Lihim 2: Chapter 16- The fight (last part)

Start from the beginning
                                    

Bigla niya akong niyakap kaya di ko na mapigilang mapaiyak ng malakas.

"Kasalan ko Dong.. napapahamak kayo.. dahil.. dahil sa'kin.."

"Stop saying that.. walang may gusto ng nang..."

"Hindi.." putol ko dito sabay iling. "Sorry.. sorry ng.. ng dahil sa'kin.."

Hindi ko naituloy ang sinasabi ko nang maalala ang pagkawala ng mga kaibigan ko.

"Marydale.."

"I'm.. i'm sorry.."

Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap nito sa'kin.













One month passed..

Ang bilis ng araw.. isang buwan na rin ang nakakalipas.

Pinili kong magpunta ng mag-isa sa sementeryo para magpaalam sa mga taong naging malapit sa'kin.

Matapos kong matirik ng kandila at  mag-alay ng bulaklak at dasal.. pinili kong magtagal muna dito bago ako tuluyang lumisan sa lugar na ito. Baka kasi matagal pa bago ako makabalik sa lugar na ito.

"Kung alam mo lang kung gaano kita kamahal.. mahal na mahal kita Tin. Napatawad na kita sa mga nagawa mo sa'kin.. sana napatawad mo na rin ako.. mahal na mahal kita, mananatiling kaibigan kita.."

Pinigilang kong mapaluha habang kausap ang puntod ng aking kaibigan.

Hindi na rin naisalba ang buhay nito. Ayon sa mga kaibigan ko, itinakbo pa sa hospital ang kaibigan ko.

Bumaling ako sa kabilang lapida at hinaplos ito.

"Sorry ha.. hindi ko alam na nasasaktan pala kita sa hindi ko pagpansin sa nararamdaman mo sa'kin. Mahal na mahal kita Chan, ikaw ang naging kuya ko.. mula pa noong makilala kita, wala kang ginawa kundi busugin mo ako hindi lang sa tiyan, kundi sa pagmamahal at pag-aalaga na ibinigay mo.."

Napakagat-labi ako.. hindi na rin ito naisalba nang makatamo ng tama ng baril mula sa kung saan. Ligaw na bala raw ang tumama dito. Ayon sa imbestigasyon, mula rin daw iyon sa isa sa mga tauhan nito nang nagkamaling magpaputok ng baril matapos ang malakas na pagsabog.

Maging si Langit hindi din nakaligtas, namatay din ito mula sa tama ng baril. Hindi na ako nag-ungkat pa tungkol dito. Para saan pa?

Hindi ko mapigilang mapaiyak habang tinitignan ang puntod ng dalawa kong kaibigan.

Kasalanan ko ang lahat.. sana.. sana ako nalang ang nakabaon sa lupa..

May biglang humawak sa balikat ko..

"Mary..." untag nito. "Tara na baka mahuli pa tayo..."

Lumingon ako dito at tumango. Siguro sobra na akong matagal kaya hindi na ito nakatiis na sundan ako.

Ngumiti ako dito ng tipid.. akala ko pati siya tuluyan na ring mawawala.

Inalalayan ako nito hanggang sa makasakay kami sasakyan nito.

"May.. may gusto lang akong daanan.. Conde.." sabi ko dito habang tahimik itong nagmamaneho.

Tumango ito.

Nang makarating kami sa lugar na sinabi ko sa kanya. Agad akong bumaba ng sasakyan nito at sinabi hintayin na lamang niya ako.

Pumasok ako sa may gusali.. binati ako ni manong guard sa entrance. Nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad papuntang elevator. Nang makasakay at makarating ako sa palapag na sadya ako. Hindi na ako nagdalawang-isip pang pindutin ang button sa may gilid ng pintuan ng unit ng sadya ko.

Ilang minuto din ang nagtagal bago magbukas ang pinto.

"What are you doing here?" Malamig nitong sabi nang mapagbuksan niya ako ng pinto.

Amoy na amoy ko ang alak mula rito..

"Dong.."

"You want me to beg again huh?!" Puno ng hinanakit na sabi nito.

Napakagat-labi ako. Hindi ko siya gustong iwanan nang ganito.

"Just leave.. and never come back.." bumalik ulit ang tingin nito na singlamig ng yelo.

"Edwardo.. mag-usap tayo ng maayos.."  pakiusap ko rito.

Huling pag-uusap namin, nagwala ito halos matakot ang mga tao sa paligid namin.

"Maayos? What are word Marydale?! What do you want me to say huh? That everything will be okay huh? You said you needed time to think, and I gave it to you.. and now this huh?! You are leaving huh!" Singhal nito.

"Dong para ito sa'tin.. para.."

Halos mapalundag ako nang hampasin nito ang pinto ng unit nito.

"Damn! Tell me Marydale, anong para sa atin ang makakabuti? Ang paglayo huh?!"

Nag-umpisang tumulo ang aking mga luha.. umiwas ito ng tingin.

"Umalis ka na kung aalis ka.." malamig nitong sabi.

"Ed.."

Bigla itong pumasok sa loob ng unit nito at pabalibag nitong isinara ang pintuan.

"Dong! Please.."

Kinatok ko ng malakas ang pinto nito. Idinikit ko ang noo ko sa pinto ng unit niya.

"I'm sorry.. magagalit ka oo.. maski naman ako galit ako sa sarili ko.. pero.. kung ang paglayo ko ang natatanging paraan para.. para hindi na ako makasakit pa.. titiisin kong mapalayo sayo.." malakas na sabi ko.

Alam kung imposibleng marinig niya ako mula sa loob pero gusto ko pa ring sabihin ang nilalaman ng puso at isip ko.

"Una palang minahal na kita.. mula noon hanggang ngayon.. mahal na mahal kita.. siguro hindi tayo para sa isa't-isa.. pero masaya akong nakilala at minahal ng sobra.. patawad.. kung nasasaktan kita... kung gaano kasakit sayo Dong.. mas doble ang sa akin.."

Hindi ko alam kung ilang minuto ako nagtagal sa pagtayo sa harap ng unit niya.

Bumaling ako sa katabi ko ng hawakan nito ang kamay ko.

"Hay bakit ba ang hilig mong pahirapan ang sarili mo? Sabihin mo lang bababa tayo agad ng eroplano.." sabi ni Conde.

Umiling ako dito at ngumiti ng tipid..

Bumugtong-hininga ito at niyakap ako.

"Huwag mong piliting magpaka-okay.." bulong nito.


Pa-epz si Totz!

Aw sabaw ulit ng update ko.

Hay may pasok na ulit ako bukas.. 😥

Thanks po ulit ng marami.. pagpasensyahan niyo na ang mga mali-mali ko diyan. Sadyang iyan lang nakayanan ng utak kong kinain na ng zombie.

Lapit na ang ending.. wew!

Spread love..

Spread MayWardnatics..




MAYWARD fanfic: Lihim (completed)Where stories live. Discover now