Chapter 18: Piglet and Panda

11.9K 398 125
                                    

Inihatid ako ni Brent ng gabing 'yon. Masaya ang naging pag uwi namin. Napaka wholesome at walang halong awkwardness sa aming dalawa ng maghiwalay kami nang pumasok na ako sa condo. He even texted me nang makapasok ako ng elevator at sinabing maligo ako dahil nangangamoy na ako. Napailing na lang ako sa sobrang witty ng taong 'yon.

Nang marating ko ang unit namin ni Kreezia ay tahimik na ang buong lugar. Nasa lapag pa nga ang heels na pinaghubaran niya ultimo ang kanyang bag ay naandoon din.

Sa gabing 'yon ay magaan ang aking loob na naligo at nahiga sa aking kama. 'Di ko alam kung anong kapalaran ang nag iintay sa amin ni Brent pero kung ano man 'yon sana ay tama na. I hope that this time, maging worth it lahat ng decisions ko at mga isasakripisyo ko. Yes, masasaktan ako sa paglimot sa kanya in the process pero kung ang kapalit naman nito ay ang tunay ko'ng kaligayahan ay bakit hindi?

Nagising ako sa isang maingay na tunog mula sa labas. Tinignan 'ko ang orasan at ang sabi nito'y alas siyete pa lang ng umaga. Ang karaniwang gising ko'y alas otso pa pero isang oras lang naman kaya bumangon na ako.

Sa aking pagbangon ay napansin ko na agad ang pag-ilaw ng aking cellphone. It displayed Brent's name na agad nagpangiti sa akin. He's such a sweet person and a morning person too kaya mas lalong nakakatuwa na paglaanan siya ng pansin.

From: Brent

Good morning Lillian! Have a great day ahead and see you later ;)

Nangiti ako sa kanyang morning text at nanibago din. 'Di ako sanay na may ganitong text mula sa isang tao pero siguro'y masasanay din ako. Nagkusot ako ng mata bago ako nag ayos ng buhok at nagpasyang lumabas para tignan kung anong meron sa labas at ang ingay ni Kreezia.

"Oh my God!" tili ko nang makita si Andrei na naka-topless, hawak ang isang kawali sa kanyang kamay at isinasalin ang kanyang niluto sa isang plato. Agad ako'ng pumasok sa kwarto at naghalungkat ng bra sa aking lalagyan. Bakit andito siya?! Jusko ang precious peaks naka-bakat pa!

Sinuklay ko ang aking buhok at saka ulit lumabas. Sa aking paglabas ay naandoon na si Kreezia at nakahilig sa counter habang nagkukwentuhan sila ni Andrei. Naka sandong puti na din si Andrei at si Kreezia ay nakasuot ng usual niyang pantulog pa. She has a messy hair pero iba ang aura niya base sa kanyang ngiti. Namumula ang kanyang mga pisngi at labi at kumikinang ang 'kanyang mga mata nang tignan niya ako.

"Good morning!" bati niya sa akin na akala mo'y usual ko'ng nakikita dito si Andrei sa loob ng condo namin.

Naglakad ako ng mabilis papunta sa kanya at walang pasubaling hinatak siya palayo kay Andrei, papasok sa kwarto ko. "Kreezia ano 'yan?!" singhal ko sa kanya.

"What?" natatawa niyang tanong sa akin.

"What what ka dyan sisipain kita! Bakit andito si Andrei? Bakit nakahubad siya nang lumabas ako?! Bakit kayo magkasama ang aga aga! Jusko Kreezia wag mo sabihing dito 'yan natulog!"

Ngumisi siya sa akin at lumingkis pa sa braso ko. "Parang ganon?"

"Parang? Bakla ka 'di ka sigurado?!" jusko nawiwindang ako!

Nagkibit siya sa akin ng balikat at maayos akong hinarap. "Well it just happened."

"Fuck girl ka ganon? Kreezia umayos ka sasampalin kita! Anong nangyayari?!" ginulo ko ang buhok ko at pinukol siya ng matalim na tingin. "Kreezia natulog siya sa kwarto mo? Kayo?!"

May ngiti sa labi siyang tumango at nagsalita. "He's my boyfriend."

"Ay nakakaloka..." I'm rendered speechless at parang nanghina ang tuhod ko at napaupo ako sa kama ko. "Kreezia abisuhan mo naman ako!"

The Master of the Game (Book 1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now