Lihim 2: Chapter 17- Two years later..

Start from the beginning
                                    

"Maymay.. pakisabi nga dito sa ambisyosa mong alalay masyado siyang epal.."  narinig kong sabi ni Rita ng nasa loob na ako ng banyo.

Isinarado ko na ang pinto ng banyo ko para mabawas-bawasan ang ingay na naririnig ko sa dalawa.

"Waahh ang lamig ng panahon.. buti nalang nauso ang heater.."

Napangiti ulit ako ng may maalala ako..

..sa bawat pagnuot ng lamig sa aking katawan.. lubos din akong nababahala na baka mabalutan na rin ng lamig ang iyong puso..

Kakornihan talaga oh..

Ipagpapatayo ko talaga ng rebolto si Kuya..





"Pangit ng suot mo.. sabagay pangit din nung nagsusuot.." pang-aasar ni Conde kay Rita.

Kasalukuyang nasa backstage kami at inaayusan.

"Hoy pangit manahimik ka diyan! Baka di kita matansya maipukpok ko sayo itong sapatos ko.." naaasar na ring sabi ni Rita.

Tumawa naman ang buang na lalaki sa tabi ko.

Bakit ba hindi magkasundo ang dalawang ito? Sabagay siraulo kasi ang Condeng ito.

"Pangit paglabas mo, wala nang tao sa labas magsisiuwian na silang lahat.. bawal magrampa kasi ang pangit.. tignan mo nga suot mo, nagmumukha ka ng tingting, tingin mo naman bagay sayo nakalabas ang hita, tignan mo nga ang payat.." pang-aasar ulit ni Conde kay Rita.

"Maymay, palabasin mo yang lalaking iyan.." napipikon ng sabi ni Rita sa'kin.

Tumatawang iniwanan ko ang mga ito at sumilip sa labas.

Mahigit isang taon na rin ako sa ganitong trabaho. Si Rita ang naghikayat sa'kin na subukan pasukin ang pagmomodelo. Nung una, tumanggi ako, una sa lahat wala akong alam sa pagrampa at isa pa, makakasama ko ang naging kasintahan ni.. hay di ba awkward? Hanggang sa minsan makapanuod ako ng fashion show nito ng minsan ako nitong isinama. Saktong wala ang isa nilang kasama, napansin ako nung manager nila, hayun ending nag-ekstra ako at tuloy-tuloy na rin ang pagrampa ko at pagposing sa kamera.





Edward's POV

Sa dalawang taong nagdaan isa lang ang pinabikan ko ang makasama siya.

Kamusta na kaya siya ngayon?

"Bro tara.."

Napalingon ako sa kakapasok lang na si Marco.

Tumango ako dito.

"..anong oras pala uwi mo kagabi bro?" Tanong nito habang prenteng nakaupo sa may mahabang sofa dito sa opisina ko.

Tatlong araw din akong wala dito. Hindi muna sana ako uuwi para... ngunit nagkaroon ng problema sa kompanya, na agad ko rin naman naayos.

"Bro mag-ipon-ipon ka na.. ninong ka ha."

Minsan ewan itong si Marco, paulit-ulit lang at saka wala pa namang umbok ang tiyan ng fiance nito. Sa wakas nagsettle na rin ito, natakot ata nang piliin ni Vive na humiwalay na dito.

Nang matapos kong ayusin ang mga gamit ko niyaya ko na ito.

Magkikita-kita kaming magbabarkada ngayon. Everyweek ganito ginagawa namin. Okay lang naman sa'kin, matagal ko rin naman silang hindi nakasama noong mawala ang alaala ko.







"Guys.. tignan niyo 'to. Ang ganda talaga ng Maymay natin.. buti pala may silbi itong si Luke eh.. inaupdate tayo sa mga event sa buhay ng mga ito.." sabi ni Fenech.

MAYWARD fanfic: Lihim (completed)Where stories live. Discover now