Chapter Twenty-Eight

Start from the beginning
                                    

Napatikhim ako ng mabas ito. Tumingin ako sa sarili ko sa salamin ng wala sa oras. He's right. It's showing a lot of my skin lalo na dibdib but I don't care.

"He's very primitive." Nakatingin si Kuya sa cellphone ko at agad ko iyong naibaba.

"Tell me, sis, Ano nga meron sa inyo?" Tanong niya ulit.

Napabuntong hininga ako. Tama ba na sabihin ko? kahit sa kanya lang naman pwede di ba? Kasi Kuya ko siya?

"I don't know Kuya. Hindi ko alam ang tawag sa amin. We're friends?" Natatawa kong sabi.

Sumeryoso ang mukha niya. "What friends?"

"Uh, I, I don't know? Nung summer kasi madalas kaming magkasama. He acts strange kapag kasama ko si Silver and then now... H-He said he likes me." Napabuga ako sa hangin. Mas kinakabahan pa ako dito kaysa sa recitation.

"Kaya mo ba binasted si Silver dahil sa kanya?"

"Yes, I mean, no. At f-first. He told me to dump Silver and I did but I gave Silver another chance again, tapos binasted ko siya dahil hindi din nag work out." Alinlangan na sabi ko.

"Binasted mo na si Silver dati? Bakit mo siya bingyan ng chance ulit?"

"Because I'm bad. I used Silver to forget my feelings for him. Akala ko magugustuhan ko siya but... I didn't." Hindi ako makatingin kay Kuya. Kung huhusgahan niya ako ay okay lang. Alam ko naman talaga na mali ako.

"Why'd you want to forget it?" Ttanong niya muli.

"Chinese is for Chinese. I can't break that tradition. Masasaktan lang ako sa huli, Kuya." I gave him my faint smile. Tumayo ako at dumiretso sa mga pinsan ko na nag aagawan sa mga masks.

"Here's yours." Iniabot sa akin ni Erin ang kulay grey and black na mask. Simple lang ito at may crystals para magmukhang elegante.

"That will suit your dress."Dagdag pa niya kaya ngumiti na lang ako.

Nakaka kaba ang party ng mga Ty. Puro Chinese tycoons ang naroon. Habang dumadaan ang ang mga iyon sa red carpet ay hindi man lang sila ngumingiti sa camera.

Nang dumaan ang kanilang Ahma ay lalong naging tahimik. Sinalubong siya nina Hendrix at Pierre. May kasamang nurse ang lola nila at isang babae na petite at maputi. Nanlalaki ang mata ni Hendrix nang niyakap siya ng babaeng iyon.

Instinct na siguro ang pagbaling ko kay Erin na blanko ang mga titig kina Hendrix at Pierre.

Nakita ko naman ang paglapad ng ngiti ng kanilang Ahma nang lapitan at batiin siya ni Pierre. Siguro ay siya ang paborito nitong apo. Lalo tuloy akong nalamig nang mapagtanto iyon.

Dumiretso sila sa kanilang table. Habang nandoon ay tumayo ang isang pamilya para batiin ang pagdating ng kanilang Ahma. Namataan ko ang pamilyar na mukha ni Gavin Co. Siguro ay magkaibigan ang angkan ng mga Ty at Co.

Nakita ko ang paglahad ng kamay ng kanilang Ahma sa isang maputing babae na matangkad. If I'm not mistaken it is Princess Co, the sister of Gavin Co na minsan nang nag-aral ng ilang semester sa Xavier. Doon yata siya nag first year at nung magsecond year na ay lumipat na ito sa ibang school.

Nakita ko ang matamis na pag ngiti nung Princess kay Pierre. Wala namang emosyon ang makikita sa mukha ni Pierre nung nagkamayan sila ni Princess. Iyon na 'yon hindi ba? Inerireto na siya sa isang full Chinese? And what's next? Wedding bells?

Sumakit bigla ang puso ko nang maisip 'yon. Kailan ba ako hindi na maaapektuhan? Kapag nakahanap na rin ako ng lalaking pagtutuunan ng pansin?

"Kuya? Sino 'yong babae na yumakap kay Hendrix kanina?" Kinalabit ko si Kuya habang umiinon siya ng tubig.

To LastWhere stories live. Discover now