Lihim 2: Chapter 16- The fight (last part)

Magsimula sa umpisa
                                    

Nakabaon ang mukha nito sa may leeg ko. Nakakarinig pa rin ako ng mga putok.. naririnig ko rin ang pangalan ko sa paligid, ngunit sa isang tao lang ako napatigil, sa taong nakadagan sa'kin.

"Mun.. muntik na 'yon.. bu..buti nalang talaga kam..kambal kami ni the flash.. kilala mo..mo ba 'yon.." nahihirapang sabi nito.

Nanginginig ang buong katawan ko at nanlalamig na rin. Halos di ako makapagsalita..

Nagsimulang nanubig ang aking mga mata..  ramdam na ramdam ko ang malalim nitong hininga na tumatama sa may leeg ko.

"Ta.. tapos na rin sa.. sa wa..wakas ang pag..paghi..hirap mo.. ma..ma..magi..ging masaya ka.. ka na rin.. Sa.. sana.. makita ko.. kung.. kung paano bumalik ang dati mong ngi..ngiti sa.. sa labi.." patuloy nito.

Hindi ko na mapigilang mapaiyak habang naririnig siya.

"Ha.. hayan ka na..naman.. ang pangit na naman ng view.." sabi nito kahit hirap narinig ko pa rin ang mahinang pagtawa nito. "I.. ikaw ang pina.. ka..magan..dang.. pangit na vi..view na nakita sa buong bu..hay ko.."

Nanginginig na yumakap ako dito ng mahigpit. Nakakapa ako ng basa mula sa likuran nito, kahit di ko tignan, alam ko kung ano 'yon.

Naramdaman ko ang pagluwang ng pagkakahawak nito sa ulo ko.

Napahagulgol ako ng wala na akong marinig na salita mula dito.

"Marydale!!" Narinig kong tawag ni Edwardo mula sa kung saan.

Hindi ko siya magawang lingunin dahil sa taong nakadagan sa'kin.

"Do..dong!.. si.. si.. Con..de.." umiiyak na tawag ko kay Edwardo.. "Con.. conde.. Conde.."

Biglang gumaan ang ibabaw.. kita ko ang pag-angat ng katawan ni Conde mula sa'kin kaya mas lalo akong napaiyak.

Hawak ni Edwardo at Paulo ang walang buhay na katawan ni Conde.

Halos hindi ako makatayo habang nakahawak sa paanan ni Conde.

Umiiyak na rin si Paulo habang hawak-hawak nito ang matalik nitong kaibigan.

"Dude, ako nang bahala kay Lu..ke.. si Dale.. buhatin mo. Kailangan nating makaalis dito.." sabi ni Paulo.

Hindi pa natatapos ni Paulo ang sinasabi nito nang walang salitang binuhat ako ni Edwardo.

"Conde.. gising ka.. gumi.. sing ka.." tawag ko pa rin sa kaibigan ko.

"Marydale.."

Huling narinig ko bago ako lumunin ng dilim...














Nagising ako ng puti lahat ng nakikita ko. Pakiramdam ko naulit ang lahat..

Agad akong bumangon at inilibot ang mga mata ko sa paligid..

Tatayo sana ako nang maramdaman kong may nakahawak sa mga kamay ko. Bumaling ako dito at nakita ko ang natutulog na si Edwardo.

Mababakas sa mukha nito ang matinding pagod. Ganun pa rin ang suot nito sa huling kita ko dito bago ako mawalan ng malay.

Napahawak ako sa aking mukha ng may maramdaman akong likido naglandas sa aking pisngi.

Biglang bumalik ang lahat ng nangyari.. tinakpan ko ang bibig ko para hindi makagawa ng anumang ingay.

Bakit lahat ng taong malapit sa'kin napapahamak?

Biglang gumalaw ang kamay ni Edwardo.. napaangat ito ng tingin.

"Marydale.."

Agad itong tumayo at tumabi sa'kin.

MAYWARD fanfic: Lihim (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon