Chapter 8 [She's Pain = My Pain]

6.9K 123 35
                                    

~Daniel's POV~ 

This past few days, lage kameng mag kasama ni Julia.. Ang weird nga e, kase parang pareho naman kameng hindi masaya. Hindi ko rin sila napapansin na nag uusap ni Kathryn.. Pag tinatanong ko naman sya nagagalit sya saken..

Bakit ganito? akala ko pag nakita ko na yung babae sa panaginip ko okay na ang lahat. Pero bakit ngayong kame na ni Julia, hindi parin ako masaya..

Nakikita ko si Kathryn araw araw, lageng pilit yung mga ngiti nya, lage silang busy para sa competition bukas. Naaawa nga ako saknya e, kung sino sino kase ang kasama nya.. Okay na rin siguro na may gap sila ni Julia ngayon, para makapag adjust kame pare.pareho..

Nandito ako ngayon sa sementeryo, binisita ko lang sandali yung puntod ni mommy. Mag gagabe na so uuwi na rin ako, ng may mapansin akong isang babae.. 

Nung una mejo pamilyar ang itsura nya, kaya lumapit ako ng konti, si Kathryn pala... Umiiyak sya at mukang kinakausap yung puntod..

"mommy, daddy, *sob* hindi pala pwedeng lahat ng mahal mo, mamahalin ka din noh? *sob* minsan kailangan mo tanggapin na iba ang mahal nila.. *sob* kailangan mo mag panggap na masaya ka para sakanila.. Ganun naman dapat diba? *sob* Pag masaya yung taong mahal mo, dapat masaya kadin.. *sob* Pero bakit ako hindi ganun? Bakit ako, puro sakit yung nararamdaman ko? *sob* Gusto ko naman maging masaya e, pero ang hirap pala." 

Ayaw ko mag assume, pero bakit natatamaan ako sa sinasabi ni Kathryn. Bakit nasasaktan ako.. bakit ganito yung pakiramdam ko??? Parang bawat patak ng luha nya, natutusok ang puso ko...

The GIRL in My Dreams :) <3 [KathNiel]Where stories live. Discover now