15 Preparations

40.1K 952 34
                                    

Tamara POV

"Taste this one honey, I swear you'll love  it!" I said as I shoved a big chunk of chocolate cake inside his mouth. Walang nagawang napabuka ng bibig si Vaughn ng lumapat ang cake sa labi niya.

Tinignan niya ako ng masama habang pilit niyang nginunguya ang malaking cake na bigla ko na lang sinubo sa kanya habang nagsasalita pa siya. Impit akong tumawa habang inosenteng tinikman ko din ang chocolate cake.

Andito kami sa isang sikat na cake shop sa loob ng five star hotel. Ito daw ang the best wedding cake maker sa buong Pinas ayon sa wedding coordinator.

"So sir and ma'am, may napili na po ba kayong flavor sa mga cake po? We are settled na po sa two five-tier cake with chandelier cake. Sa flavor na lang po? Ano ang nagustuhan niyong flavor?" Magalang na tanong ng babaeng coordinator na halatang may crush kay Vaughn dahil patuloy ang pagtitig nito sa huli at namumula pa ang pisngi nito.

"What do you think, babe?" Balik tanong ko kay Vaughn. Alam kong sa bawat bigkas ko ng endearment nakapaloob don ang sarkastiko kong pang-uuyam sa kanya, na minsan ay binabalik din niya sa akin.

"Baby, You decide on this, remember I don't like sweets." sabi nito. Halata sa mukha niya ang inis at pinapahiwatig noon na tumigil na ako kakasubo ng cake sa kanya. Kinuha niya ang kape at ininom iyon. Muli kong tinikman ang mga cake habang nag-iisip. Pare-pareho kasing masasarap.

Napaderetso ang likod ko ng may daliring humaplos sa gilid ng labi ko. 

"You have icing on your lips." Vaughn said.  Hindi ko nagustuhan ang paghawak niyang iyon. It was too intimate for me. Napapunas ako sa labi ko na para bang mabubura non ang mainit na daliri na pumunas kanina. I heard him chuckled. Binalingan ko ang wedding coordinator namin.

"Carla, I think I'll go for that vanilla cake. And for the hanging cakes, I'd like it to be chocolate, para may choices. Masarap kasi minsan kapag alam mong may choices ka pa bukod sa pinagpipilitan lang sa'yo kahit hindi mo gusto." Sabi ko na habang nakatingin mismo kay Carla. Nakarinig ako ng munting ubo sa tabi ko at ang paglapag ng tasa sa lamesa. Alam niya marahil na siya ang ang pinariringgan ko.

Masamid ka sana sa kape na 'yan at mamatay!

"Ah Carla, what's next?" Tanong ng katabi ko. Sapol ka no?!

"Uhm sir, the menu na lang po. Since garden wedding naman po ang gusto ni ma'am ay puro pastel colors lang po ang flowers. At dahil wala na daw pong gusto si ma'am na idagdag pa sa pinakita kong set and theme, proceed na po tayo sa menu."  ayon kay Carla.

Pinapili at pinatikim sa amin ni Carla ang ibat-ibang putahe na pwede mapasama sa menu. At lahat ng iyon ay  tinikman ko.

"What do you think ma'am and sir?" Tanong muli ni Carla.

"Oh get everything from that menu. I'm sure nakakasawa kapag iisang putahe lang for the rest of my life, I mean, for the rest of the night." Muli kong parinig. Napakagat-labi sa kaba si Carla habang napapalingon sa tiim bagang na si Vaughn. Vaughn chose to ignore my remarks and faced Carla.

"The first menu that you showed us is alright." Sagot nito kay Carla.

"Okay sir. Menu one it is, sir." Mahinang sang-ayon ni Carla. Malamang ay halata na din niya ang tensiyon sa aming dalawa ni Vaughn. Nagkibit balikat lang ako habang nagmamadali namang pinahain ni Carla ang dessert. Wala akong pinalagpas lalo na ang dessert. Busog na busog ako isipin pang nakapag-almusal ako kanina. Nag-enjoy naman ako sa pagkain kaya 'di bale ng ang magagalitin na si Vaughn ang kasama ko. Sa wakas natapos din kami sa pagpili, marami akong side comments na patama sa kanya pero ni hindi niya iyon pinansin, mukhang hindi man lang siya naasar. Napagod din ako at tumigil.

Taming Tamara (revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon