“Pfftt... Hahaha! Lips to lips din.”

“Ayie... Ngumiti na siya, bati na tayo ha?”

“Bwisit ka!” singhal ko tiyaka siya binato ng unan. Nanlaki naman ang mga mata ko nang batuhin niya rin ako. Swak na swak talaga sa mukha ko.

Nag pillow-fight kaming dalawa hanggang sa parehas din kaming nahiga dahil sa pagod.

“Pinagpalit kami ni Mich nang pamumunuan para sa camping bukas.”

“Oh talaga? Wala akong pake.” pinanliitan niya ako ng mata kaya tumawa ako.

“Seryoso Heaven. So tayong dalawa ang magtatabi bukas.” aniya sabay binaba-taas ang dalawng kilay.

“So what?”

“Ano bang magandang gawin bukas? Malamig doon at ikaw lang ang kasama ko.”

“Magpapa-init tayo,” sambit ko na lalong nagpalawak sa ngiti niyang nakakaloko.“Shit!” napasapo ako ng noo nang marealize kong double meaning pala ang sinabi ko. Manyak pa naman siya.

“Sinabi mo 'yan ha!”

“Fvck you Hell! Kapag hindi ka tumigil puputulin ko 'yan.”

Halos gusto nang tumalon ng puso dahil hinubad niya ang suot niyang pantalon. Which is boxer nalang ang natitira.

Tumayo ako at umatras. Ganoon din niya tumayo ngunit umaabante. Oh shit!

Baka bumigay ako. Lalo na't nakakalaglag panty ang abs niya. Isama mo pa na may bakat. Oo bakat! Alam niyo na 'yon.

Nanlaki ang mata ko nang wala na akong maatrasan. Pumikit nalang ako nang ilapit niya ang mukha niya sakin.

“Goodnight!” bulong niya. Naamoy ko naman ang hininga niya na mukhang katatapos lang mag-sepilyo.

Nagsimula siyang tumalikod. Parang nabitin ako. Parang gusto kong sine-seduce niya 'ko. Hell bakit iba na ngayon ang epekto mo sakin? Kaunti nalang mababaliw na ako sa 'yo.

“Heaven,” sambit niya sa pangalan ko nang yakapin ko siya patalikod. Naalala ko bigla ang pagyakap ni Mich sa kaniya kanina.

“Asawa ba talaga kita?” wala sa sarili kong tanong. Naaalala ko rin yung mga panahong umaasa ako sa kaniya.


“Poging asawa mo,” inalis niya ang pagkakayakap ko sa kaniya tiyaka siya humarap sakin. “Mahal kita Heaven.” hinawakan niya ang pisngi ko. Bakit ako naluluha?

Sa pagkakaalam ko, maganda ako pero hindi ako iyakin.

“Ayokong mawala ka sakin. Lalo na't alam kong mas gusto mo si Kuya Matthew kaysa sakin.”

Feeling ko bumalik 'yung patulo kong luha sa mata ko nang sabihin niyang mas gusto ko si Matthew pfft... Parang Kuya na rin ang tingin ko doon.

Inilapit niya ang mukha niya sakin habang hawak-hawak parin ang pisngi ko.


Akmang hahalikan niya na sana ako nang biglang mag-ring ang cellphone ko.


Awkward!

Kinapa ko sa bulsa ko ang cellphone. Tiningnan ko muna sa screen kung sino ang tumawag.

“Sino 'yan?” tanong ni Hell.

“Si Mommy,”

Pinindot ko ang loudspeaker para marinig din ni Hell.

“Hello Mom?”

[Heaven anak kasama mo ba si Hell?]

“Yes Mom, bakit po?” nagkatinginan kami ni Hell at parehas na naka-kunot ang noo namin.

[Heaven ang Daddy mo. Gusto kang kunin sakin.]

“Si Dad? Please Mommy h'wag kang pumayag!”

Isang kilalang negosyante ang Daddy ko. Hiwalay na sila ni Mommy dahil babaero ang Daddy ko.

[Nakikipag-deal siya sakin Anak.]

“Anong Deal Mommy?”

[Hihiwalayan mo si Hell at ikakasal ka sa anak ng business partner niya.]


“Mom, are you agree with this shit?!” sambit ni Hell, hinawakan ko siya at tila nanginginig siya sa galit.


[Ofcourse not! Mag-iisip ako ng paraan para hindi mangyari 'yon.]

“Mommy please... Huwag mong hahayaan na mangyari 'yon.”

[I won't promise Daughter. But I will try my best para hindi matuloy ang pinaplano ng Dad mo.]

Muli akong tumingin kay Hell na tahimik at mukhang malalim na nag-iisip.

“Thank you Mommy,”

[Mag-ingat ka riyan anak. Tawagan mo lang ako kapag may kailangan ka. Nandiyan ang Kuya at Asawa mo. Pakabait ka riyan.]

Binaba niya ang tawag. Minsan bastos din kausap itong si Mommy. Hindi man lang ako nakapag-good bye.

“Bukas na bukas hindi tayo sasali sa Activities, may gagawin tayo. Huwag ka munang magpapagod bukas,” hinalikan niya ako sa noo.“Good night”

Pinagmasdan ko lang siya habang humihiga siya sa kama at nagtakip ng kumot.


Hindi ako papayag na kunin ako ni Dad at mas lalong hindi ako magpapakasal sa iba.

Humiga narin ako sa kama at niyakap siya. Napangiti naman ako nang yakapin niya rin ako.


Halos ilang linggo narin kaming nagkakatabi sa kama pero ngayon lang nangyari na magkayakap kami buong magdamag.

A Story Of Heaven And Hell [COMPLETED]Where stories live. Discover now