Chapter 29: Freedom

10.7K 393 209
                                    

Sinubukan ko’ng hindi maiyak pero nabigo ako. How I wish I was strong enough to suppress all of my feelings. How I wish I didn’t start this bullshit when I saw it coming. But no, I even welcomed it with arms wide open. I even thought this thing between us will work but I guess things don’t always work the way you wanted it to.

Pinalis ‘ko ang aking mga luha at pumunta sa aking kwarto matapos ‘ko’ng makarating sa bahay. Hindi ako nakita ni Dad na kakarating lang din daw which is good dahil hindi naman niya kailangan na malaman pa ang mga nangyari sa amin ni Ricci. Ayaw ‘ko siya sisirain sa paningin ng ama ‘ko, that’s the last thing I would want.

Actually hindi niya naman kasalanan na itinatanggi niya ang sa aming dalawa. Because to be honest, wala naman talagang kami. I’m too territorial na umabot na sa puntong ang hilig ‘ko na mag demand up to the point na kailangan niya pang linawin sa iba ang tungkol sa amin gayong kahit ako ay hindi ‘ko siya piinapaliwanagan.

Ganito pala kapag nagmahal ka ng isang taong hindi pa naman sa’yo. Ang hirap mangapa. Ang hirap iparamdam sa kanya ang tunay mo’ng nararamdaman kasi baka hindi din siya sigurado kung handa na siya na maging kayo… na maging official na kayo na. Ang hirap mangapa kung saan ka lulugar at kung paanong akto ang gagawin mo sa bawat kilos na ibinibigay niya sa’yo. Hell I don’t even know kung anong kahihinatnan namin.

I hate him for being like my Papa. I hate him for being such a jerk na parang tinatalikuran niya ang naumpisahan niya. I know he’s some kind of a star now dahil isa siya sa mga pinakamagaling sa basketball sa buong university and I don’t blame him for that. Pero sana marunong siyang makiramdam na hindi lahat ng tanong sa kanya ay dapat niyang sagutin. Hindi lahat ng tanong ay dapat sagutin niya ng buong katapatan lalo na’t naandoon ako sa lugar na ‘yon.

I hate him but I’m starting to hate myself too. I hate myself for being too attached to him upto the point na parang lahat ng gagawin ‘ko ay dapat kasama na siya. Ang hirap niya alisin sa sistema ‘ko na sinanay niya ako sa sobrang pagka-available niya at sobrang open na ngayon ay nasobrahan na. It’s starting to feel unhealthy and toxic for the both of us. With him it’s like a roller coaster ride; one moment we’re happy then in just snap, I’m terrified. Terrified to fall for him even more.

Possible pala ang ganoon ano? Possible pala na mahulog ka pa sa isang tao kahit na hulog na hulog ka na. May mailalalim pa pala ang pagkahulog mo at katulad sa akin, nahulog ako ng mas malalim pa sa kanya. Nagdadaan ang isang buong araw na hindi pwedeng hindi ako mahulog sa kanya. He’s too perfect and I’m not. ‘Yon ang na-realize ‘ko sa bawat pagkikita at pagsasama namin araw araw. I’m such a wreck and he’s too flawless. He has a good family, a good career and all. Pero ako, ito nakakapit sa isang pisi na malapit na mapatid. I just don’t see the will to live anymore pero ipinapagpatuloy ‘ko para sa mga nakagisnan ‘ko nang magulang. I don’t want to fail them and it makes me hate myself more na parang sinisira ‘ko ang Lillian na ilang taon nilang binuo at pinahalagahan. Ang tanga ‘ko para isiping ang pag-iyak ay nakabubuti sa kalooban. Oo siguro mabuti nga pero hindi siguro aabot na sa puntong hindi mo na makilala ang sarili mo at iyakan ang mga taong hindi naman kailangan iyakan. Namihasa ako sa sobrang pagdepende sa kanya at hindi na ito mabuti.

Nagising ako sa sobrang bigat ng loob sa panaginip ‘ko. Simula pagkabata at nangyari ang trahedyang ‘yon ay paulit ulit na lang ang pagdalaw ng scenario na ‘yon sa akin. Kahit itanggi ‘ko na hindi ko na naalala ‘yon at limot ‘ko na ay hindi pa din mawala. The therapy and the counseling are all useless dahil hindi naman natanggal ang lahat. Natuto lang ako ulit makisalamuha sa tao pero ang bigat at takot sa pakiramdam ay naandoon pa din.

Gumayak ako ng maaga dahil gusto ko’ng abalahin ang sarili ‘ko sa ibang bagay. Maybe I should do some shopping o di kaya naman ay magpa-salon o kung ano man. I just need a diversion para hindi ‘ko na maisip ang lahat. I realize that I can’t demand for his attention and time kaya hindi ‘ko na ginawa ang pagpapapasin sa kanya ngayon o kahit mag text man lang. May isang text siya sa akin na i-text ‘ko siya kung nasa bahay na ako pero hindi ‘ko din ginawa. Ganito ako kapag nasasaktan kahit noon pa man nooong namatay ang mga magulang ‘ko. I tend to push everyone around me until I’m all alone.

The Master of the Game (Book 1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now