Chapter Twenty-Three

15.4K 293 2
                                    


CHAPTER TWENTY-THREE

Pinatagal

Walang naging komunikasyon sa amin sa dumaan na araw. Nagkita na lang kami nang sumama sila kay Klare sa birthday ni Elijah.

Katabi ko si Silver dahil kami ang nakatoka sa pag-eedit ng videos na request ni Selena nung minsan kaming nagprepare. Marami-rami rin silang videos na magkasama kaya iyon ang inilagay namin unlike sa aming magpipinsan na kaunti lang ang isinama sa video presentation. It's Selena's surprise anyway kaya wala akong magagawa.

Maingay sina Erin at Chanel na mando ng mando sa mga lalaki kung saan saan ilalagay ang mga bagay bagay.

Nag-angat ako ng tingin sa kadadating na bisisita pero pinagsisihan ko din. Dahil unang nagtama ang paningin namin ni Pierre kaya agad akong umiwas ng tingin. Lumapit sila ni Klare sa amin kaya medyo naging aligaga ako.

"Pasok kayo, Klare. Uhm, ilagay niyo lang ang regalo niyo doon sa table." Hindi ako makatingin sa kanila. God!

Umupo sila sa sofa na malapit sa pinag eeditan namin ni Silver.

"Pupunta ba dito sina tito at tita Clau? How about mom and dad?" Bulong niya sa akin at inilibot ang tingin sa bahay.

"Nope. Bukas pa 'yong celebration with them Strictly for friends ito ni Elijah. Iyon ang gusto ni Selena." Paliwanag ko.

"A-Are we invited tomorrow?" Tanong ni Klare. Bigla akong nalungkot dahil hanggang ngayon ay inaalala parin niya na baka galit o may tampo pa ang mga parents namin sa kanya.

Lilingon na sana ako kay Klare pero sakto naman na nagkatinginan kami ni Pierre habang kinakalabit niya si Klare at mukhang ibibigay niya ang kandilang isa. " I'm not sure, Klare." Bahagya akong ngumiwi at itinuon ulit ang tingin sa laptop.

"This is so corny." Narinig kong sabi niya. Bigla akong nainis kaya hindi ko napigilan ang sarili kong an sumabad sa usapan ng magkapatid.

"Why don't you tell Selena that, Pierre? Tsss." Masungit kong sinabi at tumingin na ulit sa screen ng laptop.

"We're done!" Silver said at nagulat ako ng yakapin niya ako ng patagilid. Agad hinanap ng paningin ko si Pierre na nakatalikod na sa amin at lumakad palayo. I feet guilty! I shouldn't feel this right?

Nag excuse ako kay Silver at mabilis sinundan si Pierre.

"Pierre!" I called him. He didn't turned his back. Kaya mas lalo akong naglakad ng mabilis para mahaltak ko siya.

"Pierre!" I said again. This time tumigil siya pero nakatalikod pa din. Lumapit ako sa kaniya at nagtinginan lang kami.

"I'll go back to my sister." Aniya sa malamig naboses at iniwan akong na hindi makapaniwala na magsasalita pa lang sana ako ay iniwan na niya ako! Kaya noong sinorpresa si Elijah ay hindi ako makangiti.

Lalo pa akong nayamot ng nasa iisang table lang kami nina Klare, Pierre, Hanah, Julia, Liza, Ako at si Silver.

Alok ng alok sa akin si Silver ng pagkain at tango lang naman ako ng tango. Pati sa pagkain ay hindi ko magawang kainin ng maayos dahil alam kong pinanunuod niya ako. Nagpaalam si Klare na magc-cr at si Silver na pupuntahan lang ang mga kakilalala. Sina Hannah naman ay busy sa pinag-uusapan.

Nasa likuran ng bangkuan ko ang bangkuan nina Erin. I should join them right?

Bago pa ako makatayo ay napapikit na ako nang makita si Pierre na mabilis umupo sa tabi ko.

"What now?" I grunted. Kumunot ang noo niya at halatang iritado. Kung iritado siya ay mas ako!

"What now? You tell me, Claudette. Why are you still dating him?" Wika niya. Hinarap ko siya at nakikita ko sa mga mata niya ang pinaghalo halong frustration, galit, inis, at jealo--- No! I cut myself. Wala siyang nararamdaman na ganoon for pete sake!

To LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon