28 - Admitting Defeat

Start from the beginning
                                    

Ngunit para sa binata, iyon ang totoo.


" Alam ko Xander, ang tanga tanga ko talaga.. hindi lang ako nagpakatanga, nabulag din ako dahil dito sa nararamdaman ko para sayo. Aminado naman akong kahit ano pa yata ang gawin ko hindi pa rin magbabago yang nararamdaman mo para kay Sandy, siya at siya pa rin ang pipiliin mo. Kahit nakikita kitang nasasaktan ng dahil sa kanya, patuloy mo pa rin syang minamahal. Pero hindi mo din naman ako masisisi sa mga hindi magandang bagay na nagawa ko, ganito kasi kapag nagmamahal ka.. lalo na kung one-sided love lang and alam mong hindi ikaw ang gusto niya. "


Tumulo ang mga luha ni Stephanie noong mapayuko siya ulit.


Mabilis ding pinunasan ng dalaga ang kanyang mga luhang dumadaloy sa kanyang pisngi.


Kahit umiyak ng umiyak pa siya sa harapan ng binata, sigurado syang hindi na siya mapapatawad pa nito.


" Nagsisisi na ako sa mga ginawa ko, sinira ko ang magandang pagkakaibigan nating dal'wa.. I know hindi mo ako mapapatawad, I'm sorry, iyon na lang ang masasabi ko. "


" Stephanie, nakikita ko namang nagsisisi ka na. Pero dapat ba talagang sa akin ka mag-sorry? " Hindi pa kaagad nakuha ni Stephanie ang sinabing iyon ni Xander sa kanya.


Natawa na lamang siya sa kanyang isipan noong maintindihan na niya ito. Oo nga naman.. hindi lamang kay Xander siya may nagawang hindi maganda, may isang tao pa pala syang nakalimutan.


Muli syang tumingin sa mga mata ni Xander. " Don't worry Xander, magso-sorry din naman ako sa kanya, I'll tell her that I lied to her. "


" Stephanie.. "


Narinig ulit ng dalaga nung tawagin siya ulit nito sa pangalan niya.


" Ang totoo nyan.. hindi ka lamang isang kaibigan, for me you special kang tao. Nandyan ka parati sa akin, hindi mo ako iniwan ng magisa, naging mabuti kang kaibigan.. lagi kang nagaalala para sa akin, ikaw lagi ang nage-effort magkaroon lamang tayo ng time sa isa't isa, I'm glad that you came into my life, I'm happy that you're my best friend. Kilala mo ako Stephanie, ako yung taong kahit nasaktan ako o nasaktan nito ang ibang taong mahalaga sa buhay ko, handa akong magpatawad. Kasi alam kong hindi pa huli para itama niya ang lahat ng pagkakamaling nagawa niya, like you. "


Hindi pa gaano ma-proseso ng utak ni Stephanie na ang inaasahan nyang magagalit, pagsasalitaan siya ng hindi maganda, kamumuhian siya nito, ay kabaliktaran pa pala itong naririnig at nakikita niya.


Nakangiti si Xander at ramdam na ramdam nyang totoong totoo ito-


" Hindi mo kailangang sumuko dahil nagmahal ka ngunit hindi ka mahal ng taong mahal mo. Bilang kaibigan mo, gusto kong sabihin sayo na darating din ang taong mamahalin mo, mamahalin ka, makakasama mo habang buhay at magiging masaya ka sa piling niya. Maghintay ka lang Stephanie, darating din ang taong iyon sa tamang panahon. Gusto ko ding mag-sorry, alam kong may kasalanan din ako.. alam kong nasasaktan ka ng dahil sa akin. Pinapatawad kita sa mga nagawa mo, kaibigan pa rin ang tingin ko sa'yo. "

12 Bad Boys 2: UnrememberedWhere stories live. Discover now