Chapter 55: Ultrasound

9.7K 555 242
                                    

'”Are you sure na papasok ka na sa hospital? Don’t you think its best kung mag-leave ka muna?” panimula ni Brent nang ihatid nila ako sa labas nang maghapon na at magpasya akong bumalik na ng DLSU-D. Kailangan ko’ng gampanan ang mga obligasyon ‘ko kahit na nagdadalang tao ako. Hindi ‘ko pwedeng pabayaan ang lahat ng mga obligasyon ‘ko sa iba dahil lang dito.

“I have to Brent.” Ngumiti ako sa kanya at marahan siyang tumango.

“Dapat may kasama ka doon e. Maselan ang kondisyon mo.” Dagdag ni Ivo at tumabi sa akin. “Nakausap mo na ba sina Tito and Tita?” tanong niya sa akin na nagpaalala sa akin na hindi ‘ko pa pala sila nakakausap.

“Oo nga pala. Salamat sa pagpapa-alala Ivo.” Ngumiti ako sa kanila. “Excuse me muna.” Paalam ‘ko at dali daling pumunta na sa kwarto nila ni Dad. Buong araw kasing hindi lumabas si Dad sa kwarto at kailangan atang bantayan ni Ttia si Dad.

Isang katok ang ginawa ‘ko sa kanilang pinto nang harapin ‘ko ito at agad na pinihit ang hawakan nito. “Tita, excuse me po.” Magalang ko’ng bati nang makita ‘ko siyang pinapakain si Dad.

“Lillian…” malumanay na bati niya sa akin at tinapik ang tabi ng kanilang kama, sinasabing maupo ako doon. Agad ‘ko siyang sinunod at naupo ako sa kama. “Are you okay? I’m sorry to hear the news pero wala naman kaming magawa ng Dad mo.”

“I’m fine po Tita. We broke up a month ago and I don’t have the guts to tell you guys kasi ayaw ‘ko naman na masira siya sa inyo.”

“Do not ever have contact with that man ever again, Lillian. This is my only request from you and I won’t tolerate another mistake from you especially if it’s all about him again.” Matigas na ingles ang pinakawalan ni Dad at alam ko’ng galit siya at disappointed na naman siya sa mga nangyayari.

“I’m sorry Dad. Hindi ‘ko naman po alam na ganito ang mangyayari sa amin.” Dahilan ‘ko at agad siyang tumango.

“Nasa tamang edad ka na naman na at mabubuhay ka naman ng mga pamana ng mga magulang mo kaya hindi mo kailangan ng suntento niya. You’ll be earning your own money soon kapag nakatapos ka na. Kami na ang bahala sa apo namin kapag nanganak ka na. Hindi ka pa din namin papabayaan.” Ngumiti sa akin si Dad at dama ‘ko ang pagkatunaw ng aking puso dahil sa sinabi niya.

Dad has been a good father to me and I would be forever thankful that he was there and so was Tita when my parents died.

“Salamat Dad.” Sagot ‘ko at niyakap siya. Inaya ‘ko din si Tita na sumali sa amin at hindi naman siya tumanggi.

Ilang mga payo pa at paalala ang sinabi nila sa akin bago ako tuluyang nagpaalam sa kanila. Sinabi din nila na si Kuya Greg na ang magbabantay sa akin sa buong pagbubuntis ‘ko at mas mabuti na tanggihan ‘ko ang bawat duty na magpapa-stress sa akin at magpapa-pagod sa akin.

Sinangayunan ‘ko ang lahat ng ‘yon at sinabing magpapa-check-up na lang ako sa OB-GYN sa hospital pag dating ‘ko at sisiguraduhin ‘ko na okay ang aking baby. Madalas pa din ang pagsusuka ‘ko at mas lalo atang lumala habang lumilipas ang oras.

Iniwan ‘ko na sina Brent doon sa bahay nang sumakay na ako ng kotse para umalis na. May ngiti ako sa labi nang umalis ako dahil sa kanila. Ngayon hindi ‘ko na masyadong dama ang pagtanggi niya sa aming mag-ina. Siguro nga hindi lahat ng bagay ay makukuha mo sa mundong ito. Hindi lahat ng mga plano mo ay masusunod sa kung ano ang gusto mong mangyari. Hindi din lahat ng mga batang isisilang sa mundong ito ay may makakagisnan na buong pamilya pero ang sitwasyon ng aking anak ay sisiguraduhin ko’ng hindi makakahadlang sa paglaki niya; ang pagkukulang ng kanyang ama. Pupunan ‘ko lahat ng wala siya at hinding hindi siya makakaramdam ng pagkukulang.

The Master of the Game (Book 1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now