"Kristoff. . .Akala ko next month ka pa darating?"

"May emergency kasi kaya kailangan ko na palang bumalik."

"Ha? Ano naman? Anong emergency? Karen anong Emergen. . .cy?"

Hinanap ko si Karen at Sandra pero nawala silang dalawa. Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung dahil sa muli naming pagkikita ni Kristoff o dahil sa problemang idudulot ng pagbabalik niya sa hindi pa siguradong relasyon namin ni Warren. 

"Emergency. Maaagaw na pala ang babaeng mahal ko, hindi ko pa alam."

Kung pahabaan lamang naman ng buhok ang labanan winner na winner na ako. Sobrang guwapo rin kasi ng kuya ni Karen. Kung ikukumpara, para siyang Hollywood actor na napadpad sa Pilipinas para pasakitan ang mga babaeng humanga at nabigong makuha ang pag-ibig niya. Kahawig nga raw niya si Tom Cruise ang sabi ng mga kaklase namin noong Highschool.

"Denisse. I came back. I came back for you."

"Kristoff"

"I want to court you properly. Like I promised I would before I left for Australia."

"I. . . I'm sorry. Nasabi na siguro ni Karen, that I'm engaged."

"Well, last time I checked, there's no ring."

Shit na malagkit! Wala pa nga pala akong singsing. Bakit nga ba nakalimutan ni Warren ang importanteng detalyeng iyon.

"Ah. Iyon ba. May singsing ako. Nalimutan ko lang suotin kanina. Nagmamadali kasi ako umalis ng bahay."

"Denisse. I don't think you're telling the truth. Kilala kita, hindi ka marunong magsinungaling." Hala papalapit na siya sa akin. Ano na gagawin ko kung hindi ang umurong habang papalapit siya sa akin.

"Kristoff. Please listen to me. I really don't think this is a good idea. I'll just go home."

"No! I won't let you go without telling you how I feel."

"I don't need to hear it."

"Denisse, I waited for you. For more than 8 years I have been waiting for you. I waited for you to grow up. I waited for you to be ready for me. Everything that I do, I do it for you and for our future together. But, why didn't you wait for me?"

Naramdaman ko ang sakit na nararamdaman ni Kristoff. Puno ng hinagpis ang kanyang tinig. Parang sobrang sama kong babae para saktan ang isang mabait na taong katulad niya.

"I'm really sorry Kristoff. What I told you years ago is still the same. I think of you as a friend, an older brother and the brother of my bestfriend."

"No! I won't accept that answer unless I show you how much I love you. You'll change your mind. You'll learn to love me."

Nangingilid na ang luha niya. Hindi ko na rin mapigilang maluha dahil nakikita ko siyang nasasaktan. I may not love him but I do care for him. Walang masamang ipinakita sa akin si Kristoff at ang pamilya niya. Marahil kung hindi ko nakilala si Warren, siya ang pipiliin ko.

"I'm so sorry. I really can't let you do that."

"Who said I'm asking for your permission? Denisse, I'm serious. I won't let you go without a fight! I did not wait this long just to be jilted in the end!"

With that, tumalikod na siya sa akin. Napaupo ako sa sofa at nagtakip ng mukha. Ano na lang ang sasabihin ni Karen? Ako pa ang nagpapasakit sa kapatid niya.

"Denisse? Sorry friend. Nalaman kasi ni Kuya kaya umuwi siya agad. Alam mo namang hindi ko matitiis ang kapatid ko. Ikaw ang laging hinahanap niya. Hindi ko kayang magsinungaling sa kaniya."

"Ayos lang Karen. Ako ang dapat mag-sorry. Nasasaktan ko ang kapatid mo. Hindi ko sinasadya. Sorry. . ."

Tuloy tuloy ang pagpatak ng luha ko. Hindi ko alam kung paano ko nagagawang manakit ng ibang tao para lang sa kaligayan kong wala namang kasiguruhan.

"Can't you just learn to love Kristoff? He loves you so much Denisse. All he think about is you. Everything he does is for you."

"Sands, kung kaya ko naman gagawin ko. Pero hindi ko din alam kung anong gagawin ko. Ang sigurado lang ako. Lalo lamang masasaktan si Kristoff kapag ipinilit niya ito."

"Denisse. . ."

"I tried to supress my feelings for Warren. I did really did. Masyadong malawak ang pagitan ng mundo naming dalawa. Parang pang telenovela ang dialogue pero totoo friend. Sabi ko hindi ko kayang makibagay sa buhay niya. Pero pag nagmamahal ka pala, walang mundo, walang ibang buhay, walang ikaw walang siya. Ang mayroon lang ay kayo."

"Grabe friend. Ang lala nga ng dialogue."

"I don't think she's joking Karen."

"Siyempre alam ko namang seryoso. I'm just trying to lighten up the mood. Masyadong heavy ang drama. At ikaw Sandra ano ba talaga ang team mo? Team WarDen ka ba o team KrisDen? Aray naman, ikaw makabatok ka ha!"

"That's for being silly."

Gusto ko man matawa ay hindi ko kaya. Masyado akong naiistress. Kung kailan bakasyon na saka pa ako nag-iisip.

"Guys, I think I can't stay here tonight. Baka makagulo lalo ako sa isip ni Kristoff. Gusto nyo bang sumama sa bahay?"

"Ahm. Next time na lang friend. Kailangan ako ni Kuya. Baka mapaliwanagan namin ni Sandra."

"Sorry talaga guys ha. Hindi ko talaga sinasadya."

Niyakap ko ang dalawa kong kaibigan. Hindi ko man alam kung anong mangyayari sa mga susunod na araw. Basta alam ko na hangga't kasama at kakampi ko sila, lahat makakayanan ko. 




***

A/N: Kayo anong team n'yo? WarDen o KrisDen? :) 





***April 8, 2024 After five years, I'm posting back all the chapters of this story here in Wattpad. I hope you enjoy my first Tagalog written story. Please don't forget to vote, comment and follow my account. Thank you for your support!

The Billionaire's BondWhere stories live. Discover now