20 Zachary

35.9K 912 6
                                    

Vaughn POV

Mula sa wedding hanggang sa reception ramdam ko ang pag-iwas sa akin ni Tamara. She flinched everytime we touch, and it iritates the hell out of me. Ramdam ko ang pagkawala ng kanyang atensyon sa kasal, ang paghikab niya sa reception at mga pekeng ngiti na ibinibigay niya sa lahat. At ang lahat ng iyon ay pinalagpas ko na lamang. Mukha namang wala din nakakahalata sa mga bisita. Muli akong nainis ng marinig ang speech niya kanina, halatang wala siyang inihanda, impromptu lang, maikli, halatang peke at hindi pinag-isipan. Sabagay, ano pa ba ang aasahan ko sa isang Tamara de Ville? Mabuti na lamang at siya ang tipo ng babae magaling magpatawa at ngiti lang nito ay umaaliwas na ang awra ng mga tao. Pinalagpas kong muli. Narinig ko siyang nag-excuse at pupunta daw sa powder room, hinayaan ko siya at nakipag-usap na lang ako sa mga kaibigan kong umattend.

Napansin kong ilang minuto na pero wala pa rin si Tamara sa tabi ko, inilibot ko ang paningin ko hanggang sa nahagip na ng mata ko ang naglalakad na anyo niya, may kasama siyang lalaki at naka hawak pa siya sa braso nito. Ngiting ngiti siya. Iyong ngiting alam kong hindi peke, abot tainga pa. Napakunot ang noo ko, mukhang maaliwalas bigla ang mukha ng babae, nakita ko silang patungo kay Andrew. I excused myself and walk towards them.

Malapit na ako sa kanila ng pigilan ako ni Mrs. Rantcher, isa mga kaibigan ni mommy, kinausap niya ko ngunit ang atensyon ko ay nahahati sa usapan sa likuran ko lamang. Nakatalikod ako sa kanila ng marinig ko ang masayang tono sa boses ni Tamara na nagpadagdag ng inis ko.

"Daddy, Zachy is here!" Masayang phayag nito pagkatapos ay malakas na tumawa, di naman halatang masydo ang galak ng babaeng sa tinuran nito.

"Oh my boy! Bakit ngayon ka lang bumalik? Kung 'di ko pa ipakasal 'tong prinsesa natin hindi mo maiisipang umuwi?" Rinig ko ang giliw sa boses ni Andrew. Kung gayon ay malapit sa mag-ama ang lalaking 'yon, marahil ay kamag anak.

"Ninong, bakit niyo naman pinakasal si Tammy sa iba? Pwede namang sa akin na lang!" Rinig ko ang tawanan nila, nakuyumos ko na lang ang palad ko sa narinig. Kung gayon ay di ito kamag anak kundi kakumpetensya nanaman. Kailan ba mawawalan ng kalandian na lalaki ang babaeng ito? Lalapit na sana ako sa kanila ng marinig ko ang sumunod na mga salitang nagpahinto ng aking paghakbang.

"Oh my God, is that you Zachary? Tam's first love?! Grabe ang gwapo gwapo mo pa din! Saang lupalop ka ba kasi nagpunta? Matagal ka na kayang hinahanap ni Tams! Oh wait, pumunta ka ba para tumutol sa kasal? Well, your five fucking hours late! Kung di mo sana iniwan c Tams edi sana ikaw ang pinakasalan niyan!" Ani Anna na nagpahalakhak muli kay Andrew at doon sa lalaking tinawag na Zachary.

"Annie! Nakakahiya ka talaga, ang daldal mo!" Rinig ko ang pagkapahiya na saway ni Tamara sa kaibigan niya. Hindi na ako nakapagtimpi at umikot para puntahan na talaga sila. Sa pagkakataong ito ay 'di ko na mapapalagpas ito.

Pag-ikot ko ay agad ang pagtitig ko kay Tamara at sa lalaking kasama nito. Napansin ako ni Tamara, nagkatitigan kami, biglang nawala ang ngiti sa mga labi nniya. Agad ding tinggal nito ang kamay na nakahawak sa braso ng katabing lalaki. Kahit papaano nagka-unawaan pala kami, yun nga lang kapag nakatalikod na ako ay makakalimot nanaman siya. Kailangan ko pa talagang bantayan siya kung ayaw kong maiputan sa ulo? Is this how our marriage gonna be?! Will she be unfaithful everytime I turn my back on her?!

"Vaughn, nariyan ka na pala... hijo, I'd like you to meet my Godson, Zachary Briton." Puknat ng daddy ni Tamara, dahilan para mapilitan akong tanggalin ang paninitig ko kay Tamara. Hinarap ko ang lalaking ipanikikilala sa akin.

"Zachy, he's Vaughn Claude Darcy, Tamara's husband, he is Calix Darcy's son, you know Calix, right?" Nakita kong tumango lang ang lalaki sa akin. The animosity is lingering in the air. Marahan din akong tumango sa binata. No one wanted to make nice. I sure don't. Baka masapak ko pa siya kapag ngumiti siya.

"Vaughn, Zachy here and my Tamara grew up together. Don't give too much thought to these two, they're like brother and sister." Nagmamadaling paliwanag ni Andrew, marahil ay ramdam din niya ang tensiyon sa paligid.

"I'll leave you guys here. Kamustahin ko muna ang ibang bisita." Palusot ni Andrew sabay eskapo.

"D-dad..." parang batang tawag naman ni Tamara. I can see that she's nervous because she's gnawing on her lower lip again. Then she looked at Anna. Mukhang nakuha naman ni Anna ang gustong mangyari ni Tamara ng bigla itong nagsalita.

"So... Vaughn where are you taking our dear Tamtam here for your honeymoon? I bet maiingit kami." Nasobrahan sa sigla na ani Anna, nakita ko kung paano magtinginan ang dalawang babae mukhang pilit na pinapagaan nila ang obvious na tensyon sa paligid. Sinakyan ko na lamang din ng pagsagot habang nakatitig ako sa lalaki sa tabi ni Tamara.

"I'd like to surprise Tamara, Anna, but I'm sure maiingit ka talaga. I know now that I should never let my wife out of my sight. Not even for a minute! She's that precious to me!" Mariin na pahayag ko na ikinatawa ng pagak ni Anna at ikinaputla naman ni Tamara.

"Okay I'm out. Anxiety disorder! Too stressful." Ani Anna sabay takas din.

"A-annie..." mahinang tawag na lang ni Tamara pero mukhang wala na din siyang magawa.

Inisang lagok ko ang laman ng kopita ko habang pinapanood si Tamara at ang lalaki sa tabi niya. Hindi nila alam kung ano ang gagawin habang tahimik lang akong nagmamasid.

"I think I better go." Ani ng lalaking katabi ni Tamara. Napasinghap si Tamara. Tumaas naman ang gilid ng labi ko sa sinabing iyon ng lalaki.

Now look at that! Even this guy will leaver you to me, Tamara. They know who owns you!

"No. Please stay. Enjoy the party. Tamara and I need to go anyway. Honeymoon. Alam mo na." Mayabang na pahayag ko sabay abot ng braso ni Tamara. She let me grip her arm.

"Zach, I... I need to go." Mahina pero matatag na ani Tamara sa lalaki. Tumango lang ito kay Tamara.

"Congratulations to the both of you." Sagot nung Zach sabay tipid akong nginitian.

"Why, thanks man and goodbye." Sagot ko sabay hatak kay Tamara na nagpating-anod naman.
---------------

Tahimik lang lang kami habang pauwi na sakay ng kotse ko. No one dares to talk. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya. Kung yung lalaki ba kanina o kung nagsisisi siya na pinakasalan niya ako. Naiinis ako na isiping noon ko lang nakita ang genuine na ngiti niya na abot hanggang tenga, tapos ay sa lalaki pang iyon, ni minsan ay di niya ako nangitian ng ganon.

Nagngingitngit ang kalooban ko sa isiping iyon raw ang first love nito, ayon na rin kay Anna. 'Di ko namalayang nahampas ko na pala ang manibela, nakita ko kung pano napatalon sa pagkakaupo si Tamara dahil sa gulat napatingin siya sa akin at di rin nagtagal ay yumuko siya agad. Pakiramdam ko kanina ako ang panggulo sa kanila. I'm the husband but I feel like I'm the third wheel.

"Sa-saan tayo pupunta?" Rinig ko ang alarma sa boses niya.
"I bought a house for us, that's where we're going." Mariin kong turan.

"B-but I don't have my things with me. I didn't even have clothes to change with!" Salubong ang kilay niya. Kahit yata anong gawin ng babaeng 'to sa mukha niya ay maganda pa rin ito. But that beauty of hers is dangerous. She's all angelic-looking on the outside but her insides are vile and vicious.

"I'll buy you everything you need besides, you won't need any clothes tonight." Pagkatapos ay nilingon ko siyang muli at kitang-kita ko ang takot at galit sa mukha niya sa huli kong sinabi.

Well, I can be vile and vicious too if I wanted to. I'll get her all worked up for nothing. She deserves it.

Taming Tamara (revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon