Chapter 26: No Hugging, Touching & Kissing

12.5K 372 188
                                    

“Lillian, I told you stay in bed while I make you breakfast.” malambing na sabi sa akin ni Kuya Leo habang hinahalo ang kung ano sa kalderong nakasalang sa apoy.

“Kuya I’m so bored. Buong araw na ako’ng nakahiga at wala nang ginawa simula nung ma-injure ako dahil sa pagkalaglag ‘ko sa trekking natin noong isang araw.” sagot ko sa aking kapatid at kinuha ang baso sa tauban bago ako nagsalin ng orange juice na nasa mesa.

“Dahil masyado mo’ng pinilit na abutin ang malayong bato na ‘yon para lang mapabilis ka sa pag-akyat. Kung wala ako sa likod mo ay baka kung ano pa ang nangyari sa’yo.” sagot niya sa akin na nginusuan ko lang.

Ilang minuto ang nakalipas ay natapos na siya sa kanyang niluluto. Ni-serve niya ang fried rice with mixed vegetables at ganoon din ang sausages, eggs and bacon. Nilagyan niya ako ng pagkain sa aking plato at marahan na itinaas ang paa ko sa isang bangko bago ito pinisil pisil. Napangiti ako sa ginawa ni Kuya Leo at nagsimula na kumain pagtapos siya pasalamatan.

“Does it still hurt?” tanong niya sa akin ng muling pisilin at hilutin ang paa ko’ng may benda ngayon dahil sa nangyari noong nakaraang araw. Natumba ako nang abutin ‘ko ang isang bato para makahakbang ako ng mas malayo at doon naramdaman ko ang pagdulas ng paa ko nang makaapak ako sa bato na may lumot na nagpatumba sa akin. Buti na nga lang at nasalo ako ng kung sino na hindi ko na matandaan kung sino. Basta alam ko’ng nagsisinungaling si Kuya Leo ng sabihin niya na siya ang sumalo sa akin.

“It does but it’s bearable.” I replied to his question, agad siyang tumango at hindi na nagtanong pang muli habang patuloy siya sa paghilot sa akin.

Kumain ako ng kumain dahil hindi ’ko na alam kung ilang araw na ako nakahiga sa aking kama at kung ilang araw na ba ako pinagbawalan ni Kuya at ng doctor na tumayo pero ngayon naman ay nakaya ‘ko so I think it’s fine.

“Kuya, I don’t remember what happened before the accident. May mga detalye ako’ng nakakalimutan like kung anong oras tayo nagpunta doon sa bundok at kung sino sino tayo.”

“Lillian, I told you tayo lang dalawa ang-”

“Sir, sorry po pero kabilin bilinan po talaga ni sir Leo na wag muna kayo papasukin!” dinig ko’ng sigaw ng ilang katulong sa labas ng aming bahay. Sabay kaming napalingon ni Kuya Leo doon.

“I don’t care about his orders, okay manang? I need to see my girl!” dinig ko’ng sigaw ng isang lalaki sa may labas at kasabay noon ay lumagabog ang malaking pintuan ng bahay namin. Iniluwa nito ang isang lalaking matangkad at may matipunong katawan. Magulo ang kanyang buhok at nakasuot siya ng simpleng puting t-shirt at faded jeans saka isang puting sapatos.

Agad na kinalagabog ang puso ‘ko nang tumama ang kanyang matatalim na titig sa akin. Hindi ko maiwasang hindi pansinin ang kanyang matangos na ilong, ang kanyang malalim na mga mata na halos sumigaw ng sobrang emosyon nang magtama ang mga tingin namin, ang kanyang medyo makapal at mapupulang labi, ang kanyang panga na nagtatagis sa bawat segundo na paglapit niya sa akin at ang adam’s apple niya na nagalaw sa bawat paglunok niya.

“Man, I told you to stay away for a bit ‘di ba? Sasabihan naman kita kung pwede mo na siya makita e.” agad na tumayo ang aking Kuya Leo at hinarang ang lalaki na papalapit sa akin. ‘Di ko maiwasan na mapaisip kung bakit siya ganito tumingin sa akin.

“Sorry bro but I can’t wait that long! Ano ba talaga ang nangyayari sa girlfriend ko?” sigaw niya kay Kuya at pilit na nilagpasan siya pero masyadong mapilit ang Kuya ko na kasing tangkad niya lang kaya nagagawa siyang harangan.

“I told you she’s fine!” sigaw pabalik ni Kuya.

“Then why is she looking at me that way?” sigaw ng lalaki at tinuro ako. “Lillian, babe are you fine? Kamusta ka na?” tawag sa akin ng lalaki na ikinakunot ng noo ko. How does he know my name?

The Master of the Game (Book 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon