Chapter Four

21.3K 319 8
                                    


CHAPTER FOUR

Thought

Knowing that he's Hendrix Ty's brother satisfied me. Gusto ko lang naman talagang malaman kung kaano-ano niya si Hendrix. Hindi maipagkakailang pareho sila ng kapatid n'ya. They are both intimidating even they're only looking at you.


Ipinilig ko sa utak ko ang usaping ito. I should dig it deeper. Para hindi na tumubo ulit at sumulpot sa utak ko ng paulit-ulit.


"Hey Clau. Nakapili kana?" Linapitan ako ni Spike. Nandito kami sa National Bookstore.


"Yup. This book." Pinakita ko sa kanya ang pocketbook na binili ko bilang regalo sa birthday ni Klare. Tumango siya at nagprisinta na siya nalang ang pipila sa counter. Binigay ko sa kanya ang libro, ready-made gift bag at ang pambili.


He insisted na s'ya nalang ang magbabayad pero tumanggi ako.


"It's my gift for Klare.I'll let you pay when it's for me." Hindi na siya nagsalita kaya sinamantala ko na na umalis sa pila at hintayin nalang siya sa labas.


Hindi rin nagtaggal ay lumabas narin s'ya. Nagpunta kami sa parking lot at nagulat ako nang siya nalang ang naroroon.


"You're going to drive?" Nanlalaking matang tanong ko. Ngumisi s'ya. Pinauwi siguro niya ang driver niila. Oh my god! What if we'll get into an accident?


"Chill. I got this." Aniya at pinagbuksan pa ako sa front seat. Halos hindi ako humihinga sa twenty minutes namin byahe patungo sa Dynasty Court.


"T-Thanks." Namumutla na siguro ako ngayon.


"Anything for you." Aniya at kumindat. Dali-dali ako luminga pakanan at pakaliwa. Nag-iingat ako dahil baka may makakita sa akin na kapatid ko o pinsan kong lalaki.


Nakatanggap pa ako ng mga text galing lahat kay Kuya Azi, asking if where am I.


Hindi ko na s'ya nireplayan dahil nandito narin naman ako. Nakita ko agad si Elijah at Kuya Azrael na nag-uusap.


"I'm here!" Hinihingal ako habang papunta sa kanila. Winagayway ko ang regalo ko. Tumingin din ako sa likod dahil baka nakita nila ang sasakyan nina Spike. Iitinuon ko ulit ang pansin ko sa kanila.


"Anong binili mo para sa kanya? At bakit ka namumutla?" Kita ko sa mukha ni Kuya Azrael ang pag-aalala. Shit! Halata ba talaga ang pamumutla ko?


"I...uhm...libro ang ibibigay ko. Love story." Bumaling naman sa akin si Erin. Nauutal ako dala siguro ng pagkaputla ko.


"Sinong writer?" Tanong ni Erin. Writer? Hindi ko alam. Basta't dinampot ko nalang ito sa shelf nang makita kong love story.


"Ohh... Those steamy hot love scenes na naman." Binalingan ko si Kuya at nakita ko iyong mukha niyang papikit-pikit pa.


"Ikaw,Azrael,ewan ko kung saan mo nakukuha ang mga ideya mong iyan.Pag libro ba na love story kama agad ang naiisip mo?" Masama ang tingin ni Erin kay Kuya Azi habang inaayos n'ya ang laptop niya.



"Of course! Page one hundred and fourteen, excrepts from God knows what book, 'He licked my lips and I shrudder. He grabbed me by the waist and forcefully backed me into the wall kissing me—" With feelings pa ang pagkakasabi ni Kuya 'non kaya siguro galing sa pamumutla ay pulang-pula na ako sa inis ngayon.


"TF 'to Kuya.Shut up!" Mariin kong naipikit ang mata ko.

"What's TF? The Fuck?" Tanong pa ni Kuya kaya napa-irap na ako at napahalimukos sa mukha ko.

"Teen Fiction. Goodness! Ewan ko sa'yo!" Inirapan ko pa si Kuya at tuloy tuloy na ang pasok ko sa venue.


Nakita ko agad sa venue ang mga magulang namin na magkakasama habang kumakain. Ang pinsan kong si Charles lang ang naroon sa table ng parents namin. Nagmano ako isa-isa sa kanila at agad ko nang binalingan ang dagat ng tao na pawang mga classmate at kaibigan namin.


Pinaliit ko ang mata ko para mahanap si Klare pero si Chanel ang una kong namataan na kausap ang kanyang boyfriend. Nasa table rin nila si Kuya Knoxx at Damon.


Habang tanaw ko naman si Josiah na iniiterview yata ang bago naming classmate na si Hannah. Kitang-kita ko naman ang pagningning ng mata ni Julia habang nakatingin kay Josiah.


I'm glad that my cousins aren't hitting on my friends. Julia and Liza? They know my cousins and their natural hobby, kaya sana pag sila naman ang pinormahan ng mga unggoy kong pinsan ay iturn-down nila dahil masasaktan lang sila sa huli.


"Claudette!" Tinawag ako ni Liza nang mapansin ako. Ngumiti ako sa kanya. Linapitan n'ya ako.

"Nakita mo na ba si Klare?" Tanong ko nang makalapit s'ya. Luminga-linga siya at nagkibit balikat.

"Nandito lang 'yon kanina e, Oh! That's her!" Tinuro niya si Klare na kasama na si Erin ngayon at nagbigay na ng regalo. Nagpasalamat ako kay Liza at dumiretso na kay Klare.

"Happy Birthday Klare." Bati ko sa kanya at nagyakapan kami at nagbeso.

"Thanks Clau!" Ngumiti siya at lalong nadepina ang pagkamedyo masingkit ng mata niya. Binigay ko narin sa kanya ang regalo ko.


Nakatanggap ako kay Spike ng text. Asking if I am okay. Nagreply naman ako na okay lang ako.


"Where the hell you are from?" Linapitan ako ni Kuya Knoxx matapos nilang batiin si Klare. Kumakain ako kasama sina Chanel.

"NBS Kuya." Tipid kong sagot.

"You are with that boy again." Kuya said while looking seriously at me.

"Kuya, we are friends." Umirap ako at umismid naman siya.

"Of course! Magkaibigan ang nagliligawan." Sarcastic niyang sagot.

"Kuya, he's kind." Pagtatangol ko pa. But knowing Kuya Knoxx? He'll not stop if you didn't get his point.

"He's a jerk, Dette. Jerker than I am! Than Azrael! I'm saying this because I know how he moves." Mas lumapit sa akin si Kuya para hindi marinig ng mga pinsan ko ang pinag-uusapan namin.

Abala ngayon si Kuya Azrael na tinititigan si Hannah habang nakikipag-usap kay Damon at Josiah.

"Do you like him already?" Kumunot ang noo ko. Did I already like him? All I know is we're friends.

"Kuya..." Nagtaas siya ng kilay at Tinantanan na ako. Nakahilig na siya sa upuan niya habang sumisimsim ng softdrinks niya.

"I thought you like that 'Ty'." Aniya out of the blue. Pero hindi siya nakatingin sa akin. Nakatingin lang siya sa in-can softdrinks lang niya. A-Anong? Paano ba niya naco-conclude na may gusto nga ako sa kapatid ni Hendrix Ty? Kung sa sarili ko hindi ko mapinpoint iyong totoo. Napabuga nalang ako sa hangin.

To LastWhere stories live. Discover now