Kumunot ang noo niya sa akin at tuluyan na bumaling sa nagtatawag na si Elijah.

Pumunta na rin ako doon at pinanuod kung ano bang lalaruin nila sa xbox nila Klare.

Hindi namin inaasahan na pupunta ang mga kaibigan nila Hendrix na si Vaughn, Andrei at Jack.

Nagexcuse sina Kuya dahil alam kong magiging awkward siya pag kausap ang mga bagong dating. I know him, he's antisocial pag lalaki pero pagbabae sobrang pa feeling close niyan.

Tatayo na rin sana ako para sundan sina Kuya sa patio nila Klare pero pinigilan ako nung Jack.

"You're leaving too?" Nagtaas ako ng kilay at umiling saka umupo ulit.

"So... graduating ka rin this coming school year, Claudette?" Tanong niya. Siguro ay nalaman niya na magkabatch kami ni Klare dahil naikwento niya ito sa kanila.

"Yup." Simpleng sagot ko. I know how to converse with boys pero hindi madalas. Ako kasi yung tipong hindi friendly tulad ng iba kong babaeng pinsan.

"Same course kayo ni Klare hindi ba?"Siya lang ang may ganang magtanong sa akin. Busy iyong Andrei sa cellphone niya at si Vaughn naman sa kakatingin kay Klare.

"Yup.Business Ad. Ikaw, ano bang course mo o graduate kana?" I asked him back para naman hindi niya mahalata na ayaw kong makipag-usap sa kanya. His face's structure was foreign ganun din ang built niya. Siguro ay half Brazilian siya o ano.

"Chemical Engineering. Same with Pierre, Andrei and Vaughn." Napatango ako. So nag-aaral pa pala siya at gragrduate din siya nito. Siguro ay matagal nang magkakaibigan ang mga ito kaya ganito sila magbond. Mayroon pa kaya silang ibang kaibigan sa Davao na ganito nila ka close?

Napatingin ako sa gawi nina Kuya na tahimik lang na nanonood sa amin.

"What about your hobbies?" Napangwi ako sa tanong niya. Is this some kind of slambook? Baka naman mamaya when is your birthday na ang itanong niya.

Napaisip ako sa hobbies ko. Wala akong gusto sports. Puro kpop at anime lang ang hilig ko at sa pagbebake lang ako proud dahil kahit papaano ay maalam ako doon. Ako ang nagturo kay Erin kung paano magbake e.

"Uhm, baking?" Di ko siguradong sagot.

"Oh! So you know how to bake?" Humalakhak siya at mas lalong nadepina ang panga niya. "Since business major ka naman, siguro magandang mag negosyo?"

"Well, hindi ko naisip na i-apply ang baking skills ko sa negosyo. I still don't have plans yet." Ngumiti naman siya at nagkwento nang balak niya after niyang makagraduate. Nasabi niya na gusto niya magtrabaho sa company nila para mai-apply yung natutunan niya sa course niya. Factory yata iyon para sa mga farm needs. Pesticide and etc...

"Dapat pala sumama ako sa kina Vaughn nung nagtransfer sila dito." Halakhak ni Jack habang kausap si Andrei na pangisi ngisi lang sa tabi.

Nagvibrate ang cellphone ko at nagibg mabilis ang pintig ng puso ko nang malaman kung sino ang text sender.

Pierre:

I'm mad and I seriously wanna punch Jack right now.

Kahit naguguluhan ako ay hindi ko mapigilan matuwa sa text ni Pierre. How did he know na nandito kami sa bahay nila at kasama namin ang mga kaibigan niya? Nilingon ko si Klare sa tabi ko, did she tell?

Ako:

How'd you know we're here at your house at ang mga kaibigan n'yo?

Dalawang minuto lang ay nakapareply na siya.

Pierre:

Tss. Remember what I told you. Don't talk to him and be with your brother. The first thing I'll do with him when I see that Jack will leave some bruises in his face.

To LastDonde viven las historias. Descúbrelo ahora