19 The wedding

38K 864 21
                                    

Tamara POV

Medyo na-late ako sa venue, well, okay! I'm thirty minutes late to be exact. But who cares if they wait up for me? I wouldn't. I'm not keeping them. They are all free to go if they asked me! This wedding is not something to look forward to, anyway. I pulled my black maserati in front of the wide grandiose hotel and handed the valet my keys. I'm already wearing the gown and make up.

Humugot muna ako ng malalim na paghinga habang pinipilit palisin ang kabang nagpapakabog ng dibdib ko. Tamara de Ville never gets nervous but at this moment I couldn't deny that I am... I'm freaking out!

This is it! Hindi na ako pwedeng magback-out. With my rigid limbs, I walked to the lounge and asked for the direction to their garden, a crew accompanied me and in there I saw Anna waiting at the entrance, kunot ang noo nito at parang may kinokontak sa cellphone niya. She looks anxious pacing back and forth.

"Anna!" tawag ko sa dalaga. Nanlaki ang singkit niyang mata. She looked relieved after seeing me.

"Bruha ka! Ba't ngayon ka lang? Natataranta na ang lahat! Pati si Tito Andrew hindi na mapakali. Pinapakontak ka na nga niya sa akin! Ay! Wow! Ang ganda mo! Dear, nakakatomboy ka ngayon!" I just rolled my eyes on her. Ang daldal talaga ng babaeng 'to. But then a nervous smile curved my lips.

"Do I look okay?" I asked. Gawd! I sounded self-concious.

"You look awesome!" Kumpirma ni Anna sa sinsero niyang boses na ikinangiti ko na ng malapad.

"Gaga! Bakit ngayon ka lang?" Tanong ni Anna habang ginigiya niya ako kung saan.

"You know me, I'm always fashionably late in any parties." Nakangising sagot ko habang nagpapahatak sa kanya.

"Gaga! Ewan ko na lang kung umobra ang fashionably late mong keme sa beastmode mong groom! Here." She said as she handed me a delicate bouquet of pastel colored flowers intricately assembled. Sandaling napatulala ako doon habang hawak ko iyon malapit sa aking dibdib. I'm looking more and more of a bride. Kanina medyo hindi ko pa feel, pero ngayon na may hawak na akong bulaklak, pakiramdam ko ay nalalapit na ang pagkasakal ko kay Vaughn.

"Are you ready?" Anna seriously asked me, as if she can see right through me. Gawd! I'm not! I'm freaking out!

"I think I can't do it! Open pa ba ang offer mo na ilayo ako? Can we just run away?" Ramdam ang kaba ko sa bawat katagang lumabas sa aking bibig. Napahagikgik si Anna. That laugh that can make you feel at ease.

"Sorry to tell you dear but the offer expires the moment that that door opens!" Ani Anna sabay nguso sa pinto na nagbukas na pala.
Everyone was looking at me expectantly. They are all smiles while eyeing me in my gown.

Nakita ko si Carla na nanlaki ang mata ng nakita ako, bigla siyang may kinausap sa suot niyang earpiece. Narinig kong bigla ang pagtugtog ng violin, pinalibot ko ang mata ko sa garden. May kulang kulang na seventy guests lang ang naroon. The garden looked like a picturesque view from a ripped out fairy tale book. Too pretentious of being a perfect scene. Pinalilibutan ang garden ng mga pastel colored flowers pati na din ang pathway kung saan ako maglalakad ay pinuno naman ng pastel colored petals. Nakita ko si dad na nakatayo na sa gilid ng pathway at hinihintay ako para ihatid. Hindi ko sinuot ang veil na kasama ng gown, pakiramdam ko kasi hindi bagay sa akin na magpaka-dalagang pinong-pino at puro. And I don't want to feel like a real bride. Anna pushed me to walk ahead. Kung hindi niya siguro iyon ginawa ay marahil naging tuod lang akong nakatayo sa bukas na pinto.

Tinanaw ko habang papalapit ako ang harapan ng lalakaran ko. Nakita ko ang pari na nakatayo sa gitna. Sa gilid ay prenteng nakatayo si Vaughn. Three days ko siyang hindi nakita. Nagkahulihan kami ng tingin, mabilis akong nagbawi at lumingon kay daddy. Daddy was looking so happy, he is all smiles, binalik ko ang ngiti niya even if I don't feel like smiling. Humawak ako sa braso niya at hinalikan siya sa pisngi ng makalapit na ako sa kanya.

Taming Tamara (revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon