Chapter Eleven

16.2K 263 2
                                    


CHAPTER ELEVEN

Recall

Ngayon naiintindihan ko na ang lahat. Iyong pagiging malapit at malayo nila sa isa't-isa. Ang pagbabangayan nila sa simple at malalaking bagay. Hinahapuhap ko ang pandidiri sa sistema ko para sa kanila pero wala. Kahit saan ko kapain, wala. Ang bumabalot lang sa akin ngayon ay ang takot.

Natatakot ako sa pwedeng gawin ng pamilya namin para lang mapigilan ito. Kilalang-kilala ko sila, lalo na ang Dad ko. Hindi nila papayagan mabali ang prinsipyo ng pamilya namin. Kaya lahat ng tanong ko ay itatanong ko na sa kanya ngayon. Andito kami sa bahay at nagkayayaan na mag movie marathon. Lumabas ang iba at nagiinuman ang boys sa veranda. Kami na lang ang natira rito nang umalis si Elijah pagkatapos ko islang maabutan na naguusap.

"I get it. Nararamdaman ko iyon. And I understand, I'm with you both. I know it's bad. Really bad. But I wanna know, Klare, bakit?" Nangigilid ang luha ko na pinanonood lang ang nakatungangang si Klare sa harapan ko.

"Bakit si Elijah? Bakit..." Hindi ko maapuhap ang tamang mga salita para magtanong sa kanya. Hindi ko ito maintindihan noong una. Dati ay nakikita ko na si Elijah lang ang naapektuhan pero hindi ko nahulaan na pati si Klare ay mahuhulog din.

"Bakit siya kung si Eion 'yong alam kong gusto mo? Paano nangyari ito? Bakit sa pinsan pa natin?" Pumikit ako at umiling. Huminga ako nang malalim para mapigilan ang aking mga luha.

"Hindi ko alam. Nangyari na lang." Iyon na talaga ang inaasahan kong sagot. Talaga naman sa pagmamahal mahihirapan kang humanap ng salita para maipaliwanag ito. Hindi laging kailangan ng dahilan para mapatunayan ito.

"Paano? Si Eion, diba, 'yon? Remember? Niyaya mo siya sa debut mo?" Pero kahit papaano ay naitanong ko pa rin ito. Gusto kong malam kung kalian siyang nagsimulang mahulog na rin.

Tumango siya. " Well, the, paano nangyari?" Tanong ko.

"I don't know, really. Hindi ko alam, Calu." Mahina ang boses niya.

"I'm not against the two of you, Klare pero hindi naman sa kinukunsinti ko kayo. Nakita ko kayong lumaki. Yes, I admit that Elijah's been gone for a long time at nong high school tayo ay hindi natin siya madalas kasama dahil pabalik balik parin siya ng U.S... And I've seen you both fight over petty things na akala ko ay hindi na kayo magkakasundo. Why now? What happened?" Kunot noo kong tanong.

"Nakita ko siyang madalas na natutuwa pag tinitingnan kang nahihirapan noon. At nakita rin kita noong sinampal mo siya at ginalit sa harap ng maraming tao. Kahit kalian, hindi ko inisip na may mamumuong ganito sa inyong dalawa. Untill that day..." Hindi ko mapigilan alalahanin ang mga gumulo sa isip ko.

"Nong practice ng debut. 'Yong pagiging gao ni Elijah tuwing napag uusapan si Eion. But I rejected that idea. It's impossible. He's just being overprotective like how Rafael, Josiah, Damon, and Kuya Justin cared for Chanel's relationships. Pero may napansin ako, hindi naman siya babaero no'n a? Alam kong pumuporma siya sa mga babae ngunit hindi siya lelebel kay Kuya Azi. At tuwing naiisip ko kung gugustuhin niya talagang pumorma ay mas mahihigitan pa niya si Josiah sa dami ng nagkakandarapa sa kanya. Ikaw rin, Klare, the way you got really angry no'ng nakita mong kasama niya si Karen sa Sweet Leaf. You were so mad at him. Bakit?" Nakita ko ang pagyuko niya.

"Simula non, napansin ko na lahat ang galaw niyo. 'Yong madalas na pagtulog niya sa kwarto mo." Iniwas ko ang tingin ko.

"Hindi kami ganon, Clau." Umiling siya ng umiling. Tumango ako.

"Sorry. Hindi ko maiwasan ang magtanong. I've been keeping this to myself. Gusto kitang kausapin dahil mas madali 'yon kesa kay Elijah. Dahil alam ko, sa inyong dalawa, ikaw 'yong may mas control. Palagi kitang nadadatnan na nagpipigil at tumitingin sa malayo pag may hindi gustong mangyari, ngunit si Elijah itong walang pakealam basta ba masabi at magawa niya ang gusto niya." Bumuntong hininga ako ng malalim at hinawakan ang kamay niya. Tinitigan ko siya ng direkta sa mata. Pinipilit ko pa rin I hold back ang mga luhang gusto nang kumawala.

"I'm with you both. I'll support you because I love the both of you. Nakita ko rin kung paano mo siya iniwasan at kung paano ka rin niya iniwasan noon. At ngayong nandito na tayo, wala na tayong magagawa. But, Klare, aren't yyou scared?" Hindi ko na napigilan ang luha ko. Kusa na itong lumabas, pinipigilan ko ang humikbi dahil gusto kong ipakita sa kanila na kailangan nilang magpakatatag. Kaya lamang ay kung ang magpapayo sa kanila ngayon ay bumigay na ay baka lalo lang silang matakot. I want them to be brave.

"I'm scared." Aniya. Pinunasan ko ang mga luha ko. Ngumisi ako to lighten the mood at humiga sa kama.

"Sorry for crying. Talagang natakot ako para sa inyo. Hindi ko alam." Umiling ako. " Nakakabaliw pero gusto ko kayong dalawa. Elijah's an ashole but I've seen him... the way he looks at you..." Tumingin ako sa mga mata niya. " At natatakot akong sa oras na may makaalam ay baka paghiwalayin kayo. Masyadong particular si Dad sa mga ganyan. Maging ang mga tito natin." Nagpaumanhin siya at humiga sa tabi ko. Napangiti na lang ako nang tumitig sa mga mata. May naalala ako sa kanyang mga mata ngayon. Yung mga mata nong taong iyon na walang emosyon.

This is going to be rough between that two. Mayroon na akong nararamdaman na nagdedevelop sa feelings nila at alam kong hindi ko na kayang pigilan pa ito. I'll just support them because they're my family. And I really love them.

It is only lust in the eyes of the world but I learned that it's not for the two of them. The label should be recall as love. A strong and unbreakable one. I'll just pray for them. That's the least that I can do besides helping them to hide it.

To LastTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang