Chapter 5: Traumatized

13.5K 465 38
                                    

Patuloy siyang tumingin at ‘di man lang ako nilubayan ng titig. Ramdam ko ang pagkalunod ko sa bawat segundo na lumilipas na wala kaming ginagawa kundi mag titigan. Ang baywang ko na kinukulong niya sa kanyang mga bisig ay nakakapaso. It felt so wrong but right now I feel so… right.

“Lillian, answer me.” lumapit pa siya na para ba’ng aamba pa ng isa pang halik.

I tried to gather my thoughts at ng magka-lakas ako ay tinulak ko siya para lang makawala ako. Abot abot ang tahip sa dibdib ko at ayaw ko non. Ayaw ko na makaramdam ng ganito. I don’t want to be in his world. I don’t want to be... wrecked.

Umiling ako at dali daling lumabas ng sinehan. Bahala na si Kreezia mamaya kung paano siya makikisama sa mga lalaking ‘yan basta kailangan ko lumayo dito!

Tinakbo ko ang kalawakan ng mall at dali daling bumaba gamit ang escalator. Tinahak ko ng wala pang limang minuto ang labas ng mall at nang makita ko si Ricci na tinatakbo ako para masundan ay pumara agad ako ng taxi at saka pinaalis ito.

Kinurot ko ang aking mga daliri at umiling ng ilan pang ulit. Mali e!

Ayaw ko’ng magsimula ng ganitong relasyon. Masyadong nakakatakot. Masyadong nakakabagabag na baka kung ano ang magawa ko o ng lalaking mapipili ko kung sakaling papasok ako sa ganito. I wouldn’t want to experience a traumatic scenario ever again!

Binayaran ko ng saktong halaga ang taxi driver at dali daling umakyat sa condo. Umiling ako ng paulit ulit, umaasa na mawawala ang nangyari kanina. ‘Di ko ginusto ang isang ‘yon. Talagang nakakadala lang ang nakaka-estatwa ang bawat titig niya.

“Lillian!” sigaw ko sa sarili ko at sumalampak sa kama ko bago kinuha ang cellphone ko. “Sabi nga ‘di ba ng lola mo umiwas ka sa mga lalaki dito sa University?!” sigaw ko muli habang tinawagan ang isang taong alam ko’ng maiintindihan ako.

Inilagay ko sa tainga ko ang cellphone, naka ilang rings ito bago niya sinagot. “Tita…” panimula ko nang sumagot siya.

“Lillian, kamusta na?” maligaya niyang tanong at ‘di ko mapigilan na maluha. Siya na lang ang mayroon ako.

“Tita… can you fetch me in my condo? P-Please?” magalang ko’ng tanong at di ko na mapigilan na mapahikbi. Pakiramdam ko pinagtaksilan ko ang aking ina dahil sa ginawa ko.

“Hija, are you okay? Bakit ka naiyak?” malumanay niyang tanong na mas lalong nagpaluha sa akin. Magkamukha at magka-boses talaga sila ng Mama ko. They’re twins at mas lalo lang ako’ng naiinis kapag naaalala ko ang nangyari kanina. Kinakain na ako ng konsensya ko.

“Tita… just please tell your driver na sunduin ako dito sa condo. Please tita, I need you po.” yumuko ako at parang wawasakin ang dibdib ko sa sobrang sakit.

“Okay, sasabihin ko. Magpaalam ka muna kay Kreezia para di mag-alala ang kaibigan mo.”  payo na tinanguan ko kahit di niya ako nakikita bilang pag sangayon.

At ganon nga ang ginawa ko. Nag text ako kay Kreezia na nasa condo na ako at may emergency lang sa bahay kaya kailangan ko munang umuwi ngayong gabi. Babalik na lang siguro ako bukas ng umaga kapag nag klase na.

Ilang oras ang nakalipas ay tumawag na tao sa lobby na naandoon na daw ang driver ni Tita kaya dali dali ako’ng bumaba at di na nag-abalang magpalit pa.

Pansin ko ang mga titig sa akin ng mga tao sa lobby ng condo ng tignan nila ako. I couldn’t blame them. Sobrang namumugto ang mga mata ko sa pag iyak.

Pumasok agad ako sa kotse at nanatiling tahimik. Sakto naman na pag alis ko ay ang pag parada ng mga kotse ni Ricci at Brent kasama si Kreezia at pumunta sila sa loob. Umiling ako para iwaksi ang mga nasa isip at pagtuonan muna kung ano ang mga gagawin ko para abalahin ulit ang sarili ko ngayong gabi at sa mga susunod pang araw.

The Master of the Game (Book 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon