Chapter Forty-Six

12.8K 203 5
                                    


CHAPTER FORTY-SIX

Bibitaw

"What are we going to do today?" Masiglang tanong ko pagkatapos naming magbreakfast.

"Dito lang tayo. May bagyo ngayon." Tinuro niya ang bintana at nakita ko ang madilim na kalangitan at umuulan din.

Tumango ako. Sayang naman, gusto ko pa naman sanang maglibot sa kabilang isla. Sabi kasi ni Tatang ay pwede niya kaming samahan papunta doon at hiramin ang bangka ng kaibigan n'ya.

Tumayo agad ako nang narinig ko na nagpalahaw ng iyak ang baby na nasa sala. Nandon kasi naka set-up ang higaan niya. Wala kasing crib dahil hassle pa pag ibinuhat papunta dito 'yon.

"Baby Myco! Shhh... Gutom kana?" Pag-aalo ko dito.

Hindi namin alam na may isa pa palang baby sina Kuyang Simyo at Ateng Unya. Yun ngang si Baby Myco na ten months pa lang. Wala sina Tatang, Inang, Kuyang, Ateng at ang mga bata dahil ipintawag daw ang mga senior citizen.

Ipina check-up naman ang kambal dahil nagkaroon sila ng lagnat kagabi at isinama na rin nila sa check-up si Myca dahil sinisipon ito. Kami na ang umako sa pag-aalaga kay baby Myco. Tutal wala naman kaming gagawin ngayon.

Ibinigay ko dito ang kanyang feedig bottle na may lamang breastmilk ni Ateng Unya. Inaalalayan ko ang maliliit niyang kamay na humahawak sa bottle n'ya.

"Gutom ka lang pala? Ha? Ha?" Nakangiti kong tanong.

Lumawak naman ang ngiti ni baby Myco.

"Nakuuu... Ngingiti ngiti ka naman ngayon?" Sabi ko pa.

"You are really good with kids." Lumingon ako kay Pierre na nakahalukipkip sa gilid.

"Not really." Sabi ko.

Nang lumingon ako kay Myco ay nagbabadya na anman siyang umiyak.

"Baby what's wrong?" Tanong ko dito nang magsimula na naman siyang umiyak.

Isinubo ko ulit ang feeding bottle sa kanya pero ayaw naman na niyang uminom ng gatas at patuloy lang siya sa pag-iyak. Dinama ko ang diaper niya pero hindi naman siya napupu o naihi.

Binuhat ko siya at marahan na isinayaw para tumigil siya sa pag-iyak pero wala pa rin.

"Ano bang gusto mo, baby?" Nag-aalala kong tanong.

Hindi pa rin siya tumigil at nagpapanic na ako.

"May masakit ba sa'yo?" Pinisil ko ang tiyan n'ya at mga kamay o paa. Pero ganun pa rin naman ang iyak n'ya.

Lumapit na sa akin si Pierre dahil halata na siguro na hindi ko na alam ang gagawin ko. Pero lalong nagpalahaw sa iyak si Myco nang makalapit sa amin si Pierre.

"I don't know what to do." Salubong ko sa kanya.

Inilahad n'ya ang kamay niya na para bang kukunin niya si Myco at kakargahin. Dahil sa taranta ko ay ibinigay ko na din sa kanya.

Namangha naman ako nang pagkabuhat pa lang niya kay Myco ay tumahan na ito. Kita ko kung paano i-baby talk ni Pierre si Myco.

"Ayaw mo kay Ate Claudette? Because you wants to be with me huh?" Pinipigilan kong tumawa dahil sa lambing ng boses niya. I took out my iTouch and took a photo of them.

"You didn't tell me you're good with kids." Panunuya ko at lumapit sa kanila.

Sinamaan naman niya ako ng tingin pero ngumiti pa rin.

Pareho naming nilaro si baby si Baby hanggang sa makatulog ito at dumating sina Inang at iuwi na siya para sila na ang mag-alaga.

Nakaka proud makita ang ibang sides ni Pierre na alam kong madalang naman niyang ihantad sa iba.

Nakita ko ang pagtingin niya sa DLSR niya kaya lumapit ako. Tinitignan pala niya ang mga pictures na kinuha niya kanina lang. Alam ko dahil ako ang laman non at si Myco. Nung isinasayaw ko siya.

Then yung picture naming tatlo nung nilalaro namin si Myco at buhat siya ni Pierre. Naka set-up siguro ang camera kaya nakuhanan ito.

Kinuhanan ko ang screen ng camera niya dahil gusto ko din ang picture na 'yon. Will we be like that someday? Like a happy family? I hope so.

It is near evening but it's still raining outside. Linapitan ko si Pierre na nakatingin lang sa bintana at pinapanuod ang pag-ulan.

"Hey." Tinawag ko siya.

He turn his head to me and flash a gauzy smile. Hinila niya ako at niyakap ng mahigpit. Sa sobrang higpit ay naalala ko tuloy yung oras na sinabi niya sa akin na mahal niya ako.

Nanlamig ang buong sistema ko. Why do I feel there's something wrong?

"Hey, what's wrong?" Tanong ko.

Ngumiti lang siya at umiling. "Nothing."

He says nothing but I can sense there is. May kumatok sa pinto at pareho kaming napalingon doon. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko nang magtagal ang katok sa pinto.

Nagkatinginan kami. I could guess what's happening now. I can see it in his eyes. Bumitaw ako kahit mahigpit pa ang hawak niya at dahan dahan akong lumapit sa pinto at hinawakan ang door knob.

"Bibitaw kana?" I slowly turned my head to him.

Unsure feelings filled his eyes. Unti-unti akong ngumiti at umiling. "Never." I said and open the door.

Bumungad sa akin ang mga naka kulay itim na lalaki at agad nilang hinawakan ang papalag pa sanang si Pierre.

"Kuya!" Niyakap ako ni Kuya Knoxx at nakita ko ang mangiyak ngiyak na si Mommy na siyang humigit din sa akin sa yakap.

Bumitaw ako at nakita ko ang panduduro ni Dad sa walang emosyon na si Pierre.

"Halika na." Sabi ni Mommy.

Iginiya ako ni Kuya palabas pero ang paningin ko ay nakay Pierre lang.

"Mom, no. Hindi ko siya iiwan." Sabi ko pero hindi nila ako pinapakinggan.

"Kuya!" He didn't answered and they keep dragging me.

"Mom! Kuya! Ano ba!" I felt the tears runs down on my face.

Pilit nila akong pinapasok sa van at nilock 'yon. Mahigpit ang hawak sa akin ni Kuya. Huling pumasok si Dad at pinandar na nila ang sasakyan.

Nanlaki ang mata ko nang lumabas si Pierre at hinabol ang van na sinasakyan namin. Kitang kita ko ang pagragasa ng tubig ulan sa kanya.

"Pierre!" Kinalampag ko ang bintana at sinubukang buksan ang pinto pero naka lock ito.

"Kuya! Ihinto n'yo ang sasakyan!" Sigaw ko kahit alam kong hindi nila 'yon gagawin.

"Let me get out!" I wailed.

"Pierre..." Humikbi ako nang hindi ko na siya makita pa.

Hindi ako bibitaw. Sinabi ko sa kanya 'yon. Kahit anong mangyari hindi ako bibitaw.


To LastWhere stories live. Discover now