Nagugutom ako, ano kayang masarap kainin?

“Mangga!” parang nagningning ang mga mata ko nang makita ko si Janelle na may hawak na mangga.

“Heaven, ano bang problema mo?” tanong niya nang agawin ko sa kaniya ang hawak niya.

“Sakin nalang 'to.”

Gusto kong isawsaw sa suka na may sili. Jusme, iniisip ko pa lang feeling ko naglalaway na ako.

“Huh?”

“Wala! Bye Janelle, salamat sa mangga.”

Tumakbo ako pabalik ng tent. Nang makita ko itong mangga, nawala agad ang pagtatakam ko sa kape na may kanin.

“Kain ka ng kain diyan. Hindi mo na napansin na pumasok ako.” wika ni Hell na nasa likuran ko.

“Ano bang paki--” humarap ako sa kaniya kasabay ng paglaki ng mga mata ko. Topless at brief lang ang suot. “M-mahiya ka naman Hell, magbihis ka nga!” bulyaw ko.

“Sus, nakita mo na lahat. Huwag ka ngang feeling virgin diyan.” Aba't... Nang-gigigil ako. Baka masapak ko ang isang 'to.

“Kapal ng mukha mo.” inis kong sambit at tinuloy nalang ang pagkain ng mangga.

“Ano 'yan?” tanong niya.

“Pagkain malamang. Nasaan ba ang utak mo?” minsan yung utak hindi niya pinapagana.

“Tss. Wala kang matinong sagot. Huwag mo na akong kakausapin!” bakas sa tono niya ang inis.

G-galit siya?

Feeling ko nabibiyak 'tong puso ko. Heto na naman ako. Ang babaw na naman ng luha ko.

Ilang oras pa naabutan ko siyang naglalaro sa cellphone. Naka-headphone siya kaya sigurado kapag tinawag ko siya hindi rin siya lilingon.

Inubos ko muna ang tinimpla kong kape bago lumapit sa kaniya.

Marahan kong inalis ang suot niyang headphone sa ulo niya. Takha naman siyang tumingin sa akin. Umupo ako sa lap niya at hinalikan siya sa noo.

“H-heaven...” halata ang pagkailang sa mga mata niya.

“Galit kaba?” tanong ko. Niyakap ko siya. Sabi kasi ni Mommy noong bata pa ako, yakapin ko muna siya para mabawasan ang galit niya. Baka gumana kay Hell.

“Ako galit?” tumango ako.

“Mangga kasi yung kinakain ko kanina. Baka ---

“Ayos ka lang?” napahawak ako sa ulo ko nang makaamdam ako ng hilo.

Shit!

Dali-dali akong tumakbo palabas para sumuka. Masama bang pagsabayin ang Kape at mangga?

“Kung ano-ano kasi pinag-kakakain mo eh.” aniya habang hinahagod ang likod ko.

“Inaakit kasi ako ng mga pagkain eh.” wika ko tiyaka ulit bumalik sa tent.

“Magpacheck-up ka kaya, baka may sakit ka.”

“Sige ikaw nalang. Tinatamad ako eh.” ani ko.

Humiga ako dahil medyo nakakaramdam ako ng antok.

“Ahh--” daing ko. Agad akong napatayo sa sakit na naramdaman ko. “Hell... Ang skit ng tiyan ko.” daing ko habang nakahawak sa tiyan kong namimilipit sa sakit.

“Shit naman Heaven! Masama kasing pagsabayin ang mangga at kape. Tingnan mo, suka pa ang ginawa mong sawsawan.”

“Mamaya kana magsermon... Ahh--- Hell ang sakit ng tiyan ko!” hindi naman ako natatae. Ang sakit talaga. Feeling ko may malalaglag sakin na something.

“Teka--teka, tatawagin ko prof. Natin.”

“Bilisan mo Hell!”

Mabilis naman na dumating ang teacher namin kasama si Ate Jen na nurse sa clinic namin sa school.

“Masakit paba Heaven?” aniya, agad naman akong tumango. Gusto kong tumili sa sakit.

“Ma'am, wala tayong sapat na kagamitan dito kaya maaari natin siyang dalhin sa pinakamalapit na hospital.” sambit ni Ate Jen.

Tumingin ako kay Hell na alalang-alala habang nakatingin din sakin. Hindi ko maiwasang hindi magmakaawa habang nakatingin sa kaniya. Feeling ko may masama akong magagawa. Feeling ko magagalit siya sakin dahil kasalanan ko kung bakit masakit ang tiyan ko. Kasalanan ko kung bakit siya nag-aalala ngayon.

“Tangina!” mura niya. Lumipat siya sa gilid ko at tiyaka ako binuhat. “Tabi!” tumabi naman ang mga studyanteng nakaharang.

“Ahhh---” napadaing akong muli dahil sa biglang pagkirot ng tiyan ko.

“Shit! Heaven may tagos ka.”

“Tagos?”

Hindi ko pa araw ngayon kaya bakit ako magkakaroon? Regular naman ang menstruation ko so paanong--- fvck!

A Story Of Heaven And Hell [COMPLETED]Where stories live. Discover now