21 New House

36.4K 826 3
                                    

Tamara POV

Kita ko ang galit na galit na mukha ni Vaughn kanina pa. 'Di ko maipaliwanag pero sa kauna-unahang pagkakataon ay natakot ako sa pagkatao niya. Halos mapalundag ako sa aking kinauupuan ng hinampas niya ang manibela. Buong kontrasyon akong nagpakahinahon. Ang tipo niya ay ang 'di dapat pinapakitaan ng kahinaan.

"Sa-saan tayo pupunta?" Lakas loob kong tanong sa kanya ng mapansing hindi sa daan patungong condo ko ang binabagtas ng lalaki.

"I bought a house for us, that's where we're going." anito na at nilingon ako. He looks so serious that somehow made me more nervous than I already am. Shit! Kailangan ba talaga agad agad?!

"B-but I don't have my things with me! I don't even have clothes to change with!" Reklamo ko. Kita ko ang lalong pagkulimlim ng anyo ni Vaughn.

"I' ll buy you everything you need! Besides, you don't need clothes tonight." Napanganga ako sa sinabi nya. Fuck! He can't be serious?!

Narating namin ang isang modernized two storey house sa isang prestigeous subdivision somewhere in Taguig. Mabilis na pinasadahan ko ang bahay na iyon mula sa bintana ng kotse. By the looks of it, mukhang bagong patayo lang ang bahay. The cream-colored wall looks shiny and newly painted. Even the roof looks newly installed with it's blinding blue paint. Perfectly groomed bermuda grass surrounds the entire house. On the corner there was a little Siar tree with its yellow flower blossom. The house looks picturesque enough.

Bumaba si Vaughn at deretsong tinungo ang pintuan ng bahay.

Napaka-ungentleman talaga ng mokong na ito! Inis na sambit ko habang umiibis sa kotse nito.
Maganda rin ang loob ng bahay, mataas na ceiling, modern and minimalist furnitures, at tanaw ko mula sa glass door ang pool sa backyard. Layo layo rin ang style ng mga bahay, malawak din kasi ang sakop na lupain ng bahay na binili ni Vaughn. Ramdam ko na ang pagod at antok ng maghapon and I wanted Vaughn to see that I'm dead tired. I released an over the top yawn while looking at Vaugh.

"Where's my room?" Nakita kong sinenyasan lang ako ni Vaughn na sumunod sa itaas kaya naman nakasimangot na sumunod ako ng umakyat na siya ng hagdan.

"This is our room." anito habang binubuksan ang isang pinto.

Wait... Our? I can't believe seryoso talaga siyang magsasama kami sa pagtulog!

Bumaling ako sa kanya at 'di na itinuloy ang pagpasok.

"I mean, MY room!" Napalakas yata ang boses ko dahil rinig ko iyong nag-echo sa buong bahay. But I don't care. I'm quite nervous na. Kumalma muna ako bago muling nagsalita.

"I told you before I'm not going to share a bed with the likes of you!" kunot noong dagdag ko. Nakita kong bumuntong hininga nanaman siya, tanda ng kawalan niya ng interes. Even his face looks dismissive. Na para bang isa akong batang makulit na kailangang pagsabihan muli.

"Listen to me wife, I really hate repeating myself. This is OUR room! I expect you to sleep here every fucking night beside me. I expect a wife to warm my bed and I expect my wife to carry my child, all five of them. Are we fucking clear now?" Madiin at galit niyang turan.

Warm his bed?! Five?! Really?! I am fuming mad and all I wanted is to slap him real hard to wake him up! Hindi ako kailan man papayag sa ilusyon niya.

"Well husband, expect to be disappointed for I will never... ever... sleep with you! You disgust me! And I know my rights too! I will accuse you of rape, physical abuse and anything I can come up with, so don't push me! I am Tamara de Ville and I don't back down without a fight!" Asik ko sa kanya. Napuno na ako sa pagmamando niya sa akin at gusto ko na lang siyang pagsasaksaksakin sa galit. Kung may matalim man lang akong hawak malamang naitarak ko na iyon sa dibdib niya sa sobrang gigil ko.

Nagulat sko ng bigla niya akong tinulak papasok sa kwarto, muntikan pa akong bumagsak kung hindi ako nakakapit sa pader. He closes the door and locked it and I couldn't move from the shock. Pahampas na sinandal niya ako sa pader at mapagparusang hinalikan. Ramdam ko ang pangigigil niya sa galit. Nagpumiglas ako at pilit siyang tinutulak ngunit sadyang mas malakas siya kaysa sa akin. Naglakbay ang kamay ni Vaugh at sinapo ang dibdib ko, marahas na dinama niya iyon at pinisil. Napasinghap ako sa ginawa niya, sinamantala naman iyon ni Vaughn para lalong palalimin ang halik niya. He's good kisser. Dammit! Nakakadarang. I tried to push him on his chest but he didn't even budge.

Kakaiba ang dulot na kiliti sa mga ginagawa niya at unti-unti na akong naaapektuhan sa bawat haplos at bawat hagod ng kanyang ekspertong labi. Naging masuyo na rin ang mga halik niya at naghahanap ng tugon. 'Di ko na napigil ang aking sarili na tugonin ang mga halik niya ng biglang binitawan niya ako. Daig ko pa ang may nakakadiring sakit sa bilis ng pag-atras ni Vaughn.

"Yeah Tamara, I believe you when you said you're disgusted." Mapang uyam niyang turan

"You, my dear is no longer a De Ville. You are now Mrs. Tamara Darcy, use it. Because that will be your name until your last breath! And you, my wife, will fucking sleep beside me even if i have to fucking tie your hands and feet!" Galit na galit niyang turan. Tinalikuran din niya ako kaagad at pumunta  sa ref sa may gilid malapit sa study table, kumuha siya ng beer doon at umupo sa isang one seater couch.

Narining ko ang bwisit na bulalas niya habang binubuksan ang kanyang beer.

"Fucking accuse her husband, a renowned lawyer of fucking rape! Bullshìt!"

Dalidali kong tinungo ang banyo habang minumura ko din ang sarili ko, bakit kasi tuwing hinahalikan niya ako ay nadadarang ako. Nakakalimutan ko ang lahat at kung sino ako! Ang tanga tanga ko! Ugh!
Hinubad ko na ang wedding gown ko at nagbabad na lang sa shower, kahit pagod na pagod na ako ay nagpalipas oras ako sa paliligo, napatalon pa ako ng makarinig ako ng katok.

"Don't fucking sleep in the bathroom, Hurry up! I need to bathe too!" Aniya na galit pa rin ang tono. I rolled my eyes and finished up quickly, tinapis ko lang ang towel sa aking katawan at lumabas na, nakita ko siyang nakasandal sa pader malapit sa banyo. Nakayuko lamang siya. Patay- malisya akong nagpunta sa cabinet habang nakita ko sa gilid ng aking mata ang pagpasok niya ng banyo. Pagbukas ko ng cabinet ay wala man lang siyang hinandang gamit ko doon. Inis na naghalungkat ako. May mga nakita akong puting t-shirt niya kaya iyon ang isinuot ko at pati na din ang boxer nito na may tag pa ang sinuot ko pambaba. Tinuyo ko ng maigi ang buhok ko dahil wala naman akong magagamit na blower, tinungo ko ang pinto pero nakalock pa rin yon, bumalik na lang ulit ako sa kama at nahiga na, di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Taming Tamara (revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon