Chapter Forty-Five

13.6K 211 6
                                    

CHAPTER FORTY-FIVE

Promise

Iniwan kami ng mga bata pagkatapos ng kasal kasalan. Pareho naming hinintay ni Pierre ang paglubog ng araw habang nakaupo kami sa upuang gawa sa kahoy na naroroon sa kubo.

Nakasandal ako sa dibdib niya at pareho kaming nakatingin sa kulay kahel na kalangitan. Nararamdaman ko ang pagpisil niya sa kamay ko at ang pagtrace niya sa singsing na ibinigay niya.

"Today's December 27. I'll never forget this day, the day we got married in our heart and I'll mark this day too because this will also be the date we'll get married in front of the Lord." Napangiti ako sa sinabi n'ya.

I hope so too Pierre. Umaasa akong tayong pa rin hanggang sa dulo kahit na alam nating marami pa tayong pagdadaanan.

Ganoon ulit ang naging routine namin noong gabi. Kasabay namin ang pamilya nina Inang at masiglang kwento ng kwento sina Lyra at Myca nang nangyari kanina.

Alas diez na rin kaming natulog dahil nakipaglaro pa sa amin ang mga walang kapaguran na bata. Si Lyro ang unang na-knock out dahil nakatulog na ito sa pagod habang ang dalawang babae ay hyper pa rin.

Umaga ay nadatnan ko si Pierre sa may veranda at kaharap ang laptop niya.

"What's that?" Turo ko. It was an app, I dunno, but it was like for video editing.

"That... is our wedding." Tumawa siya. Lumapit ako para mapanuod ko at ang galing ng pagkaka edit niya sa video na kinuha nung bata.

Kinuha ko rin sa gilid ang DLSR n'ya at tinignan ang mga kuha niya. Marami sa mga 'yon ay mga scenery nang lugar na napuntahan na siguro n'ya. Hindi ko alam na may talent pala si Pierre sa photography. Ang galing kasi ng pagkakakuha niya lalo na doon sa sunset na sa Samal yata. Pati yung isa pa na paglipad ng mga ibon sa langit habang papalitaw pa lang ang araw.

"Hindi ko alam na hobby mo rin pala 'to." Sabi ko.

"You can say that." Ngumuso siya at natawa ako.

"I don't know much about you. Yung mga hobbies mo... and such."

He frowned. "You don't need to know all infos about me."

"Pero bakit? Kasi ako, parang kilalang kilala mo ako e."

He smirked. "Hindi ka naman mahirap kilalanin. And everything about you is simple."

Umismid ako. " Wala naman kasi akong ibang alam gawin. You see... Mababaw lang ang mga hobby ko. Kpop, baking... yun lang ang magaling ako. I'm not like you na magaling sa lahat."

Tumawa siya. "Is that what you think of me? Claudette, I'm not good at everything. Hindi ako magaling sumayaw unlike my sister Klare. And I didn't love numbers as much as Kuya does."

"Tell me all about your good at then..." Hamon ko.

"You really want that? There's only one I know I'm good at..." He said.

"Ano nga?"

"Loving you." He smiled devilishly.

Humirit na naman! Bibihira lang yata ang mga taong nakakakita sa corny side ni Pierre Angelo Ty at nagpapasalamat akong isa ako doon sa mga 'yon.

Lumabas kami ng alas syete at dahil malalaki ang alon ay nagsurf siya. May surf board pala siyang naka imbak sa bahay na ito. Pumalakpak akong dahil smooth na smooth niyang sinabayan ang alon na para bang matagal na silang magkakilala kaya nakakasabay siya dito ng maayos.

"Can you teach me how to surf?" Sabi ko nang nagsawa yata siya sa pakikipagsabayan kay kaibigang alon. Ayos naman siguro ang suot ko di ba? Spaghetti strap at shorts. Walang akong bikini e.

"No." Agaran niyang sagot.

Kumunot ang noo ko. "Why?"

"It's dangerous." Dahilan n'ya.

"Everything has danger!" Palatak ko.

"Tss." Nagsungit siya pero napilit ko rin naman.

Sa unang subok ko nang napagtanto ni Pierre na kaya ko na ay tumagal naman ako ng 3 seconds na nakatayo.

Kahit may life vest naman ako na hiniram namin sa desk kanina ay sinundan pa rin niya ako gamit ang board na hiniram din niya sa desk.

"You beat Klare's record sa una niyang subok." Salubong n'ya. "Her record was two seconds. Ikaw five."

"Really?" Namangha ako. "I'm just lucky."

"No. Magaling ka. Isa pa, ako nagturo sa'yo e." Winisikan ko siya ng tubig.

"Yabang!" Biro ko.

Kumain kami ng Lunch kasama ang buong staff ng tagabantay ng lugar. Alas kwarto nang maglakad lakad naman kami sa shore at tuwang tuwa ako dahil hindi pino ang sand nila kaya nakakakiliti sa paa.

May dala siyang gitara na hiniram daw niya kay Tatang Minyong. Marunong rin pala siyang magitara?

Ang dahilan, alam mo na

Kahit ano pang sabihin nila

Tayong dalawa lamang ang makakaalam

Ngunit ako ngayo'y naguguluhan

Naabutan kong linya ng kantang kinakanta n'ya.

Makikinig ba ako

Sa aking isip na dati pa namang magulo?

O iindak na lamang

Sa tibok ng puso mo

Diretso lamang ang tingin niya sa dagat habang ako naman ay nakangiting pinagmamasdan ang pagstrum niya sa gitara at ang pakikinig sa malamyos niyang tinig. Tama nga ako, maganda ang boses n'ya pag kumanta.

At aasahan ko na lamang bang

Hindi mo aapakan ang aking mga paa

Pipikit na lamang at mag-sasayaw

Habang nanonood siya...

Pumalakpak ako ng ilang segundo nang hindi na niya dinugtungan ang kanta. Nag-angat naman siya ng tingin sa akin at umupo ako sa tabi niya. Inilapag niya ang gitara sa gilid.

"You know how to play guitar and sing? Really? Ano pa bang alam mong gawin. You keep surprising me." Ngumiti ako.

"I love surprising you." Tumawa siya.

Nakahilig na ako sa dibdib n'ya ngayon at gaya kahapon ay narito ulit kami para pagmasdan ang paglubog ng araw.

Ang huni ng alon sa dagat at ibon sa langit lamang ang naririnig ko. Kulay kahel na ang kulay ng kalangitan at nagbabadya ng magpaalam si haring araw.

"I wish I wouldn't make you confuse." Bulong niya sa tenga ko.

"I don't know what future holds, but I want you to be part of it. All of what we had done, I wish it will stays in our heart and we'll never forget that. Do you know how what I feel right now?" Tanong niya.

Nakapulupot sa beywang ko ang mga kamay niya at hawak nito ang kamay ko kung saan naroroon ang singsing.

"It was a mixture of bliss and fervor. I want that to last. I want us to last. I want our feelings to last forever. " He planted small kisses in my hair and forehead.

"It will. I'll make sure it will last forever."

We don't know what we're going to face tomorrow but I compromised that. Kahit anong mangyari ay hindi ko bibitawan ang kamay n'ya. Kasama niya akong iindak at haharap sa mga problemang kakaharapin namin once na umalis kami sa paraisong ito.

And everytime I'll witness a sunset will remind me of him and our promise.


To LastWhere stories live. Discover now