Chapter Eight

18.4K 275 3
                                    


CHAPTER EIGHT

Plan

Matapos kong maihatid si Erin sa suite namin ay nakatanggap ako ng tawag ilang minuto ang lumipas ng maligo ulit ako because I feel so sticky. I can't sleep if I feel dirty so I wash once again. Kakatapos lang ng debut ni Klare.

Nag ring ang cellphone ko at sinagot ko agad nang makitang si Chanel ang tumatawag. Lumabas yata sila kasama ng boys para pumunta pa sa isang party.

"Dette! Oh shit." Naririnig ko ang nerbyos sa boses niya. Lumayo ako sa kama ni Erin para hindi ko siya maabala sa pagtulog.

"What happened Chanel?" Nag-aalala kong tanong.

"Dette! Azi and Elijah got into car accident! Sinugod sila sa ospital ngayon!" Holy! Namutla agad ako at hindi nakapag-salita. Dinig na dinig ko ang boses ni Rafael sa kabilang linya. Nag-uusap sila at hindi ko maintindihan iyon. Wala akong maintindihan ngayon. Para akong naparalisa.

"Iyong fortuner niyo ang ginamit at wasak raw ang harapan. Azrael drove while he's super drunk while Elijah's asleep in the front seat." Halos magmadali akong puntahan ang kwarto kung saan naroroon ang mga kaibigan namin para hatakin si Klare papunta sa ospital na tinext ni Chanel.

Pumasok ako at dirediretso lang ako sa pwesto ni Klare not minding the eyes of our friends that's darting on me right now. Siguro ay para na ako bangkay sa kaputlaan kaya pinagtitinginan nila.

"Klare, talk to you for a sec." Sabi ko habang tumatawa sila ngayon. Hindi ko tuloy alam kung narinig ba ako ni Klare. Thank God at tumayo siya at sumama sa akin sa labas ng kwarto. Nasa hallway kami at walang tao.

"Bakit? Anong nangyari kay Erin?" Tanong niya. Umiling ako.

"Not Erin, Klare. Chanel called, naaksidente si Azi at Elijah. Wasak ang harapan ng Fortuner ni Azi. Si Azi ang nagdri-drive, si Elijah ang nasa front seat. Nasa hospital sila ngayon." Diretsang sabi ko at nagpasalamt dahil hindi ako nautal. Gaya ng reaksyon ko ay naging ganoon rin siya for a while.

Hinila ko na siya agad pababa para makapagtaxi papunta ron at sa daan ay pinagdadasal ko na sana ay okay lang ang kapatid ko at si Elijah. Nanlalamig parin ako ngayon at ganon din si Klare.

"Anong sabi? Kailangan daw ba ng blood transfusion or anything?" Tanong niya ng habang nasa loob kami ng sasakyan. Hindi ako makasagot sa mga tanong niya. Ang nasa isip ko lang ngayon ay kung ano ba talaga ang lagay na nila.

Mayat maya ang sulyap ko sa cellphone dahil nag-aabang ako ng updates at text nila Mommy. "Ewan ko." Yan lang ang tangi kong naisagot.

"Hindi ba type O si Azi? Pati si Elijah? Type O din ako." Aniya. Oh God! I can't answer her right now. Sobra ang kaba ko.

Alanganin ko pang sinagot ang tawag ni Mommy dahil natatakot ako sa maaring masamang balita na marinig.

"Mom, kumusta?" Napapikit ako.

"Ang Kuya Azrael mo ay nasa ospital! Kasama niya si Elijah. Pasa lang ang sa pinsan mo pero nabalian si Azrael at duguan.Nasa ER sila pareho. Tumama ang sasakyan sa puno sa Lim Ket Kai. Nagdrive daw ng lasing ang Kuya mo at galit na galit ang Dad niyo. Asan ka? You're still in the Hotel?" Napaawang ang bibig ko. Nabalian si Kuya at puro dugo pa?

"Kasama ko si Klare papunta kami sa ospital. Pababa na ng taxi." Luminga ako at malapit na nga kami sa entrance. Ibinaba ko na ang tawag at bumaling ako kay Klare na bakas pa rin ang pag-aalala sa mukha.

"Klare, tumama yung sasakyan namin sa puno sa Lim Ket Kai." Napakagat ako sa labi at ayaw ko sanang pag-alalahanin pa siya lalo pa't birthday niya. "Nasa ER parin sila hanggang ngayon."

To LastWhere stories live. Discover now