Chapter 25: I Love You, Always, Forever

11.9K 338 51
                                    

Parating na ang buwan ng December at katulad daw ng nakaugalian ng mga management students dito ay nagkakaroon sila ng Christmas booth para sa pagdiriwang ng Christmas sa buong school.

“Okay class so para sa kaalaman ng lahat, we are having our annual Christmas celebration sa buong school. Management students are obliged to join this event dahil training na din ito para sa inyo.” panimula ng prof namin sa financial management at kinuha ang mga handouts na dala niya bago niya ipinamigay sa aming lahat. “Those handouts are your guide kung paano sisimulan ang booth na balak niyo. Every section has to have a booth for the event. I encourage you guys to think of something unique. Given na food nga ang ibebenta niyo but I want you to be creative. Pagandahan ng booth at pasarapan ng tinda. Kung may ibang gimik ay mas maigi to attract more customers.”

“Grabe ang trabaho nito.” dinig ko’ng reklamo ng isa ko’ng kaklase at pumangalumbaba pa na parang problemado nga siya sa gagawin namin.

“Yes Miss Franco, matrabaho nga ang event na ito and ito din ang mag de-determine ng grade niyo sa prelims.” ngiti ng aming prof at naupo sa kanyang mesa. It’s our second sem at lumipas ng sobrang bilis ang panahon na parang kailan lang ay first sem namin. “Anyway, ang mamumuno dito ay ang mga officers ng room. Miss Dela Cruz and company, kayo na ang bahala.” tawag niya sa atensyon ko at sa mga officers ng room na ito. Napalunok ako dahil sa pressure na nadadama saka ako tumango na para ba’ng kinu-kumbinsi ang sarili na kaya ko ‘to.

Sa buong period ng klase ni sir ay nag meeting lang kaming buong klase para sa gagawin na booth. This is a week from now at sobrang ikli lang talaga ng preparation namin para dito.

“Any ideas?” panimula ko nang pagbigyan ako ni sir na tumapak sa platform ng room at isulat lahat ng plano sa white board. Hinayaan ko si Hazell na isulat lahat ng mapag uusapan namin ngayong araw at si Abi bilang treasurer ay ang mangongolekta ng contribution bukas kung magkano man ang mapagkasunduan ngayon.

“Since it’s Christmas naman bakit hindi red and white ang theme?” suggestion ni Patrick.

“Masyadong common.” kontra ni Sandra. “Bakit hindi forest theme ang gawin natin?”

“Saan naman tayo kukuha ng kahoy? Magpapagawa pa tayo Sandra? It’s too late na at next week na ito.”  Joanne rebutted.

“No. Kaya ‘yun!” maligayang sabat ni Jonbert. “Why don’t we use paper mache as the woods or form vines. Madali lang yun. News papers and japanese papers will do.”

“Oo nga no?” sabay sabay nilang sabi at pumayag na na ‘yun ang gawing theme.

“Lagyan na lang din natin ng Christmas decorations para hindi naman naka focus sa forest lang. Maganda ‘yan!” maligayang sabi ni Hazell at isinulat ko na nga ang gusto nilang theme.

Sa buong period na nagusap kami ng buong klase ay nagkasundo kami na ibahin ang menu namin. We prefer churros and cupcakes for our food. For sure maraming magbebenta dyan ng burgers and drinks so ito na lang ang pinili namin. Hindi na ‘din kami nagbalak mag frappe but instead, mag fruit shake na lang kami for the event.

Iba pang mga detalye ang napag usapan namin bago kami natapos sa pag uusap. Nailista na din kung sino ang mga gagawa sa booth at kung sino ang magluluto at kung saan saan pa.

Matapos namin makapagplano ay nagpasya ako’ng dumaan sa Music Society na kinabibilangan ko. Alas sais ng madaan ako doon at wala pang tao kundi ang adviser lang namin. Pumasok ako ng kwarto at agad niya ako’ng napansin.

“Lillian, what a surprise! Wala tayo ngayong practice e. I just came by to get some stuff at aalis na din ako.”

“Ganoon po ba?” bigla ata ako’ng nalungkot dahil na-miss ko na tumugtog ng gitara na I feel like strumming and singing tonight.

The Master of the Game (Book 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon