Chapter Thirty-Eight

12.2K 199 0
                                    

CHAPTER THIRTY-EIGHT

I'm sorry

Mom told us to shut our phone down but I didn't. Naramdaman kong nagvibrate ito kaya pumunta pa ako sa sulok bago sagutin.

"Hello?" Sabi ko sa kabilang linya. Unknwon number ito.

Matagal ito bago sumagot at ilang buntong hininga ang pinakawalan niya at tila ba nahihirapan siya sa kung ano kaya lalong ako nag-alala.Kilala ko na kung sino ito at sabik na sabik na akong itanong ang mga gumugulo sa utak ko. "Pierre? What's the problem?" Tanong ko.

"I, uh, I'm here at the airport. Babalik ako ng Cagayan de Oro." Tinignan ko ang wrist watch ko at four-thirty p.m na doon.

"Huh? Sinong kasama mo? Kapatid mo at mga pinsan ko?" Kumalabog ang puso ko dahil nararamdaman kong hindi maganda ang dahilan na sasabihin niya.

" I'm alone. I... ran away." My jaw dropped. Hindi ako nakapagsalita ng ilang Segundo.

"What-Why? Anong problema?" I asked.

Isang buntong hininga ulit ang nadinig ko. "Please don't tell anyone. Ikaw lang ang pinagsabihan ko because I don't want you to be worried about me."

" Asan ka na ba?" Tanong ko.

"Papasok na ako ng eroplano." Aniya.

"I'm going to pick you up." I volunteered.

"No, no, no. I'm okay." Wika niya.

"No, Pierre. I'm going with you. Sasamahan kita. You'll explain to me what happened." Giit ko.

"You don't need to. I can take care of myself. Magagalit ang parents mo pag umalis ka sa camping n'yo. They'll get worried. Paano pa ang pagpunta mo sa Laguindingan? I'm sure they won't let you go..." Nahihirapan na sambit niya.

Umiling ako. "I'll find a way. I want to hear your problems." And I want to ask something too. Sabi ko bago pinatay ang tawag.

Nahirapan akong tumakas sa paningin nila mom, dad at kuya. Nagkaroon lang ako ng paraan nung sabihin ko na magpapahangin muna ako saglit pero dala ko na ang backpack ko.

Nang makalayo ako ay lumabas agad ako para pumara ng taxi. Isang oras ang itatagal ng byahe ko papuntang airport at kalahating oras lang ang kay Pierre dahil eroplano naman 'yon.

Naghintay ako sa departure at nakita ko siya na nasa tenga ang cellphone niya at halatang may Tinatawagan.

Kakaway na sana ako sa kanya nang mag ring ang cellphone ko at si Pierre ang tumatawag.

"Hello? I'm here Pierre. Sa kaliwa..." Sabi ko agad at nakita din naman niya ako.

He rushed his walk towards me at agad niya akong kinulong sa mahigpit na yakap niya.

"What happened?" Marahan kong tanong noong maghiwalay kami.

Hindi siya sumagot at tinitigan lang niya ako. Hindi ko makita ang mga mata niya dahil sa wayfarers nitong suot. Ang malaking backpack na dala niya at simpleng suot na pang alis ay nagpatunay na naglayas nga siya.

"Pierre?" Tawag ko ulit.

"I need to find a place to stay..." Aniya. "A hotel perhaps."

Bago pa ako makapagsalita ay nagring ang cellphone ko at nakita ko ang tawag ni mommy. Agad kong pinatay ang cellphone ko para hindi nila ako makulit at matrack kung nasaan man ako.

"Why did you ran away?" Tanong ko ulit.

Yumuko siya at umiling. "I'll explain it later."

"Don't check in sa hotel. Mahahanap ka don agad. I have an idea..." Hinigit ko siya at sumakay kami ng taxi. Wala siyang imik at mahigpit lang ang hawak niya sa kamay ko. Kumakalabog pa rin ang puso ko pero hindi ko iyon pinatutuunan ng pansin.

Sa totoo lamang ay wala pa akong idea. Marami ang naisip ko, sa bahay namin sa Balingasag o di kaya pumunta kaming Bukidnon o Cebu. Pero hindi kami pwedeng magtravel dahil matra track din nila 'yon so we ended up sa Balingasag. Hindi nila aakalain na nandon lang kami.

"Si kuya Knoxx lang ang pumupunta dito. I can talk to him na huwag sasabihin kahit kanino." Hinigit ko siya papasok sa bahay pero nanatili lang siya. Tinanggal niya ang kanyang wayfarers at nakita ko ang emosyon ng mata niya. Confused.

"I don't think it's a better idea." Nagdadalawag isip na sabi niya.

"Why? C'mon in! Give me your phone and I'll call kuya Knoxx." Pumasok kami at pinaupo ko muna siya sa sofa. Binigay niya sa akin ang phone niya na bagong bili lang yata niya.

Agad kong di nial ang number ni kuya Knoxx at makalipas ang limang ring ay sumagot na din siya.

"Who's this?" Matigas na sabi niya.

"Kuya..."

"Damnit Dette! Where are you? Tumawag sina dad at nawawala ka raw!" Sunod sunod na wika niya.

Bumuntong hininga ako at nilingon ko si Pierre na nakatulala lang. "I have a problem. Asa CDO lang ako kuya, please tell them not to worry—"

"They are worried! Hinahanap ka na! I'm looking for you too!"

Kinagat ko ang labi ko. "Kuya, I'm with Pierre."

"What? Did you two ran away?" Histerya niya.

"No! I'm helping him. May problema siya. Now can please cover for me? Tell them na maayos ako."

Ilang singhap ang narinig ko. "Where are you?"

"Kuya, please don't tell them. Nasa Balingasag ako, sa bahay dito. Dito ko siya dinala para hindi siya makita ng mga Tys. Kuya please... may problema siya and I'm helping him. Can you please help me too?" Paki usap ko.

Bumuntong hininga siya. "Umuwi ka rin bukas."

"Yes. I will. Thank you." Sabi ko at ibinaba ang tawag.

"Now, tell me what's the problem?" Hinarap ko si Pierre ngayon at tumabi ako sa kanya.

Sa halip na sagutin niya muna ang tanong ko ay yakap na anman ang natanggap ko.

"I'm sorry..."Bulong niya. I froze at the moment. Nahirapan ako magsalita kaya hinayaan ko lang siya na yakapin ako ng mahigpit pa kahit hindi ko na maigalaw ang kamay ko para tanggapin ang yakap niya.

"I'm so sorry.." Dagdag niya. Nang gigilid na ang luha ko pero wala pa rin akong mahanap na salita na sasabihin sa kanya. So was I true? Yung mga sinabi ng Ahma n'ya?


To LastWhere stories live. Discover now