Chapter Thirteen

15.1K 254 8
                                    


CHAPTER THIRTEEN

Sister

"Clauddete, Azrael, Knoxx. Klare isn't a Montefalco." Nabitawan ni Kuya Azrael ang susi ng Hilux ni Kuya Knoxx. Napaawang naman ang bibig namin ni Kuya Knoxx.

"You're kidding, Dad." Nanginginig ang boses ko. I'm in the verge of crying for this pathetic prank of my father. That can't be!

"I wish I am." Sumimsim si Daddy sa kape niya. Hinahagod ni Mommy ang likuran nito. Ppareho silang hindi makatingin sa amin.

"Dad! Next next week pa ang April fools!" Hilaw ang tawa ni Kuya Azrael. Nakita ko ang panginginig ng kamay niya. Hindi pa niya napupulot ang susi.

"Ampon si Klare?" Kunot noong tanong ni Kuya Knoxx.

"Kuya!" Matigas na sigaw ni Azrael.

"No." Si Mommy ngayon ang nagsalita. Umiling-iling pa siya.

"K-Kaninong anak siya?" I biting my lips so hard to keep my self from stuttering.

"Dette!" Sinaway rin ako ni Kuya Azrael.

"Anak siya ni Helena sa pagkadalaga. She's a daughther of a Filipino-Chinese businessman. He wants Klare to acknowledge him." Tumayo si Daddy sa pagkakaupo. Si Mommy naman ay nakaantabay sa gagawin niya. Nakatalikod sa amin si Dad at nakahawak sa railings ng balcony.

"She's not a Montefalco." Pahinang boses ni Daddy.

"No, this can't be Dad! Klare's our cousin!" Nagulat ako sa biglang pagsigaw ni Kuya Azrael kay Dad. Ni minsan ay hindi ko nakita si Azi na magtaas ng boses o umangal sa gusto ni Dad. Sa kanilang dalawa ni Knoxx ay siya iyong masunurin at napagsasabihan.

"Azrael!" Saway ni Mommy sa medyo lumapit na si Azi sa kinaroroonan nina Mom.

"I know." Hinarap kami ni Dad. Lumapit si Kuya Knoxx kay Azi at Tinapik ito sa balikat.

Naiyak ako nang makita ko ang emotionless na Klare. Sa dami ng pinagdadaan niya ay hindi ko alam kung paano niya ito natatanggap. Tinulak niya ang lalaking mahal niya palayo at ngayon naman ay malalaman niyang hindi siya isang Montefalco.

Kung ako ang nasa posisyon niya ay hindi ko ito kakayin. Hinahangaan ko siya dahil nakakatindig pa siya matapos ang ilang dagok sa buhay niya. If I am in this situation I probably go insane.

Nagpaliwanag ang mga parents namin sa kanya. Habang kaming magpipinsan ay hindi makatingin sa kanila. Gusto naming takpan ang tenga namin para hindi marinig ang katotohanan. I better live with lies than to feel pain, hindi ko kaya ang ganitong klase ng sakit. I can't take this in.

Isa-isang umalis ang mga magulang namin matapos makapag desisyon ni Klare na gusto niyang kilalanin ang tunay niyang ama.

Ayaw man ng parents at ng mga pinsan namin ay wala kaming magagawa dahil siya lamang ang makakapagdesisyon sa usaping ito.

Pumapasok pa rin kami kahit na malapit na ang bakasyon. Si Klare ay hindi na dahil aniya'y natapos na niya lahat ng requirements. Kami ay hindi pa kaya't naghahabol. Pinaghahandaan rin siguro niya ang pagkikita nila ng tunay niyang ama.

"Si Klare?" I stiffened at Pierre's question. Nakahalukipkip siya ngayon at nakatingin sa akin ng tagos sa mata. Napa-irap ako.

"If you'll ask another date with her, 'wag ngayon." Nag-iwas ako ng tingin at nalasahan ko ang pait sa sinabi ko. What the? Hindi ko inaasahan na magiging ganon ang tono ng salita ko.

Humakbang siya papalapit sa akin. Ngayon ay kalahating metro na lamang ang layo namin sa isa't-isa.

"Hindi ko na kasi siya nakikita dito." May pang-uuyam na ngiti sa mga labi niya ngayon. Gusto kong magtaas ng kilay at umirap.

Sa halip ay humalukipkip din ako. Nilagay niya ang dalawang kamay sa bulsa ng black fitted jeans niya.

"Hindi na siya papasok. Next school year na ulit. You wouldn't see her." He chuckled and bit his lip after. Nag-uumpisa ng gumising ang hindi ko malaman na emosyon sa diwa ko.

"I don't think so." Aniya.

"Why'd you wanna see her? " Ngumisi naman siya at hindi ko maalis sa mukha ko ang pagkunot noo.

"Is there something wrong to see my sister?" Aniya at umawang ang bibig ko at ngumiti siya ng pagkatamis tamis kung saan ay nakita ko ang mahiwaga niyang dimple.

"Wait? What?" Tuluyan ko siyang hinarap at nagulat ako nang nakalahad siya ng kamay sa akin. Kinuha ng kaliwang kamay niya ang kanang kamay ko at minani-obra iyon na parang handshake.

"Pierre Angelo Chongbian Ty. Son of Ricardo Chiong Ty and Marichelle Chongbian-Ty and sibling of Hendrix Richard Chiongbian Ty and Klare Desteen Limyap... Montefalco." Unti-unting nagsink in sa akin ang mga pinagsasabi niya.

"It's nice meeting you Claudette Jamila Navarro Montefalco." Pagkakuway isang binitiwan niya ang kamay ko. He smirked at me and left.

I was again left. Different from other, I was left shocked now.

Klare's father is Mr. Ricardo Ty! Kapatid niya sina Hendrix at Pierre! Natatawa ako habang umiiling. God! Napagkamalan ko na may gusto si Pierre kay Klare. That'll be the real incest. Kung ganoon ay pwede na sila ni Elijah!

Pero nalungkot pa rin ako. Masaya ako na pwede na sila pero nagsisisi rin ako nung nalaman ko ang totoo na hindi Montefalco si Klare. Do I rather pick the lie? Is it way real easy for me to accept?

That day I can't explain why my heart is rising with joy. Not for Elijah and Klare but for someone. It made me look crazy 'coz I can't wipe the smile on my face.

To LastWhere stories live. Discover now