Chapter 59: Greatest Downfall

8.5K 517 174
                                    

"Nakabalik ka na pala from France?" masigla ko'ng tanong ng makita 'ko siya. Ang kanyang kakaibang buhok at kasuotan ang talagang nagdala ng ganda sa kanya. Ang kanyang mapagmataas na ilong ay talaga namang nakadagdag ng kanyang pagka-sopistikada. Ang maayos na make-up na talagang pinagtuonan ng oras at ang kanyang magandang tayo na kung hindi 'ko siya kilala ay paghihinalaan ko'ng isang modelo.

"Yes noong isang araw pa." she smiled at me. "Can I come in? Kwentuhan naman tayo." Aya niya na agad ko'ng tinanguan. Hindi 'ko alam kung ano ang inihahangos ni Kuya noong tumawag siya pero hindi naman siguro emergency 'yun dahil sino naman ang magtatangka sa akin? Wala nang sakit si Kreezia at maayos na din ang relasyon namin ni Michelle. Iintayin 'ko na lang si Kuya Greg bago kami umalis mamaya.

Marahan akong tumabi para papasukin si Ali sa loob ng aking unit at agad siyang pinaupo sa may couch kung saan siya umupo ng maayos. Umupo ako sa may harapan at ngumiti sa kanya.

"Oh kamusta na?" panimula 'ko na ikinangiti niya.

"I'm fine." She smirked and crossed her arms. "You're pregnant daw sabi ni Crius?" nagtaas siya ng kilay at agad akong tumango.

"Yeah, mag-4 months na next week." I smiled nang maalala 'ko ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw. "Ikaw kamusta na? I thought uuwi ka after mo mag-aral?" tanong 'ko nang maalala ang kanyang sinabi noon at ikinwento sa akin ni Crius.

"I had a change of heart. Umuwi ako since magpapasko na and Christmas Break namin so..." nagkibit balikat siya. "Anyway, so you're pregnant with whom?" tanong niya.

"With Ricci." I smiled as I remember him. Sobrang alaga ako ngayon sa kanya at wala na nga akong mahihiling pa dahil nagiging maayos na ang lahat.

"Nagkabalikan pa pala kayo? I thought you guys broke up because of some issues?" nagtaas siya ng kilay at ngumisi na hindi 'ko nagustuhan. "Buti binalikan ka ulit?"

"What do you mean by that Ali?" nagtaas na ako ng kilay at may kung ano sa akin na kumulo na agad. Hindi 'ko mawari kung ano pero ang tanging alam 'ko ay naiinis ako. Ang kanyang pagkakasabi ng mga salita ay hindi 'ko nagustuhan at parang may pinapahiwatig siya sa kanyang mga sinabi.

"Oh nothing." She devilishly smiled at me bago humalukipkip. "I just thought na hindi na kayo magkakabalikan ni Ricci since you cheated on him."

"I didn't!" singhal 'ko na ikinangisi niya pa lalo.

"Really now?" pang-aasar niya at matama akong tinignan. "'Di ba that Zie and you are good friends and siya ang mas piniling samahan mo kaysa sa boyfriend mo? 'Di ka pa talaga nakuntento kay Ricci?"

"How dare you talk to me like that? Hindi mo alam ang mga nangyayari sa buhay ko-"

"Oh believe me dear when I say na alam 'ko ang lahat ng nangyayari sa'yo." She tauntingly said. "Crius told me everything and he's a good toy actually. Masunurin at mapapakinabangan."

Tumayo na ako para umalis na. Palalabasin 'ko na siya dahil ayaw 'ko ma-stress pa lalo. Hindi 'ko na kailangan ng bullsh*t sa buhay 'ko. Hindi 'ko gugustuhin na malagay na naman sa kapahamakan ang mga anak 'ko. I would much rather decline everything that can stress me out rather than risking the safety of my babies.

"Makaka-alis ka na Ali." May pinalidad ko'ng sabi. "Kung nagpunta ka lang dito para sabihin sa akin ang mga 'yan ay maaari ka nang umalis. I don't need your bullshits."

Ngumising aso lang siya sa akin bago ako tinignan ng nakakaloko. "Of course you don't need bullshits dahil hindi naman maiiba ang pag-iisip mo kung hindi ako magsasalita at hindi mo ako pakikinggan." Umiling siya bago tumayo.

"I thought you've changed pero mali pala ako. You're still the b*tch I've known way back then." Panghahamak 'ko sa kanya. I won't let down of my guard lalo na ngayon na may umeeksena na naman. Kung kailan nagiging maayos na ang lahat ay hindi na ako papayag na may sumira pa nito.

The Master of the Game (Book 1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now