10 Announcement

40.7K 945 10
                                    

Tamara POV

"Ladies and Gentlemen, may I have your attention please." pasimula ni daddy. Kitang-kita ko ang sigla sa pagmumukha ni daddy na tuluyan ng nagpatunaw sa kagustuhan kong sirain ang engagement party na ito. How can I? When this is a rare time that I see daddy this excited and happy. Mas madalas kasi sa mukha niya ang pag-aalala at galit sa akin. Which is very often dahil sa kontrobersiya na dala ko.

"As all of you know, we, the Darcys and the De Villes, invited you all here for a reacquiantance and celebration of our suceessful empire. The Darcys and De Villes are grateful for every help that you extended to us and in return we give you our never-ending loyalty and devotions. This gathering is also a celebration of our family's unity." Naramdaman ko ang paglayo ni Vaughn sa akin at paglakad niya palapit sa kinaroroonan ni daddy at ng banggitin ang pangalan niya ay nasa tabi na siya ni Daddy.

"I am please to annouce, in behalf of the Darcys, of course, that Mr. Vaughn Claude Darcy is engage to my ever dearest daugther Tamara De Ville." Malalakas na palakpak ng mga tao doon ang una kong narinig. May mga nagbulungan ding mga kadalagahan at ramdam ko ang panlilisik ng mata nila. Nakita ko rin ang panghihinayang sa mga binatang nakadalo. Parang 'di ako makagalaw habang tutok sa akin ang lahat ng atensyon nila. Kung sana sa ibang dahilan ang atensyon na iyon baka nsgbunyi pa ako. Pero ang makasal sa lalaki ay hindi ko kayang i-celebrate.

"Tamara, dearest, come up here." Masayang anyaya ni daddy sa akin ng makita niyang parang natitigilan ako. Bumuntong-hininga muna ako at mabigat ang paang tinungo ang entablado. Sinubukan kong ngumiti ng peke sa lahat ng taong nadaanan ko at ng makatabi na ako kay Vaughn ay pinagsalikop niya ang kamay namin. Nag-init naman bigla ang nanlalamig kong palad. Kasabay ng alaala ng makasalanan niyang kamay. Lintek! Nanlalagkit pa rin ako.

Marami pang pinagsasabi si daddy pero halos mabingi na ako sa tibok ng puso ko kaya hindi ko na lang inintindi pa.
Pinilit kong iningiti ang aking mga labi pero parang nahuhulog iyon kaya kinagat ko na lang.

"Damn!" narinig kong mahinang bigkas ni Vaughn. He squeezes my hand tight.

Ano bang problema nito! Andito na nga ako at tahimik na tinatanggap ang lahat!

Nakita ko siyang napapalunok na nakatingin lamang sa mga tao.

Kinakabahan ba tong gagong to!? Bigla niya akong tinapunan ng tingin. His stares heated.

"Don't ever do that again." he gritted.

Ano daw? 

"Do what?" Natanong ko na lang, wala naman akong ginagawa pa. Hindi nga ako tumututol sa mga pinagsasasabi nila.

Napahagod siya ng buhok niya at hinarap niya akong muli.

"Don't bite your lips Tamara, or i'll bite it for you." Ani ng binata na ikinalaglag ng panga ko.

Holymolly! What is this guy's gist?! He is so freaking annoying and indecent!

Tinaliman ko lang siya ng tingin na ikinataas naman ng gilid ng labi niya.

Pagkababa ng stage ay sinalubong kami ng congratulations ng mga tao doon. Nang biglang my humatak sa kamay ko. Paglingon ko ay nakita ko si Anna, one of my friends, she's one of my closest drinking bud. I  like her dahil prangka ang dalaga at walang sinisino. Anak siya ni Governor Larazabal na kasosyo din ni dad sa iba pa niyang business.

"Bruha ka! At talagang dito ko pa malalaman na ikakasal ka na?! Kelan mo pa naging boyfriend 'yang si Darcy? Yes, I know he's hot! Pero ano ito?! Secret affair? Ni hindi namin alam? Magkasama lang tayo five days ago ha at 'di pa rin kita napapatawad dahil muntikan mo na akong patayin! Ang sakit pa nga ng katawan ko pagkatapos mong ibangga ang audi ng daddy mo sa puno! I was with you! Tapos itong kasal mo 'di mo man lang nabanggit sa akin?!" Madaldal talaga ang bunganga ng sosyalerang ito, akala mo lumaki sa palengke. Contrast sa mukhang anghel na mukha nito ang armalite nitong bunganga. Hinayaan ko lang siyang maglitanya at ng matapos na siya ay mahigpit ko siyang niyakap. Buti na lang hinila niya ako sa tagong bahagi ng garden kaya walang makakarinig sa amin.

Taming Tamara (revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon