Chapter Nineteen

18.1K 269 8
                                    


CHAPTER NINETEEN

Friends

Nang magkita na naman kami sa isang restaurant ay hindi ko na pinagkaabalahang tignan si Pierre. Hanggang ngayon ay hindi ko maalis sa isip ang konting pagtatalo namin kanina.

Iyon na siguro ang pinakamahabang palitan namin ng salita sa personal. Nalungkot ako bigla, mahaba nga pero iritado naman kaming dalawa.

Sunod na punta namin ay sa Ardent. Naunang umalis ang mga Ty at sumunod din naman kami. Mabilis lang ang naging byahe dahil hapon na. Alam kong pagod na silang lahat pero nagkakayaan pa rin na magsaya sa hotsprings.

Sa isang lagoon lang kami nina Brian, Chanel, Silver at ako. Nakita ko na anag-uusap ang magkasintahan sa gilid kaya hindi namin iniistorbo. Tahimik lang akong nakatitig sa tubig at nagpapasalmat ako dahil hindi ako kinikibo ni Silver. Alam niya sigurong badtrip ako.

"'I'll just go there. Sama ka?" Tanong niya nang Tinawag siya sa malayong lagoon ng mga kaibigan. Umiling ako.

"You sure? You fine here?" Tanong niya at tumango naman ako. Hindi nagtagal ay naramdaman ko na may bagong dating sa lagoon. Nag-angat ako ng tingin at ikinagulat na titig ni Pierre ang sumalubong sa tingin ko.

God! Why they are here? Luminga-linga ako at nakitang over crowded ang ibang lagoon at ito ang may pinaka konting tao.

Okay. I'll just pretend that they are ghost. Narinig ko na may tumawag kay Hendrix Ty na kakilala sa lagoon nina Silver. Agad naman tumalima ito at umalis. Ang akala ko ay pati si Pierre ay aalis ay nagkamali ako. Nilinga ko si Brian at Chanel na masayang nagkwe-kwentuhan sa gilid na para bang wala silang pakialam na may nanunuod sa kanila.

"Oh girl, you also know to play that thing?" Narinig ko ang sigaw ni Pierre sa gilid. Nakita ko si Kuya Azrael at Klare. Nag gigitara si Klare habang pinanunuod siya ni Kuya Azrael. Ni hindi naman naTinag sina Chanel sa sigaw ni Pierre. Patuloy pa rin silang nag-uusap.

Nilaro laro ko ang mainit na tubig ng lagoon gamit ang kamay ko. Pag-ahon ko dito ay paniguradong manlalamig ako. Naka puting two piece pa naman ako. Kahit nararamdaman ko ang mga titig niya at bigla akong naging conscious.

"Hey..." Pumikit ako ng mariin at baka nag-iilusyon lang ako na nagsalita siya. Ngunit nararamdaman ko na unti-unti siyang lumalapit sa kinaroroonan ko.

"Claudette." Kinagat ko ang labi ko. The way he called my name sends shivers to my spine.

Nag-angat ako ng tingin. His eyes locked into mine. Naka-awang ang bibig niya habang nagkakatitigan kami.

"I-I'm sorry about earlier." He said. Hindi ako sumagot dahil may hinihintay pa akong idugtong niya.

"And for not replying." He added. I sighed. Umiling na lang ako at nagpilit ng ngiti.

"Hindi kami ni Silver." Napayuko siya bago marahang tumnago.

"I know.Still, I'm sorry." Aniya.

"Why didn't you reply on my text? Why do you unfollow me on Twitter?" Sunod sunod kong tanong. Nakitang bumuntong hininga siya at nag igting ang panga.

Akala ko magagalit na naman siya pero nagbago agad iyon at napalitan ng malambot na expresyon. "I'm sorry. I'm just..." Aniya. Paulit ulit siyang nagso sorry pero hindi naman niya sinasabi ang dahilan. Hinihintay ko ang idudugtong niya pero wala akong nahintay pa.

"I thought we're already friends. Pero bigla ka na lang hindi nagparamdam." Malamig kong sabi. Hindi ako palasumbat na tao pero bigla biglaan na lang ako nag burst out ng sama ng loob ko sa kanya.

To LastWhere stories live. Discover now