Chapter Five

20.2K 309 7
                                    


CHAPTER FIVE

Wait

Nagkatampuhan kami ni Spike because he asked me to be his girlfriend but I'm not ready yet. Yes, I like him already but I guess I need more time. Isa pa nag-aaral pa lang ako ng high school and I have no idea about love and relationships. He got pissed nang wala akong maisagot sa kanya at sabi niya ay aalis na lang daw siya kung hindi ko naman kaya pang magcommit. Sabi niya baka pinapaasa ko lang daw siya.

Araw iyon ng semi-finals para sa basketball tournament. Nanalo ang Knights, team ng mga pinsan ko. I feel bad for Spike dahil natalo sila ng mga pinsan ko. Pinagmasadan ko siyang malungkot na binubuhat ang gym bag niya at umiiwas sa mga players na nagsasaya.

Ang alam ko ay may after party na gaganapin ang school namin para kina Elijah. I'm sure Spike will be with him. I want to talk to him. I need to clear things out.

"Tara Rin, Klare. Clau?" Tumayo si Chanel at sumunod ang mga pinsan kong babae. Nagtungo sila sa mga nanalong pinsan namin at isa-isang binate ang mga ito.

Tahimik ko lang silang pinagmasdan habang nagkakantyawan at nagtatawanan. Hinintay kong matapos 'yon para maka-usap si Elijah.

"Nakita mo 'yon Dette? I smashed your pet. He's stiff!" Tumawa si Kuya nang inakbayan ako. Tumalim ang titig ko sa kanya dahil sa mga sinabi niya patungkol kay Spike. Kahit kalian mahangin talaga si Kuya Azrael.

"There's after party. Sunod na tayo." Tinanguhan lang ni Kuya si Damon. Binalingan niya ulit ako.

"Stop seeing him." Seryoso niyang sinabi. Inalis ko ang pagkakaakbay niya sa akin.

"Stop being sooo mahangin muna, Kuya." Tinalikuran ko siya para hanapin si Elijah na nawala na sa paningin ko.

"Tss. Kanino ka ba sasabay?" Pahabol niyang tanong kaya napalingon ako.

"Elijah." Simpleng sagot ko at tumango na siya.

Natagpuan ko siya patalikod at medyo palayo na kaya Tinawag ko siya. Lumingon naman siya sa direksyon ko at tumigil. Hinintay niya akong makalapit sa kanya. Hinihingal pa ako.

"Uhm, k-kasama mo si Spike, diba?" Iniwasan ko ang mapanuri niyang tingin.

"Yup, Dette. Sasabay ako sa kanya. He's using tito's car illegally." Hindi na ako nabigla don. Lagi naman eh. Tumango nalang ako sa kanya.

"Well, pwedeng sumabay?" Alanganin kong tanong. Elijah was stunned.

"Hindi ba kayo kukunin ni Knoxx?" Nanliliit ang mga mata niya. Hindi na siguro pupunta si Kuya dito at baka diretso na siya sa lugar. Azi can hop in to Rafael's.

Umiling ako. "Gusto kong sumabay kay Spike."

I know I'm straight forward many times. Tinuruan akong maging ganito ni Mommy.

Ilang segundo siyang hindi nakasagot at pinagmasdan lang ako at lumingon siya sa kinaroroonan nila Kuya Azrael.

"Okay." Sagot niya at nagpatiuna kaya naman sumunod nalang ako.

Nakita ko agad ang sasakyan nila Spike. Binuksan niya ang window ng front seat at tinignan ako ng diretso sa mata.

"Someone's lost." Aniya. Tumikhin nalang ako.

"Spike, sa front seat na siya. Dito na lang ako sa likod. Drive safely. Ibaba natin siya sa bahay nina coach. Papunta don sina Azrael."

Nilingon ko si Elijah at naramdaman ko naman ang pagbukas mula sa loob ng pintuan nong front seat. Uminit ang pisngi ko habang dahan dahang pumapasok. Pinagpapawisan ako ng malamig ngayon kahit mainit ang klima.

To LastOù les histoires vivent. Découvrez maintenant