Chapter Thirty-Four

14.8K 227 1
                                    


CHAPTER THIRTY-FOUR

Selos

"You're down lately. Are you sick?" Sinipat niya ang noo ko at inilayo ko naman ito. Halatang nabigla siya sa ginawa ko.

"No, Pierre. I'm just... tired." Nanatiling pinag aaralan ng mga mata niya ang mata ko. Ngumisi ako na lang ako. We're here at Starbucks spending the rest of the night.

"Then let's go home." Anyaya niya. Umiling ulit ako.

Ang totoo ay nababahala lang ako doon sa Princess Co hanggang ngayon. Hinala ko na baka ipapa date din siya kay Pierre. Gusto ko man magtanong pero hindi ko magawa. Just because I'm scared na kapag nalaman niya na malalim na rin ang feelings ko ay iwan niya agad ako at baka isipin niya na maghahabol ako pag nangyari 'yon.

Itinuon ko na lang ang pansin ko sa cellphone ko at isang picture na upload ni Selena ang gumibal sa akin. Sa picture ay kasama niya si Elijah sa isang restaurant. Agad agad ko namang tinignan ang wall ni Selena at isa pang video ang nagpagulo sa utak ko. Video nila ni Elijah habang naghahalikan.

"Holy..." Mura ko. Halos mabitawan ko ang cellphone ko matapos mapanood ang video.

Tumingin ako sa nakakunot noo ngayon si Pierre. Dali dali niya kinuha ang phone ko at pinanuod din ang video.

"Fuck!" Malutong niyang mura. "What was that?" Iritado niyang tanong sakin.

"I don't know." Naguguluhang sagot ko din.

"What the hell your cousin's thinking? Is he out of his fucking insane mind?" Galit niyang sambit.

Hindi ako makasagot. Ang tanging nasa isip ko lang ay hindi magagawa ni Elijah yun kay Klare. No in damn hell.

"Elijah will never do that..." Utas ko.

"What's that then?" Inilahad niya ang cellphone ko. Nagring ang cellphone niya at hinala kong si Hendrix ang kausap niya.

"Let's go. Kina Erin daw tayo. Andon ang kapatid ko." Nauuna siyang maglakad at hirap akong habulin ang malalaking hakbang niya. Wala ni isang kumikibo sa amin sa sasakyan at nang makarating kami kina Erin ay nakasabay namin si Rafael at Damon.

Nakita ko agad si Kuya na nakayakap kay Klare at si Josiah at Rafael na dada ng dada. Nilapitan ko si Klare at makahulugang tinignan at umiling ako sa kanya.

I want to say Elijah will never do that to you. Trust him. But I can't find my voice and strength to say it to her.

Doon kami natulog at umuwi sina Hendrix at Pierre. Bumalik sila kinaumagahan para sunduin si Klare.

"Don't dare tell him, Dette." Banta ni Josiah sa akin matapos naming malaman ang lahat.

Ngumiwi ako sa kanya. "Why would I?"

"Baka lang may sabihan kang ibang tao na...you know... close sa kanya..." Putol putol na litanya ni Joss sa akin. I know he's referring to Spike.

"Yeah." Ani Azrael. "Wa'g mo ring sabihin kay Knoxx. He's probably in Manila. Baka sabihin niya kay Elijah. Let his ass suffer. So, Dette Dette burn the bridges. Don't tell Spike anything."

Kinagta ko ang aking labi at napayuko.

"Hindi naman talaga. We're not close. Why would I tell him?" Sabi ko. Totoo naman 'yon. Nagtetext siya pero hindi araw araw at iilan lang doon ang rineplayan ko. Ang huling balita ko ay nasa Manila na daw siya.

Hindi ko magawang tignan si Pierre hanaggang maka alis na sila. Galit na naman ba siya? Now, I feel really guilty to think I owe him an explanation even if I shouldn't.

To LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon