Chapter 16: Alumni Homecoming

14.8K 494 213
                                    

"Ano ba kasi ang nangyari?” tanong sa akin ni Brent habang ginagamot ang mga sugat ko. Inalis niya isa isa ang mga bubog ng nabasag na baso sa binti ko. Napapadaing ako sa bawat sakit ng pagtanggal niya.

“Nabitawan ko ang baso. Pasensya-”

“It was me.” putol sa akin ni Ricci na agad ko’ng tinignan. Doon ko nakita kung gaanong nagbago ang itsura niya. Malamlam ang mga mata niya at halata ang pagod sa mga mata niya. May kung ano sa kanya na kumurot sa puso ko pero pinigilan ko ‘yon.

“Pre ingat naman, kita mo ang nangyari.” seryosong sabi ni Brent at nagbukas ng alcohol mula sa first aid kit. “Lili lalagyan ko ng alcohol ah. Medyo mahapdi ito.” dagdag niya na tinanguan ko.

“Aah!” daing ko nang dumampi na ang lamig ng alcohol sa aking balat at kasunod noon ang hapdi sa aking sistema. “Shit, Brent ano ba yan!” sigaw ko at napatapik pa sa braso niya dahil sobrang sakit.

“Here.” sambit ni Ricci sa gilid ko at umupo sa tabi ko saka niya hinawakan ang kamay ko. His warmth from his hand enveloped me and I was in awe when he did that. Pinilit ko’ng bawiin ang kamay ko pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin. “Just squeeze kung masakit pa.” malumanay na sabi niya sa akin.
Sana nga ganoon lang kadali na pipisilin mo lang at mababawasan na ang sakit kaso hindi.

Nagtaas ng kilay si Brent ng napako ang tingin niya sa magkahawak na kamay namin ni Ricci. Tumikhim siya at agad na pinunasan ang sugat ko gamit ang bulak sa kit. “Betadine na ang ilalagay ko tapos lalagyan ko na ng bandage tutal hindi kaya ng band aids ito.” paliwanag sa akin ni Brent.

Tumango ako sa kanya at ginawa na niya nga ang dapat niyang gawin.

“Oh my gosh what happened?!” sigaw ni Kreezia na kakalabas lang sa kwarto niya.

“Dumulas ang baso sa kamay ko habang tinutulungan ko si Lillian. I’m sorry.” paghingi niya ng tawad kay Kreezia at bumaling din siya sa akin. ‘Di ko makita ang ngiti niya na gustong gusto ko noon. Gusto ko’ng masilayan ‘yon dahil noong nasa camp kami ay sa bawat pag ngiti niya ay parang nawawala ang pagod ko. Pero sino ako para manghingi ng ngiti mula sa kanya:?

“Dapat kasi nag iingat kayong dalawa!” sigaw ni Kreezia at umupo sa tabi ni Brent at pinagmasdan ang paglalagay niya ng betadine sa akin. Napansin ko ang pagtingin niya sa magkahawak naming kamay ni Ricci at agad niya ako’ng binigyan ng nakakalokong ngiti.

Kinunutan ko siya ng noo at bahagyang umiling para sabihing ‘di ‘yon ang iniisip niya. Nagkibit naman si Kreezia ng balikat at ngumisi pa lalo. Kami lang ba ang magkaibigan na nakakapag usap ng titigan lang at pag ngiti ang ginagawa?

“Matagal pa ba ‘yan Brent? Baka nangangalay na si Lillian.”sabi ni Ricci at nang tignan ko siya ay nakapako ang tingin niya sa binti ko. Bumaling siya sa akin at agad ako’ng nag iwas ng tingin. “Next time you wear pajamas para ‘di na expose ang legs mo.” bulong niya sa akin, sapat para kami lang ang makarinig.

Wala sa sarili ako’ng tumango at ‘di ko din alam kung bakit.

Nang matapos na ang paglalapat ng paunang lunas sa akin ni Brent ay tinulungan niya na ako para makapasok sa kwarto ko. ‘Di ako pumayag na si Ricci pa din ang gagawa ng bagay na ‘yon. Sa ngayon ay mas komportable ako kay Brent kumpara sa kanya noon.

“Magpahinga ka na okay? Papasok ka ba bukas?” tanong sa akin ni Brent at lumuhod pa sa harapan ko para lang ayusin ang paa ko sa kama at lagyan ‘yon ng kumot.

Tumango ako at ngumiti. “Yeah may class ako bukas ng alas tres hanggang alas sais.” sagot ko. “Salamat Brent ha. Pasensya na sa abala.”

“It was nothing Lili. Just please text me or si Kreezia kung kailangan mo ng tulong sa pagpasok bukas sa school pupunta agad ako.” ngumiti siya sa akin at tinapik pa ang ulo ko. “Or wag na lang kaya ako pumasok?”

The Master of the Game (Book 1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now