Chapter 41: Never Again

11.4K 394 119
                                    

Tahimik kaming bumalik papunta sa bahay nina Tita and Daddy. Alam nila na nakarating na ako ng Manila kanina dahil sinabihan ‘ko na sila pero tinanggihan ‘ko ang gusto nilang pagsundo sa akin ng mga bodyguards.

I just feel like being with Ricci for the last few days of being in the Philippines. Gusto ko’ng sulitin ang mga oras na mayroon kami dahil kapag umalis ako ay paniguradong susubukin na naman ang relasyon namin.

Sumalubong sa amin ang mga bodyguards nina Tita na nakasuot ng kanilang mga uniporme, nakahilera sa aming daraanan at pinagbuksan kami agad ng gate saka ipinasok ni Ricci ang kanyang sasakyan sa loob.

Sa aming pagtigil pa lang sa may harapan ng malaking pintuan ng bahay ay agad na itong bumukas, iniluluwa sina Tita at Daddy na magkakapit kamay na hinarap kami.

Si Daddy ay nakangiti lang sa  kung saan at si Tita ay nagmamasid sa loob ng kotse ni Ricci na alam ko’ng marami siyang itatanong sa akin kapag nag harap na kami.

“Do you want to meet them again?” tanong ‘ko ng harapin ‘ko siya.

“I’d love to babe.” Sagot niya nang pagsiklupin niya ang aming mga kamay. “Let’s inform them what we have become.” He smiled at me as he kissed my hand. Marahan ako’ng tumango at ngumiti sa kanya bago namin napagpasyahan na bumaba na ng sabay sa kotse.

“Is Lillian there?” dinig ko’ng tanong ni Daddy nang marinig niya ang pagsara ng pinto ng kotse ni Ricci. It was a really heart-breaking scene to see my father as a blind person and not being able to see me and what have I become and what I have now.

“Yes dear.” Tita replied and automatically smiled at me. “How’s the vacation hija?” tanong niya at agad nang lumapit sa akin para yakapin ako. Nanatili si Dad sa kung saan siya iniwan ni Tita, nakaupo sa kanyang wheel chair at nakangiti pa din.

“My vacation turned out great!” I cheerfully said as I hug her back.

“How are you and Dad?” tanong ‘ko.

“We’re good.” Maikling sagot sa akin ni Tita at agad na napako ang tingin niya sa magkahawak na kamay namin ni Ricci. Nagtaas siya ng kilay doon at saka siya bumaling sa akin, nagtatanong kung anong meron.

Suminghap ako at tinipon lahat ng lakas na mayroon ako bago ako ngumiti at nagsalita. “Tita si… Ricci po-“

“Alam ko.” Sarkastikong sagot ni Tita at nangingiti pa sa akin. “Ricci Rivero, the star player of La Salle and your former manliligaw.”

“Y-Yes po. Actually Tita he’s-“

“Hi Tita Carmela, I’m Ricci Rivero, Lillian’s most handsome and only boyfriend. Probably her fiancé and future husband too.” Ricci confidently said na nagpalaki ng aking mata. Napaka straight-forward niya naman at sobrang blunt dahil sa mga sinabi niya!

“Naku, aasawahin mo agad ang pamangkin ko? Naku magtatapos pa ‘yan ng pag-aaral!” pabirong singhal sa kanya ni Tita na natatawa.

Agad na namula ang pisngi ‘ko dahil sa salitang sinabi ni Tita. Wala siyang kaalam alam sa mga nangyari noong isang araw lang! Jusko naasawa na po ako ni Rivero!

“Syempre po kasal muna.” Kompyansang sabi ni Ricci na nagpangiti sa Tita ‘ko.

Napakasinungaling! Tita nagapang na po ako niyan! Ay mali, ako pala nanggapang sa kanya. Hihi.

“Anong kasal? Carmela sinong ikakasal?” tanong ni Daddy na nagpakaba sa akin. Agad ko’ng tinapunan ng matalim na tingin si Ricci na nginisian niya lang. Wala bang takot sa katawan ang lalaki’ng ‘to? Bakit ganito siya magsalita?

The Master of the Game (Book 1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now