Chapter 54: Wynter and Hendrix

8.9K 477 234
                                    

Patuloy ang pag-agos ng luha ‘ko sa bawat hakbang na ginagawa ‘ko palabas ng kanilang bahay. Wala na akong pakialam kung makita nila ako pero hindi ‘ko kayang sirain siya sa mga taong andito. Hindi ako ganoon kasama para mag-iba ang tingin nila sa akin. Being selfless is what I’m good at, madalas nga ay mas iniintindi ‘ko pa ang mararamdaman ng iba kaysa sa mararamdaman ‘ko pero hindi na ngayon. Aalis ako dito at hahayaan ‘ko na silang isipin ang gusto nilang isipin sa akin pero ito na ang huli. Sa mga susunod na araw, linggo at buwan ay ilalaan ‘ko na lahat sa aking anak.

“Lillian!” sigaw ni Brent sa akin at nang lingunin ‘ko sila sa kanilang mesa ay bakas sa kanila ang pagkabalisa.

“Uuwi n-na ako.” Utal ko’ng sambit at saka nagiwas ng tingin sa kanilang lahat.

“Shit what happened?” sigaw ni Brent na umagaw sa atensyon ng buong team at nagtayuan na sila.

Umiling lang ako at saka tumalikod na sa kanilang lahat. Hindi ‘ko masukat ang sakit na nadarama ‘ko ngayon dahil sa pagtanggi niya at pagkwestyon niya sa pagkababae ‘ko. How can he deny na hindi sa kanya ang batang ito? All this time siya lang ang tanging lalaki na naka-angkin sa buong pagkatao ‘ko.

Ang pagtanggi niya sa akin ay makakaya ‘ko pa pero ang pagtanggi niya sa aking anak ay talagang hinding hindi ‘ko matatanggap at hinding hindi ‘ko mapapatawad. Nag e-exist pala talaga ang mga lalaki na magaling lang sa kama pero kapag responsibilidad na ang pinag-uusapan ay wala na.  May mga lalaki pala talagang magaling lang sa salita pero kapag pinaharap mo na sa mga repercussions ng mga actions nila ay nababahag na ang buntot. May mga lalaki pala talaga na kahit anong gawin mong pagpapabago sa kanila ay hindi pa din sila magbabago. Oo, maaaring matututo sila pero gaya ng sabi nila; old habits die hard.

“Bunso, what happened?” sigaw sa akin ni Kuya nang sundan niya ako at magpang-abot kami nang paalis na ako ng  party.

Agad ako’ng yumakap sa kanya at parang niyayakap ‘ko na din ang ama ‘ko dahil sa kanya. Kamukhang kamukha siya ni Papa at magsisinungaling ako kung sasabihin ‘ko na hindi ‘ko kailangan ng kakapitan ngayon. Dahil ang tanging tao na akala ko’ng kakapit at hindi ako bibitiwan ay bumitiw na ng tuluyan.

Akala ‘ko sa muling pagsubok ‘ko sa relasyon na ito ay magtutuloy tuloy na pero hindi pala. Ang pagsubok sa isang relasyon ay isang malaking kalokohan. Ang pagsubok na buoin ang isang bagay na matagal nang sira ay hindi magandang ideya dahil kahit na mabuo mo ang mga piraso nito ay mananatili ang mga lamat na magpapa-alala sa’yo na dumating sa punto na binasag ang lahat at pinilit lang ulit buoin. Maaaring maibalik ang lahat pero hindi na tulad ng dati na walang lamat at walang gasgas.

Kung hindi ako nanindigan noon sa aking desisyon na layuan siya, ngayon ay talagang lalayuan ‘ko na siya. Hinding hindi na siya ulit magkakaroon ng karapatan sa aking anak. Oo, ipakikilala ‘ko pa din siya sa aking anak pero hindi niya ito malalapitan. Hindi niya ito mahahawakan at kung sakaling kilalanin niya man ito ay huli na.
Magsisimula ako at ‘di tulad ng pagsisimula ‘ko noon na may bahid ng pagsisisi na sana’y naging kami, ngayon ay hindi na. Magsisimula ako kasama ang aking anak, at muli, hindi siya kasama dahil ganoon naman lagi e. Magsisimula ako ng malinis at bubuoin ‘ko ang lahat ng nasira at darating lang siya para sirain at wakasan ang lahat ng mga pinaghirapan ‘ko para muli akong magtrabaho at bumuo ulit ng mga pirasong muling naalis sa pagkaka-kabit.

“Lillian tell me what happened…” malumanay na sambit ni Kuya at hinaplos ang mukha ‘ko na punong puno na ng luha. “Don’t cry makakasama sa baby.” Paalala niya at agad ko’ng kinalama ang aking sarili para sa aking anak. Ayaw ‘ko na maramdaman niya sa sinapupunan pa lang niya na hindi na maganda ang pakikitungo at pagtanggap sa kanya ng kanyang ama. I would never want him or her to hate other people just because they failed to fulfil something that they must do for her.

The Master of the Game (Book 1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now