28 - Admitting Defeat

Start from the beginning
                                    


Pumasok sa isipan ng binata na may isang bagay pala syang—kahit kailan ay hindi niya ito maibibigay sa dalaga, kaya may maikling tawang lumabas sa kanyang bibig.


Tumingin siya sa dalaga. " Hindi ko maibibigay ang gusto mo, hindi kita pwedeng magustuhan kasi may mahal akong iba, iyon ba ang dahilan kaya pati si Ellie dinadamay mo? Stephanie, kaya kong tiisin kung sa akin ka lamang magsisinungaling, pero hindi lamang pagsisinungaling ang nagawa mo hindi ba? Nung high school tayo, I didn't know that you're my schoolmate, kasi nung dumating ka sa buhay ko, minsan hindi ako nagsuspetsya tungkol sa pagkatao mo, ang alam ko lang.. mabait kang tao. "


Pakiramdam ni Xander ay nahihirapan syang huminga.


Hindi lamang siya makapaniwala na aabot sila sa ganito, sa lahat ng pwedeng gumawa sa kanya at sa mga taong mahal niya ng hindi maganda—walang iba kundi ang kaibigan pa nyang si Stephanie.


Masakit at hindi pa rin halos makapaniwala sa mga nangyayari.


" Pero hindi lang naman ikaw ang may kasalanan noon sa pambu-bully kay Sandy. Charlie told me na nagsisisi ka sa mga nagawa mo, siguro pakiramdam mo ikaw ang nagtulak sa kanilang gawin ang bagay na iyon kay Sandy, may mga kasalanan din ang ibang mga students non. Alam nilang hindi magandang mam-bully ng ibang tao ngunit ginawa pa din nila. Kaya handa kong kalimutan iyon, kahit tanungin mo pa ang taong nagawan niyo ng bagay na tulad non, ganito din ang sasabihin niya sa inyo—kalimutan at patawarin kayo. "


Hanggang ngayon ay hindi pa rin naman nawawala sa isipan ni Xander na may ibang nararamdaman si Stephanie para sa kanya, ngunit alam din ng dalagang ito na kahit ano ang mangyari, hanggang magkaibigan lamang sila.


Mabait at mapagkumbabang tao ang pagkakakilala niya sa dalaga.. kaya umasa syang isang araw, maiintindihan din siya nito—ngunit dahil sa mga nangyayari ngayon at ito ang reyalidad, nasasaktan siya (Xander).


" I'm sorry Xander.. " Hindi na kaya pang humarap ni Stephanie sa binata, hiyang hiya na siya sa taong ito.


Gustong sumabog ng puso niya.. " ..mabait kang tao."


" Dati pa lang gusto na kita Xander and habang tumatagal—mahal na kita. Sa tuwing magkasama tayo and ako lang yung nasa isipan mo, you makes me happy, ang saya saya ko na parang iyon lang ang mga araw na nagpapasaya sa akin! Akala ko kasi.. kahit may mahal kang iba, balang araw magiging akin ka din kapag gumawa ako ng mga paraan upang mangyari ang bagay na yon—pero.. ngayon.. mas malabo na yatang mangyari yon- "


" Hindi mangyayari yon. " Dagdag ni Xander.


Nagkatitigan ang dalawa dahil sa sinabi ng binata at saka ito nagpatuloy ulit sa pagsasalita.


" I'm sorry, pero hindi darating ang araw na mapapasayo ako Stephanie, kahit ano pa ang gawin mo.. si Sandy lamang ang laman ng puso ko at wala ng iba pa. "


Alam nilang pareho na masakit ang mga salitang sinabi ni Xander na iyon.


12 Bad Boys 2: UnrememberedWhere stories live. Discover now