Chapter 47: The Sister I Never Had

9.1K 342 68
                                    

Pilit ako’ng pinigilan ni Ricci na wag na kausapin si Kreezia pero hindi ako nagpapigil. The last thing I would want to do now is to run away from my problems at isa sa mga problema ‘ko ngayon ay si Kreezia na may galit sa akin na hindi ‘ko naman talaga alam kung saan nagmula.

Natapos ang araw na ‘yon na inihatid ako ni Ricci sa bahay. Pinagtaasan pa ako ng kilay ni Tita nang makita niya si Ricci na naghatid sa akin pero hindi naman siya nagtanong. Mas naiintindihan na ako ngayon ni Tita kumpara noon na kailangan niya pa magtanong para lang malaman ang tunay ko’ng estado sa mga bagay bagay.

Naging maayos ulit ang pag-uusap namin ni Ricci gaya noon. He’s as sweet as ever and he will always remind me to do things and call me before we sleep. He’s really a changed man now and I adore him for that. I adore him for being the matured man he is today just like how he managed to explain to me everything.

Kinabukasan nga ay maaga akong nag ayos para sa pag uusap namin ni Kreezia. Ang sabi sa akin ni Ricci ay alas nuebe ang check-up niya sa bahay nila at kadalasan ay kasama nito ang mga magulang niya. Mabait daw ang mga magulang ni Kreezia at maiintindihan naman nila siguro kung gusto ‘ko makausap ang kanilang anak.

Sa totoo lang ay nanghihinayang ako sa mga buwan na magkasama kami ni Kreezia noon. She’s been a good friend to me at sobrang saya niya kasama. Sa lahat ng kalokohan ‘ko at kadramahan ‘ko ay nandyan siya. Kahit na noong nasa sitwasyon pa ako ng pang-aasar kay Michelle ay tinulungan niya ako. Hindi ‘ko alam kung anong nagbago pero nakakapanghinayang na nawala na lang bigla ang pagkakaibigan namin. Siguro mali din ako na hindi ‘ko siya sinabihan na aalis na ako at hindi ‘ko man lang siya ni-contact noong mga panahon na wala ako sa bansa.

Hindi ‘ko alam kung saan nagsimula o kung ano ang nag trigger ng sakit niya ngayon. Is it really because of Ricci and me or may iba pang dahilan kung bakit siya naging ganyan?

“Babe, you’re spacing out again.” Sambit ni Ricci na nasa hamba na ng aking pintuan. Malaya siyang nakaka-labas masok dito sa bahay dahil pinahihintulutan na siya ni Tita at ni Kuya. Boto sa kanya ang mga kamag-anak ‘ko at wala naman akong nakikitang mali sa ginagawa niya.

“Sorry. I was just thinking about Kreezia. She’s a happy person and really fun to be with. I don’t know what made her that way.” Napangiti ako ng mapait nang maalala ang aking kaibigan. Nakakapanghinayang na kinain na siya ng kanyang sariling sistema.

“Babe…” malambing na sambit ni Ricci bago siya umupo sa tabi ‘ko at inakbayan ako. “No one wanted this to happen. Ang sabi kasi ng doctor ni Kreezia ay nasobrahan siya sa pag-iisip. Depression and jealousness can lead to anxiety. It’s not healthy for a person to experience the same emotions over and over again at hindi naman siya ganoon ka-open sa kanyang nararamdaman kaya hindi niya mailabas and ayan ang nangyari.” Huminga siya. “We never want this to happen pero ang magagawa na lang natin ay umasang gagaling pa siya.”

“May mga cases ba daw na nagaling pa ang mga may sakit na ganyan?” taka ko’ng tanong kay Ricci.

“Oo daw sabi ng doctor.” Ngumiti siya sa akin at hinalikan ang noo ‘ko. “Don’t worry too much okay? I got this. Tutulungan natin siya na maka-recover. But I still doubt na makakausap mo siya ng maayos. I don’t know kung paano magiging possible ang pag uusap na gusto mo.”

“Trust me okay? I got this.” Ngumiti ako sa kanya na nginusuan niya lang bago siya tumango at niyapos ako.

Nagpasya na kaming bumaba ng bahay para maka-alis na. Sinundo niya lang talaga ako dito dahil gusto niyang makausap namin ng maaga ang mga magulang ni Kreezia. Gusto muna naming siguraduhin na ayos lang ito para sa mga magulang ni Kreezia.

Kung kami nga ang dahilan ng kondisyon ngayon ni Kreezia ay dapat akong gumawa ng paraan para maliwanagan siya. Siguro nga masasaktan siya sa mga sasabihin ‘ko dahil nga pagkainggit at selos ang bumabalot sa sakit niya pero alam ko’ng kapag nalaman niya ang totoo ay mapapalaya siya nito. Gusto ko’ng makatulong at kahit na sabihing napaka-selfless ‘ko ay wala na akong pakialam. Gusto ko’ng maibalik ang dating siya at kung possible ay ang dating kami na walang iniintinding selos o galit sa isa’t isa at tanging pagkakaibigan lamang.

The Master of the Game (Book 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon