Chapter 40: The Universe Already Conspired

14K 402 125
                                    

Warning: SPG. Read at your own risk!

“Congratulations!” bati sa amin ni Michelle nang makababa kami mula sa stage. Hiyawan at kantyawan ang pumuno sa buong lugar dahil sa ginawa ni Ricci. I didn’t even know na kaya niyang maging ganitong ka-sweet at hindi na nga talaga ako makakabangon pa sa pagkahulog ‘ko sa kanya. Hulog na hulog na ‘ko at aminado na ako.

“Salamat!” sagot ni Ricci kay Michelle at sa buong team na panay ang kantyaw sa amin. Nanatili kaming magkayakap kahit na nakababa na kami ng stage at nakaharap ngayon sa kanila.

Umupo kami sa tabi nina Brent at Sherlyn kung saan lumapit sa akin si Brent. “I’m happy for you piglet. You deserve all the happiness.” He smiled at me and instantly, my heart melted. He’s consistent on being a friend to me at nagpapasalamat ako dahil may isang Brent Paraiso sa buhay ‘ko.

“So Ricci paano ‘yung isa?” tanong ni Prince sa kanya habang nainom nakapangalumbaba at nakatingin sa amin.

“I guess I have to fix things first. I have to settle the relationship between Kreezia and I para hindi na din siya mismo mangapa. I hate our situation right now pero ang tanging magagawa ‘ko na lang talaga ay sabihin sa kanya ang totoo.” Kibit balikat na sagot ni Ricci sa kanila.

“You should bro.” pangsang-ayon sa kanya ni Rash at muli na nga kaming nagsaya ulit. They proposed a drink for us for our first night as a couple. Yes, we are officially a couple now. The label I want three years ago ay ito na ngayon. Sa akin na talaga at wala nang makakaagaw pa.

Hindi ‘ko talaga akalain na ang simpleng pagbabakasyon ‘ko sa Pilipinas ay magiging ganitong ka-espesyal para sa akin.

Naging maingay at masaya ang buong gabi namin. Hindi na ako uminom at nagtangkang manigarilyo sa harap ni Ricci dahil alam ko’ng ayaw niya non. The last time I smoke in front of him, I saw fire in his eyes and I don’t want to spoil this night for the both of us. The happiness and contentment I’m feeling right now is just so overwhelming and I would do everything to make this last.

Mas lumalim pa nga ang gabi at nalasing na ang mga kasama namin. Hindi din uminom si Ricci dahil ang tanging ginawa niya lang sa gabing ‘yon ay ang hawakan ang kamay ‘ko at yakapin ‘ko. Panaka-nakang mga halik ang iginawad niya sa akin at walang humpay ako’ng pinapangiti sa bawat segundo na lumilipas.

Dinalaw ako ng pagod at antok nang sumapit na ang alas dose ng madaling araw. Nauna na si Michelle pabalik sa suite at ganoon din ang mga pinsan ‘ko na nagpasya nang bumalik. Ang mga kalalakihan ay nanatili sa aming mesa at panay ang kwentuhan at kantahan sa karaoke na inilabas kanina ng mga crew ng hotel na ito.

“Babe, are you sleepy?” malambing na tanong sa akin ni Ricci nang balingan niya ako.

Pupungay pungay akong tumango at ngumiti sa kanya. “Yes. Medyo napagod ako sa araw na ito. This is such a wonderful yet tiring day.” I replied.

“You should rest. Come, I’ll take you back to your suite.” He tugged my arm as he got up and the smile that has been plastered on his face was still there. He held my hand as we walk away from his teammates.

The cold breeze of the wind enveloped my system and he immediately draped his arms around me, hugging me, securing me from the cold air. The moment felt so right that even the slightest mistake we’ve made in our entire life would meant nothing compared to how we feel tonight. Knowing and loving Ricci was never a mistake. I was wrong when I said that it was a mistake knowing him. Because tonight, he proved to me that he’s the one for me. I don’t know how I knew it but I’m so sure it’s him. Siya na talaga at wala nang iba.

Magkayakap kaming umakyat sa suite kung saan tahimik na ang buong paligid. Every step we make on the elegant floor of the hotel felt so surreal. Even the slightest gestures we do for each other affect my system. I wonder how he could manage to be this calm when I’m already going crazy inside.

The Master of the Game (Book 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon