Chapter Twenty-Five

16.5K 245 0
                                    


CHAPTER TWENTY-FIVE

Someone else

Nandito ako sa malapit sa isang exit para antabayan sila Klare at Elijah na naguusap ngayon matapos sumugod ni Elijah upang kunin si Klare na kasayaw ni Vaughn kanina.

"Claudette..." Lumingon ako kay sa tumawag ng pangalan ko at napatras nang makita kong si Silver iyon.

"Claudette, I'm sorry... Please forgive me." His voice breaks. Papaluha na ang mga mata niya pero wala akong maisagot.

"Please? I'll start again for you. Huwag mo lang akong kagalitan at iwasan." Lumapit siya sa akin at hinawakan ang mga braso ko. I shove his hands off but I couldn't. Pula na ang mga mata niya at muhkang nakainom siya.

"Silver you're drunk. Let me go!" Nagpumiglas pa ako pero mahigpit ang hawak niya. Shit! Tinanaw ko ang mga pinsan ko pero busy sila sa mga kausap nila.

"Claudette, one chance. Please give me one chance." Aniya.

"Silver nasasaktan ako!" Sigaw ko.

"Please Claudette." Patuoy ang pagsusumamo niya pero hindi ko ito iniitindi ngayon. Ang mga braso kong masakit na dahil sa hawak niya ang importante sa akin.

"Silver lasing kana at bitawan mo ang braso ko—" Someone pulled Silver away from me. Dali dali niya akong iginiya palayo sa party hanggang nandito na kami sa tapat ng sasakyan niya.

He held my arms at ininspeksyon iyon. I was just there and too stunned because he's here. Pinagmamasadan ko lang siya na marahang sinusuri ang nagkulay pula na palang balat ko dahil sa mariin na pagkahawak ni Silver.

I was astonished when he held my face. His eyes were full of trigging emotions that I can't identify.

"I'm sorry I'm late. I'm sorry...I'm sorry." Paulit ulit niyang sinasabi. My full attention was only in his eyes right now. Unti unti ko nang nakikita ang mga emosyon doon. Frightened, annoyed, anger, worried...

"Are you okay now? Is your arms hurted too much?" Tanong niya. I didn't answer. Hinawakan ko ang mga kamay niya na nasa pisngi ko pa ngayon.

"Pierre, why are you here?" I asked with so much hope. Gusto ko malaman ang rason. Alam kong pwedeng taliwas o iba na naman ang sagot niya pero gusto kong marinig ang totoo kahit hindi pa ako sigurado kung ano nga ba ang tunay niyang pakay.

"I'm here to save you." Umiling ako.

"Why?" I asked again.

"Coz I don't want you to be with Silver." Dahilan niya.

"Why?" Ulit ko.

"Coz he's bad for you and I'm mad." His eyes were back to its somber state.

"Why are you mad?" Pumungay ang mga mata niya. Pero agad siyang nag-iwas ng tingin. He also stepped back so I step forward to him.

"Why are you mad?" Hirap na hirap akong magsalita. Tumingin siya sa akin at nag-igting ang panga niya.

"I-I don't know too." I am expecting more. Napayuko ako. Nanghina ako sa sagot niya.

He held my hands and pressed it gently. Mapupungay ang mga mata niya at naging malinaw sa akin kung ano ang nakapaloob doon. Adoration. Kitang-kita ko iyon sa mga mata niya pero hindi niya masabi sa akin. Hindi niya maamin. What the fuck Claudette?! Umaasa ka na naman!

"I'll be gone for weeks. Please don't do things that'll make me mad." Umirap ako at Tinalikuran ko siya. How dare he command me that? Ano ko ba siya? Ni hindi nga niya maamin sa akin kung bakit siya nagseselos!

To LastWhere stories live. Discover now