                    

“Si Alexander pala ang gusto mo ha!” panggagatong ni Kevin.

Ayan, lalong namula. Kulang nalang magtago siya sa likuran ko.

“Joke lang, joke lang!” Kevin laughed. “By the way, naglakad lang kayo?” tanong niya, para maiba ang usapan.

“O-Oo... Okay lang naman kasi malapit lang...” sagot ni Jaemin.

“Saan ka ba nakatira?” Kevin asked.

“Sa ngayon, kina Lili—kina Khali ako nags-stay. Hehe.”

“Lym? Anong malapit dun? Medyo malayo rin ‘yun no...” Kevin said. “Wala kayong service?”

“Wala eh...”

Nasa magkabilang dulo sila tapos sila pa ‘tong madadaldal, eh kung nagtabi nalang sila?

“I guess, we can give you a ride from time to time.” Kevin offered. “Tutal same subdivision and school lang naman tayo.”

“Diba, Trev?” sabi ni Kevin sabay tulak sa kaniya, kaya nagkabanggaan ang braso namin ni Kang.

Nilingon ko si Hominid na ngayon ay may nakakalokong ngisi.

“I don‘t mind.” the King answered.

“Hala, nakakahiya naman kung ganon...” Jaemin said.

“What do you think, Khali?” baling ni Kevin sa‘kin.

“I think it‘s suspicious.” I replied.

Kevin scoffed. “Potek na ‘yan. Ano bang akala mo sa amin?”

As usual, sa gitna ng oval ako dumaan, short cut papunta sa academic buildings, kaysa naman dumaan pa kami sa gilid.

Daming nagkalat na students sa oval ngayon. Hindi naman ganito nung nakaraan ah.

“Hi, Trevor!” napatingin kaming lahat sa babaeng humarang sa harapan namin.

Gumilid ako at nagpatuloy lang sa paglalakad. Hindi naman ako ang pakay niya eh.

Pero si Kang nakita kong sumunod parin sakin. Ni hindi man lang pinansin si Ashley...

“Hey wait!” sigaw ni Ashley.

Maya-maya ay nasa harap na naman namin siya. This time, hinarang niya na mismo si Kang kaya natigilan siya sa paglalakad.

“Stop!” utas ng Hari sa akin.

Naramdaman ko nalang na may humawak sa kamay ko at hinila ako.

I gave him a side glance and he returned it with a warning gaze. I stopped and stared at him blankly.

Nang lingunin ko si Ashley ay nakita kong nakatingin siya sa kamay namin ni Kang.

Pinuwersa kong bawiin ang kamay ko para makawala ngunit mahigpit talaga ang hawak niya. Saka ko lang napansin na iyong braso pala na iyon ‘yung na-injure.

I was pretty perturbed, so I quickly looked up and saw his pained expression that he was trying to hide.

I stood still. I couldn‘t move. He should‘ve just let my hand go. He‘s really stupid!

GANGSTER ROYALTIES: Love and MisadventuresWhere stories live. Discover now