Chapter 14: I Wish

12.8K 468 176
                                    

‘Di matanggal ang ngisi ko habang nasa van kami kasama si Ricci. ‘Di sa kinikilig ako kundi dahil naaaliw ako sa kung anong nakuha ko’ng reaksyon mula sa babaeng kasama niya at ang reaksyon ng lalaking nasa tabi ko ngayon.

“Lillian natatawa ako sa mga pinag-gagawa natin.” bulong sa akin ni Kreezia at siniko pa ako sa gilid.

“Stop it Kreezia.” bulong ko at ‘di ko na mapigilan ang humagikgik sa gilid.

Nagnakaw ako ng sulyap mula kay Ricci at nakita ko ang pagtagis ng panga niya dahil sa mga pinag-gagawa ko. Ngumisi ako at nagtaas ng paa sa lower deck ng van. I’m kinda enjoying this set up, medyo satisfied ako sa mga nangyayari ngayon at sa tingin ko’y mas maiinis ko pa sila kung ako ang magiging kontrabida sa sarili nilang love story.

“Hey Lillian, chocolates?” tanong sakin ni Brent na agad ko’ng kinuha. “Takaw as usual.” komento niya nang kumain pa ako ng isa.

“Nanunumbat ka na ganon?” pabiro ko’ng tanong at umarte na kunwaring na-offend.

“Di naman, nasasanay na ako.” kibit balikat niya at humilig sa likod ng upuan namin. “Yung sa infinitea nga nag winter melon ka pa e ang tamis tamis nun. I wonder pano mo na-mentain ‘yang figure mo.”

“Brent don’t rake all over Lillian’s body.” saway sa kanya ni Ricci.

“I’m not. Ricci come on, alam ko’ng napansin mo din na may figure si Lillian.”

Umiling ako at binaliwala ang sinabi ni Ricci. Napaka-normal na na makatanggap ako ng ganyang mga komento. “Brent ‘di naman kasi ako tabain kaya ayos lang.” sagot ko at napangiti na naman nang makitang busangot ang mukha ni Ricci. ‘Yang noo mo mamaya pwede nang gawing pedestrian line yan sa sobrang daming linya.

‘Di ko na muna siya inasar habang papunta kami sa building ng BNC sa may Quezon City. Nagtataas ako ng kilay sa bawat pagtunog ng cellphone niya dahil nakikita ko doon ang text ni Michelle.

Kakahiwalay niyo lang nag c-cling na naman sa’yo. Sana pusa na lang minahal mo para sobrang maglambing.

Dalawang oras ang nakalipas ay dumating na kami sa kalakhan ng building ng BNC. Sinaluduhan kami ng guard at sinabi ng driver na kasama namin ang Archers ngayon.

Nang tumigil ang van ay isa isa na kaming lumabas doon at muli ko’ng tinignan ang kataasang ng building ng BNC. Simula pagkabata ay sinasama na ako dito ni Daddy at Tita dito. Nang maulila ako ay inaliw nila ako sa ilaw ng mga set up ng shows dito at ganoon din sa bawat may gusto ako’ng ma-meet na artista ay sasabihin ko lang sa kanila at gagawan na nila ng paraan. I admire how much they care for me na ultimo ang pang-personal ko’ng interes ay pinupunan nila noon.

Ngumiti ako sa memoryang naalala at tinahak na ang pintuan ng building. Sumalubong sa amin ang magarbong christmas decoration ng kompanya. Maaga silang nag dekora at nagustuhan ko ‘yon. I’ve always been a fan of decorations lalo na kapag Christmas ay nasasayahan ako sa pagtitig sa mga nakasabit sa poste at sa mga bahay.

Noong una kasi ay ayaw ko’ng magsalita matapos ang trahedya na nangyari sa buong pamilya ko pero I found light whenever I hear music at kapag nakakakita ako ng matingkad na kulay just like christmas lights.

“Miss Lillian,” tawag sa akin ng coordinator na kasama namin na ngayon ay ‘di ko pa din alam ang pangalan. Bakit nga pala ‘di ‘to nagpakilala ng ayos?

“Yes po?” tanong ko at hinarap siya.

“Your Dad said po na ilibot mo muna sila sa buong building or mag stay muna kayo sa cafe sa may 2nd floor naandoon po ang mga kainan dito.” magalang niyang sabi sa akin.

The Master of the Game (Book 1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now